IV

5.3K 64 0
                                    

By: trulyyours_wp

CHAPTER IV

"Buti naman at pumasok ka pa! Jusko si Madame, kanina pa hindi mapa-kali. Sinabi ko nga na may emergency lang kaya di ka maaga." Si Ammie agad ang sumalubong sa kanya pagpunta sa Bar.

"Pasensya na Ammie ha?" lumambot naman ang mukha ng kaibigan.

"Wala yon! Nukaba? Siya, pumunta ka na kay Betty at mag pa-ayos." Tinungo ni ang dressing room.

"Celestina! Kanina pa kita hinahanap." Bungad ito ng kanyang amo.

"Pasesnsya na Madame..."

"Ok lang yon! Basta siguraduhin mong papasok ka pa din." Iniwanan siya nito kay Betty, ang baklang nag-aayos sa mga katulad niya.

"Mabuti naman at di na ako sayo mahihirapan, alam mo ba? Kay Lallie, hirap na hirap ako. Kulang na nga lang ipuk-pok ko na yung sponge blender sa mukha niya! Ang hirap pagandahin!" habang inaayusan siya ay sige lang ang pag ku-kwento ni Betty tungkol sa kasamahang si Lallie.

"O siya, andyan na ata yung poging fafa mo kahapon." Pero mali si Betty, wala si Zeus na nakasama niya kahapon. Mabuti na rin yon dahil hanggang ngayon ay nahihiya parin siya dito.

Gaya ng laging gawi ay sa high chair siya umupo. Nahagip naman ng mata niya ang kasamahang si Ashley sa labas ng pinto, pinuntahan niya ito."Ashley!" Pansin na rin niya ang pag umbok ng tyan nito.

"Celestina! Anong nangyari sa pag-aaply mo?" Nakasuot ito ng dress na medyo maluwang.

"Natanggap ako, salamat sa pinahiram mong damit ha? Papasok kaba sa trabaho?" Tumingin ito sa kanya.

"Hindi na muna, nag pa-alam naman na ako kay Madame," kahit naka-ngiti ay halata ang lungkot nito.

"Ehh... ang tatay ni baby? Asaan?" Muli niyang ibinalik ang tingin sa umbok nitong tyan.

"Celestina.... mabuti pa pumasok na tayo? At sasaglit lang naman ako kay Madame... ikaw? Baka may costumer ka?" Halata ang paglihis nito ng usapan.

"Ah, eh. Sige pumasok na tayo at baka mahamugan ka pa." Inakay niya ito sa loob. Ng mahagilap si Madame ay itinuro niya si Ashley. Ikinalawit naman niya ang kamay sa ere, bilang tugon ay nauna na kami ni Ashley sa dressing room.

"Gawin mo akong ninang ha?" Bilin ko dito at bumalik na sa trabaho. Puno ng usok ang buong bar, pati ang amoy ng alak ay namumutawi sa loob.

Mabilis na umaandar ang oras, wala man akong nakasama ng matagal ay may kinita parin naman ako.

"Ammie, paki-padala naman ito kila inay. Tatanghaliin na kasi ako sa trabaho, bawal pa naman ma-late."

"Naku! Celestina! Okay lang, hala, sige mauna kana." Ngayong araw ay naka suot naman siya ng jeans at pink cold shoulder top. Ang simula ng trabaho niya ay alas otso. Pero ng tinignan ang orasan ay pasado alas siete na.

"Good Morning Ma'am!" Bati sa kanya ng guard na ikinangiti lang niya.

"Naku, Ma'am pagkadating po ni Sir ay mainit ang ulo niya!" Nandito na ang Sir niya? Jusko!

Patay malisya siyang pumasok sa opisina, dahan-dah-"You are late. Second day?! Then you're late?! What job do you want?! Ikaw ba ang boss?" Kahit na galit ito ay mas nangibabaw ang paghanga niya dito.

"Stop staring me! Go to your table then finish your work!" Bulyaw nito sa kanya. Tama nga ang operator sa elevator.

Dumating ang tanghalian. At naging friendly naman ang kanyang mga ka-trabaho. "Alam mo ang alam ko dyan kay Sir, may girlfriend yan." Panimula ni Lorry.

"Ang sabi nga ng ibang matagal na dito. Ang kaso...wala daw bumibisita dito. Asaan diba?" Sumagot naman ang napag tanungan niya nung nakaraan na si Rhea.

"Hindi... minsan ang sabi nung dating sectary ni Sir, narinig daw niya na nagbibiruan sila Sir tsaka si Sir August. Bitter lang daw talaga si Sir kita mo, ang sungit."

"Talking about your Boss's private life can fire you all, know that?" Lahat sila ay napa-tingala sa baritonong boses na iyon.

"S-sir, s-sorry po." Hingi nila ng paumanhin.

"Tsk. Celestine." Napa-angat ang ulo niya lalo.

"Go to my office." Usal nito sa kanya.

Sumunod naman siya ng nagmamadali.

"S-sir...."

"Ano ang pinag-uusapan ng mga iyon? Tungkol saan?" Tumiim ang bagang nito.

"S-sa l-love life n-niyo po." Nauutal niyang saad. Dangerous ang God na ito!

"Ano daw ang sabi?" Nag korteng v ang kilay nito.

"M-may girlfriend d-daw ho ka-kayo."

"Hmm... naninawala ka naman ba?" Iritasyon ang nangunguna sa boses nito.

"H-hindi ko po alam." Sagot ni Celestina.

"Call, the HR department. It's urgent." Dali-dali naman siyang pumunta sa telepono.

Bwisit! Gwapo sana, nakakatakot lang!

CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon