II

6.4K 66 0
                                    

By: trulyyours_wp

CHAPTER II

Mamahaling Bar naman ang pinagta-trabahuhan ni Celestine, kaya kahait na ganoon ay nararapat na hindi narin siya mag hanap pa ng ibang trabaho. Iba nga lang sa kanyang mga kasamahan siya ay nanatiling malinis na babae, yung puro. Naniniwala kasi siya na hindi basehan ang katawan sa pag tatrabaho at hindi ito dapat gamitin.

"Hay.. mabuti naman at maaga kayo Ammie! Halika! At aayusan ko pa kayo, baka magalit si Madame kapag di pa kayo naka-ayos." Halos gabi-gabi niyang sinisikmura ang mga damit na ipinapasuot sa kanya. Mga damit na hindi naman ang tipo niya.

"At Celestina... uminom ng alak mamaya ha? Wag puro juice! Hala ka, at wala kang kikitain." Yon nga ang ayaw niya, ang uminom ng alak at baka kapag siya ay nalasing kung ano ang mangyari sakanya.

Sa edad na dalawamput isa, maganda parin naman siya. Ika nga ni Betty, hindi na kailangan paliguan ng kolorete para gumanda. Pero aanhin ang ganda kung ito ang trabaho na mayroon ka. Kahit na di uminom ng alak ay nananatiling isa siya sa dinadayo, kahit na naiilang kasi ay pinipilit niyang makipag-kaibigan. Marahil ang iba ay iba rin ang gusto pero hanggang trabaho lang talaga siya.

Pagpatak ng alas sais ay sunod-sunod na makukulay na ilaw ang sumulyap sa mumunting silid, pa ikot-ikot ito, kahit na wala pa gaanong kostumer ay napakalakas na ng tugtog na nagmumula sa malalaming speaker sa harapan.

"Celestina, galingan mo ngayong gabi." Hinawakan ng Madame nila sa Bar ang litaw niyang balikat dahil sa suot na tube dress. "Ay, opo, Madame." Magalang na sagot niya.

Unti-unting nabalot ng tao ang buong bar, mga kilala at repetadong tao ang madalas na naroon. Iba sa karaniwan. "Hey." Isang baritonong boses ng lalaki ang narinig niya.

Pina-ikot niya ang high chair sa tapat ng bar tender at hinarap ang lalaki. "Oh, hi." Balik niyang bati.

"I'm Zeus, so, may I know the name of the goddess in front of me?" He chuckled a bit.

"I'm Celestina." Naglahad ako ng kamay.

"What a beautiful name. I thought it was Athena." Biro pa nito sa kanya.

"No, I'm not lucky as Athena." Ipinag kibit balikat lang niya ang sagot.

"Anything you want Ms. Celestina?" Inukupa nito ang umupuan sa tabi niya.

"Juice? You, what do you want?, I'm the one who's in charge to accompany you." Ngumiti siya sa lalaking kaharap.

"Whisky is fine." Klaro nitong saad.

Matagal pa silang nag-usap, di namalayan na umaga na pala. "Ms. Celestina, I'll go ahead? Kung pwede na ihatid kita e, kaso di mo pa ata out."

"Ok lang, thanks." Kinawayan niya pa ito.

Pagpasok sa kwarto na laan para sa kanila ay nadatnan niya sila Lallie, "Hayy... ang isa dito. Nakabingwit na, hindi lang marunong. Hala ayun, nasayang." Tudyo nito kay Celestina.

"Lallie..." agad namang sinaway ni Ammie si Lallie.

"Bakit Ammie? Tama naman ako diba? Ikaw ba kung nangangailangan ka e, hindi mo sasamantalahin yon? Biruin mo, naka-ilang whiskey na ay hindi parin nalalasing!" Umangat ang gilid ng labi ni Celestina, halatang kanina pa siya nito pinagmamasdan. Buong gabi kasi ay ito lang ang naging costumer niya at wala ng iba.

"Lallie. Tumigil kana." Pumagitna narin si Betty.

Siya naman ay nag-ayos na ng gamit. At lumabas na kasabay si Ammie. "Celestina!" Napalingon siya sa tawag ni Madame.

"Pinapabigay ng costumer mo kanina. Salamat daw at nalibang siya." Tinignan niya ang iniipit ni Madame sa awang sa kamay niya. Libong pera.

"Madame, di ko po matatanggap yan."

"Naku! Celestine sige na... tanggapin mo na. Nagmamagandang loob lang yung tao." At sa huli ay tinanggap niya ang limang libo. Sa isip-isip niya ay wala na siyang po-problemahin sa pagdating papadala dahil pwede na ito, tanging sarili na lamang ang problema niya.

CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon