VIII

4.1K 87 5
                                    

By: @trulyyours_wp

CHAPTER VIII

Her heart beats so fast, jusko, may sakit na ata ako sa puso.

C'mon Celestina! Simpleng note lang yan ng boss mo. Wika ng kabilang parte ng utak niya.

Tama, tama note lang yan, walang malisya. Sang-ayon niya sa sarili.

Note lang yan, pero nabihag ka na niyan noon! Duon kumunot ang noo niya, Noon? Matagal na ba silang magkakilala? Pero bakit di niya ito maalala?

Aish! Tama na nga, Kumain ka nalang Celestine . Mukhang tanga niyang sinaway ang sarili.

Tinapos niya nang mabilis ang pagkain upang mailigpit na niya ang mga dalang gamit sa closet ng hotel. Simpleng damit lang naman ang dala niya, may mga corporate attire para sa assembly at mayroon ding pang simpleng okasyon lang.

Akala niya ay tapos na siya dahil nailagay na niya ang huling damit sa closet pero napatigil siya ng makapa ang kapirasong tela na kulay itim.

"Putcha." Napamura na lamang siya ng maitaas niya ito. Isa itong one piece bikini na itim. Agad niyang kinuha ang ipinahiram na cellphone ni Ammie, at hinanap ang numero ni Betty.

"Betty! Ano nanaman itong isiniksik mosa bagahe ko?!"

"Good evening beh, miss ka na nga pala ni Madame." Napa-irat si Celetine.

"Yung tanong ko sagutin mo Berto Jose." Seryoso niyang saad.

"Berto Jose ka dyan! Si Betty ako! Tsaka di mo ba alam yan? One piece yan beh, alam ko naman na may paggagaamitan ka niyan. Ang arte mo! Mag thankyouka nalang!" sunodd-sunod na sabi ng kaibigan.

"Di ko naman kailangan to eh..." pilit pa niya.

"Hay nako! Gamitin mo yan, syang bili namin nila Ammie dyan ha?! Mahal yan." Wala na siyang nagawa, oo nga naman nandito na ito.

"Sige na nga salamat."

"T-teka, Celestina! Kaya iphone yang ipina-hiram sayo, magpicture ka daw tapos isend mo samin, para may pamalit na ako sa profile picture ko." Natawa naman siya ng mahina.

"Gaga, walang maniniwala na Bettina Rose ang pangalan ng katawan ko, mashadong mabaho, Berto Jose." Balik asar niya rito.

"Tigilan mo ako Celestina ha?! Yari ka talaaga saakin pag-uwi mo, o siya at baka may gagawin ka pa." parehong nagpa-alam sa isa't-isa ang dalawa.

Siya naman ay bumaba na para makita ang amo niyang si Logan. Pagbaba sa may pool side ay nakita niyang parang may handaan at maraming mga tao ang naroon, puro ito naka semi-pormal. Di naman niyaalam kung kabilang ba roon si Logan kaya naupo na lamang siya sa may upuan.

"Babe.... Ngayon nalang ulit kita maso-solo. Miss na miss na kita." Parang pumintig ang tenga niya, putchang boses yan, napakalandi naman.

"Tumigil ka, I'm not here for you, I'm here for my business." Boses iyon ni... kaninong.. aba't kay Logan iyon ah!

Napalibot ang ulo niya, pero imbes na si Logan ang makita niya, "Celestine! I didn't know that youre here!" Zues.

"A-ah, e-eh. Si s-sir L-logan," lumunok ako, "k-kasama ko."

"Ay oo nga pala, I forgot, secretary ka niya right?" he handed Celestine a glass of wine.

"Celestine." Isang matigas na tono ito

"We're just chatting, besides I have Ashley, the mother of my son." Nagulat siya.

"Ashley?"

"Yeah, Ashley, soon I will send you a wedding invitation." At saka ito tumalikod.

CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon