XVII

1K 16 9
                                    

By:@trulyyours_wp

Napabalikwas nang bangon si Celestine, hinahalukay ang sikmura niya kaya dumiretso siya sa cr at doon nagdududuwal.

"Fvck! What happened?!" Naramdaman siguro ni Logan ang bangon ni Celestine kaya pati ito ay nataranta rin.

"Wala ito, baka sa nakain ko lang." She stood up as he followed her.

"Ano bang nakain mo?! Sasabihin ko sa mga staff then when I found out who cooked that, I'll fire them." napa-angat ng tingin si Celestine. Hindi, hindi pwede mawalan ng trabaho ang mga iyon. Alam niya ang hirap nang walang trabaho kaya hindi niya hahayaan si Logan sa plano nito.

"No.. baka iba ang epekto ng tyan ko, hindi na kasi ako sanay sa mga pagkaing ganon."

"O-okay... Put your clothes on para makapag almusal na tayo." Tinungo niya ang bag niya, naalala niya na wala na nga pala siyang damit, di naman niya pwede suotin ang suot niya kahapon dahil magagalit si Logan, kaya tinahak nalang niya ang closet nito. Kumuha siya ng boxer shorts at tshirt na white. Over size ito sa kanya pero mas ok na ito kaysa naman sa suot niya kahapon.

Mamasa-masa pa ang buhok ni Logan paglabas ng banyo. "A-ahm.. Hiniram ko muna yung damit mo, naubusan kasi ako." nakayuko siya malamang ay mapupunta nanaman ang paningin niya sa six pack abs nito at sa v-line na sumisigaw ng kayabangan.

"That's ok, later we'll go shopping." hinubad nito ang tapis na twalya at pinunas ito sa buhok niya, ngayon may isang Diyos ng Kakisigan sa harap ni Celestine ng naka brief lang.

"Huwag na sana, maglalaba nalang ako." pumunta na si Celestine sa banyo upang magsipilyo at maghilamos. Pagkalabas niya ay wala na si Logan sa cabin.

Lumabas siya upang hanapin si Logan agad naman niya itong nakita at may kausap itong babaeng mid 40's ang edad, may kasama itong babaeng maganda na bata lang ang edad sa kanya, at dalawang lalaki na mas pinabata ang hitsura kay Logan.

Lumapit si Celestine upang alamin kung ano ang mayroon.

"Bakit narito ang babaeng yan?!" tulad nang una niyang makita si Logan, ganon nalang din ang galit ng babaeng ito sakanya.

"Mom, calm down. Please?" Mom? So mommy ito ni Logan? Jusko nakakahiya. Nakayuko nanaman si Celestine naghahanap ng mapag iintresan sa mga paa niya. At napagtanto niyang cute pala ang kuko niya sa hinliliit.

"So the rumors ang true Kuya?!" nagsalita ang babaeng kasama ng ina ni Logan.

"What's with the rumors, Blaire?" tanong naman ni Logan, habang ang dalawa nitong kapatid ay nakatingin sakanya.

"That you dumped ate Marisse for this bitch." 'This bitch' di dapat ako masaktan kasi ganon ang trabaho ko noon, pokpok ako. Kahit gutom nantiling naghihintay at naka yukod si Celestine.

"I don't dumped her. Tsaka kumain muna tayo, gutom na kami." Ikinawit naman ni Logan ang braso niya sa baywang ni Celestine habang naglalakad.

"Sorry about that, I didn't expect them actually." umangat ang ulo ni Celestine at saka nginitian si Logan.

"Ok lang, totoo naman ang kapatid mo, kung di mo nga ako tinanggap baka nasa bar parin ako ngayon. Tsaka ganon naman talaga ang tawag saamin." muling nagbaba ng tingin si Celestine.

Nang makarating sa cafe sa loob ng resort ni Logan ay pumesto na ang buong pamilya, marahil ang Blaire na ito ang bunso nila at ang lalaki sa harap ko na tinatawag nilang Lincoln ay ang pangalawa sa bunso at ang isa naman na si Jaxon ay pangatlo, panganay si Logan at sumunod si Zeus.

"Why we're eating with trash? Kuya, di ka pa nagpapalinis ng cafe ang baho amoy malansa?" she knew that she's the trash and that has malansang amoy.

"Blaire. Tumigil ka, si Mommy nga di nagsasalita, tapos ikaw nangingielam. Anak mo? Anak mo?" anas ni Lincoln sa kapatid. Irap lang ang iginanti ng bunso.

Hindi alam ni Celestine kung bibilisan niya o babagalan niya para di siya masabihan ng patay gutom. Pero sa totoo lang gusto na niyang bilisan para makaalis na siya sa lugar na iyon.

Matapos ang agahan at nailigpit na ang gamit ng magsalita ang Mommy ni Logan. "Iginalang ko ang hapag kaya di ako nagsalita pero Logan, di ka bobo at di ka nasisiraan ng utak. Alam mo ang matagal kong ayaw Logan."

"Alam ko, Mommy pero... Saka na natin pag usapan ito, di ko naman pababayaan ang negosyo." naramdaman nalang ni Celestine ang kamay na humahawak sa kamay niya.

Gaya nga ng ipinangako ni Logan, idinala siya nito sa Mall at ipinamili ng mga damit at kung ano pang kailangan niya, di naman niya kailangan ng marami pero parang tinatawag siya ng mga ito para bilhin, it feels like before.

"Ito ba gusto mo?" Ani ni Logan na may hawak na dress.

"Hmm, okay lang." Natapos ang pamimili nila at wari bang parang di inalala ni Celestine ang presyo kung magkano ang nagastos ng kanyang boss sakanya.

"Celestine?! Huy! Ikaw nga!" Habang kumakain isang babae ang lumapit sakanya, "Alam mo matagal ka ng hinahanap ng magulang mo."

Fuck.

A/N: who's waiting??? tuloy pa vah??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon