III

5.6K 80 0
                                    

By: trulyyours_wp

CHAPTER III

Katahimikan na ng gabi ng makauwi sa tinutuluyang bahay si Celestina,"O, siya, mauna na ako Celestina, at baka mapagalitan pa ako ng magulang ko." Wika ni Ammie sa kanya.

"Sige Ammie! Salamat ha?" nginitian niya ito at saka tuluyang pumasok sa bahay.

Hindi na rin siya nag-aksaya ng oras at mabilis na naligo paara makatulog din ng maaga.

Paggising, ang plano niya ay sumaglit sa malapit na padalahan ng pera, para maka-paagpadala ng maaga sa magulang. Inaasahan niyang masaya ang mga ito dahil hindi naman ganito ka-aga ang pagpapadala niya. Paglabas ng bahay, mga batang madudungis ang nasilayan niya. "O, buti at gisisng kana! May naghahanap sa'yo kanina." Si Ammie ito na umiinom ng kape sa tindahan ni Aling Potchi.

"Sino daw?"

"Babae eh. Pero ang sabi, wala ka daw kasing iniwan na cellphone number kaya paano ka daw tatawagan?" napakunot ang noo niya. Oo nga pala! Tanga!

"Ano pa daw?" urirat niya pa.

"Ang sabi ay pumunta ka daw sa pinuntahan mo kahapon." Sumimsim pa ito ng kape at pumait ang mukha sa init.

"S-sige salamat Ammie!" bumalik siya sa bahay at naligo, wala na siyang ibang matinong damit bukod sa isang faded jeans at t-shirt na v neck.

Ang planong pagpapadala ay nalimutan na niya, "Hay. Mamaya na nga lang." sabi sa sarili.

Muli siyang sumakay sa siksikang jeep, medyo malayo kasi ito sa tinitirhan niya.

"Para po." Kailangan na niyang masanay sa pagba-byahe araw-araw, kung matatanggap man siya.

"Manong guard, ipinapatawa po ako-"

"Si Mam Celestine po kayo?" hindi na siya nito pinatapos.

"Opo."

"Dumiretso na po kayo sa opisina ni Sir," tinanguan niya ito at tumalikod.

Habang naglalakad ay may naka-salubong siyang isang may salaaming babae na umiiyak. Dala-dala nito ang isang box na puno ng gamit. Jusko, baka umiyak din ako.

Pumasok sya sa isang elevator, "Yes, Maam?" bati sa kanya ng operator.

"Kay Sir..."

"Ah! Ma'am Celestine?" She stilled. Bakit siya kilala ng mga ito?

"A-ah, o-oo." Kahit nauutal ay sinikap niyang maging propesyonal.

"Floor, 28 po Ma'am." Anang nito sa kanya.

Pagkadating sa tamang floor, ay agaran siyang lumabas. Kumatok siya ng tatlong beses at hinawakan ang knob ng nanginginig ang kamay.

And when she entered, there's a God from Mt. Olympus "G-good M-morning po..."

"Good morning, Celestine. I don't want to waste time, that." Ikinalawit nito ang hintuturo sa ere, "will be your table, you'll be my secretary. No more complains, and... for your salary, I'll let the HR talk to you." Sunod-sunod ang sabi nito.

"Then, you will be starting from today." Napatanga siya.

"P-po?"

"You will start today? Problem?" Base sa panga nitong naka-hulma ay halatang isa itong striktong tao.

"W-wala po." Yumuko siya at tumungo sa blanko niyang lamesa.

"And... make some coffee for me." Ma-awtoridad nitong saad sa kanya.

Kahit hindi alam ay lumabas siya ng malaking opisina, jusko, saan ba ang pantry dito?

"Excuse me, saan ba ang pantry dito?" Nahihiya man ay nakuha niyang istorbuhin ang isang babaeng nagta-trabaho.

"Dumiretso ka dyan, tapos yung kulay brown na pinto, pumasok ka doon." Anito sakanya.

"Sige, salamat ha?" Tumungo na nga sa pantry at nag handa ng kape, kahit naman papaano ay alam niya kung paano gumawa ng kape na pasok sa banga ang panlasa.

Pagkabalik sa opisina ay sobrang dami namang papeles ang nasa table niya. "You need to finish that until today."

Pinuntahan niya ito at inasikaso, mga kailangan lang naman itong i-type at i-file. May mga kailangan din dalhin sa mga department head. Sa sobrang daming ginawa ay hindi na niya namalayan ang oras.

"You will not go home, until you're not finish." Yan ang iniwang kataga sa kanya ng amo.

Pagtingin sa oras ay alas-otso na pala ng gabi, at hindi pa siya tapos! Dahil sa pagod ay inabutan siya ng antok.

"Ma'am. Ma'am Celestine. Ma'am. Dinner po, pinabibigay ni Sir Logan." Gising sa kanya ng guard.

Pagtingin sa brown paper bag, ay nakita niya ang take out sa McDo. "Sige s-salamat."

Tinanggal niya ito sa balot.

Pagkatapos mong kumain, umuwi kana. Wag mo ng tapusin yan, it's not urgent by the way.

Aba't! Loko yon ah!

CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon