I

8.3K 72 1
                                    

By: trulyyours_wp

CHAPTER I

"Celestina!!! Celestina!!! Aba! Ilang linggo ka ng walang bayad sa renta! Baka gusto mong palayasin na kita!" maingay na katok ng kaserang si Aling Potchi ang gumising kay Maria Celestine.

Tamad itong tumayo at pumunta sa pintuan, "Aling Potchi..... Pasensya na po kayo... Mayroon naman po akong 500 dito, baka pwede na po iyon... dahil kapa-padala ko palang ho kasi kila inay."

"Blah!Blah! Amin na! At baka mapalayas pa kita!" tumalikod naman si Celestine o mas kilalang Celestina. Kinuha niya ang 500 sa bulsa ng kanyang pantalon na sinuot kagabi. "Akala mo naman talaga ay maganda ang kanyang bahay, puro na nga anay." Bulong niya sa sarili.

"Celestina! Ano ba't ang tagal!"

"Ito na ho!" inabot niya ang 500 kay Aling Potchi. Pagkakuha ng pera ay agad naman itong umalis. Isinarado niya ang pinto at nagtungo sa CR. Saglit lang siyang naligo at nag-asikaso na ng agahan, tumingin siya sa orasan at pasado alas-nuebe na pala. "Late nanaman...." Mariin ang pagpikit ng mata niya.

Nagmamadali siyang lumabas ng bahay. "Celestina! Saan ang punta mo?" napatigil naman siya ng tawagi ng kaibigang si Ammie.

"Ammie! Dyaan lang sa may Makati, may interview ako." Ngumiti pa ito ng pagkatami-tamis.

"Naku, sige umalis kana at baka mahuli ka pa." sa suot niyang simpleng corporate attire na hiniram niya pa kay Ashley kagabi ay lahat siguro mapapalingon. Lahat ng kurba niya na iidepina ng suot niya.

Sumakay siya sa siksikang jeep na may nangangamoy amoy putok na katabi. "Bwiset naman tong katabi ko, nakalimutan atang maligo." Bulong niya sa sarili. Nilingon naman siya nito at nginitian.

"Nakalimutan din atang mag tooth brush." Tinakip niya ang panyo sa bibig at ilong dahil baka mag karoon pa siya ng sakit dahil sa nangingintab nitong tartar.

"Para po." Bumaba siya sa tapat ng isang mataas na gusali. Kahit hanggang second year lang ang natapos niya ay buo ang loob niyang makapag-trabaho sa industriyang ito.

"Good morning manong, pwede pa po bang mag-apply?" binate niyang guard na nasa gusali.

"Naku Mam! Humabol pa po kayo doon at hanggang alas-diyes imedya lang po yan." Tinignan niya ang kanyang relo, alas diyes. Mayroon pang trenta minutos.

Naaninag niya kaagad ang haba ng pila, "Diyos ko, sana ho ay maka-abot pa po ako." Nagsimula na siyang manalangin para sa sarili.

"Maria Celetine Rodriguez." Tawag ng nasa reception.

"Diyos ko..."

"Pasok ka na po sa loob" anito sa kanya. Malamig ang kamay niyang hinawakan ang knob ng pinto.

Sumalubong sakanya ang tahimik na ambiance ng opisina. "Good Morning po Sir." Hindi man ito tumingin sa kanya ay alam niyang parang isa itong Diyos na nagmula sa Mt. Olympus. Base sa tabas ng buhok, kuba ng panga at tangos ng ilong animoy isa nga itong Diyos.

"Hmm.. Miss Celestine, I don't think na maha-hire ka naming, base sa resume mo ay second year college kalang at wala pang experiences sa matataas na kumpanya." Nang tumingala ito sa kanya at halos mabitawan niyang bag na hawak.

"S-sir, kahit po j-janitres lang.." nauutal niyang saad.

Matagl siya nitong tinignan at huminga ng malalim. "Okay. Tatawagan ka namin."

Pumait ang kanyang mukha, tila ba sawang-sawa nang naririnig ang katagang iyon. "S-salamat po."

"Diyos ko, kahit janitres lang po sa opisina niya okay lang."

Muling nabalik sa realidad si Celestine ng sumalubong sa kanya si Ammie, "O, Celestine! Ano? Nataggap ka naman ba?"

"Tatawagan daw." mahina ang himig niya.

"Huwag ka nang umasa! Ang mabuti pa ay mag-palit kana ng damit. At may trabaho pa tayo, mag aalas-dos na oh, baka mapagalitan nanaman tayo ni Betty niyan at late tayo." dumiretso siya sa bahay niya at saglit na kinuha ang damit na spaghetti strap dress na muling yumayakap sa kanyang mga kurba.


"Ang seksi talaga!" pag labas ng bahay ay agad siyang binati ni Ammie. At sabay silang naglakad palabas ng kanto.

"Celestina! Magkano kaba? Tutal yon naman ang trabaho mo diba? Huwag kana munang pumasok sa trabaho, sa akin ka nalang muna ngayon." Animoy isang bagay na mabilis hingin, kunin at angkinin.

"Hindi ako maruming babae." Mariing sagot niya sa lalaking nadaanan nilang nakikipag-inuman.

"O? E, bakit gabi kana nauwi? Bakit ganyan ang suot mo? Ang matinong babae may disenteng trabaho!" Singhal nito sa kanya.

"Huwag kang mag salita tungkol sa pagiging matinong babae, una palang ay pangalan ko lang ang alam mo." Pagka-sabi nito ay hinatak na siya ni Ammie pa-alis.

CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon