VI

4.5K 62 2
                                    

By: trulyyours_wp

CHAPTER VI

Naasar si Logan sa inakto ng kapatid na Zues, Punyeta ang isang to, ipapahamak pa ang plano ko.

"Go away Zeus. I don't need you here." Hindi na niya kinaya, nag dilim na ang kanyang paningin sa kapatid. Minsan ng nagkalamat ang kanila samahan kaya ayaw niyang lalong mawasak ito.

Muli niyang tinignan ang kapatid, "Zeus." Matigas ang tinig nito.

"O-okay po." Wika ng sekretarya, hindi man niya naririnig ay may iba siyang nararamdaman. Tangina nila.

Muli siyang hinarap ng kapatid, "Easy bro, kakilala niya kasi yung babaeng hinahanap ko." Kahit yon naman pala ang dahilan ay hindi siya napahinga ng maluwag.

"Pano? Alis na ako?" Ikinawit lang niya ang kamay sa ere, at naramdaman niya naman ang pag-alis nito.

"Celestine." Tiim na tawag niya sa sekretarya.

Nag-angat ng mukhang tumingin si Celestine kay Logan. Tumayo siya upang lapitan ang boss. "H-ho?"

Ngayon lang niya nakatitigan ang kulay berdeng mga mata ni Logan, para kang malulunod kung titigan ng matagal at sa pagtingin niyang ito ay nanlambot ang kanyang mga tuhod at pakiramdam ay umiikot ang mundo. There is something in his eyes.

"I want you to go in my condo unit, LGC Tower then get my important files." Sumandal ito sa swivel chair, "it's on my kitchen table by the way." Pahabol na sabi nito.

Matagal niyang tinahak ang papuntang LGC Tower ng amo. Feeling niya tuloy ay haggard na haggard na siya. Pero ang umuukupa sa utak niya ay ang pag tatanong ni Zeus, este Sir Zeus tungkol kay Ashley. Hindi kaya..? "Ma'am anong floor po?" Pukaw atensyon sa kanya ng elevator operator.

"K-kay Sir Logan  Montevilla."

Pagtapat sa tamang floor ay lumabas siya, hindi naman siya nahirapan dahil isang pinto lang ang sumalubong sa kanya. Pagpasok ay sumalubong sa kanya ang masculine scent ng kanyang Boss. Ang amoy na iyon ay nakapagpapalambot ng tuhod, kaya hindi na siya nagtataka kung bakit marami itong nabibihag na babae.

Pansin niya rin ang pagiging masinop nito sa gamit, ipinadausdos pa niya ang kamay sa mga istante na may roon ang condo.

Napatigil lang siya sa pagmamasid ng tumunog ang kalapit na telepono.

"H-hello?" Tanong niya.

"Celestine. Get the papers now! Stop roaming around. I can see you here." Napatingin siya sa paligid.

"O-okay." Hindi alam ng dalaga pero parang takot na takot siya lagi kay Logan.

Ibinaba na ang tawag at nagtungo sa kusina. Kinuha niya ang naka-envelope na papel at lumabas na ng unit.

Sakto alas dose ng maka balik siya sa opisina, ang nasa isip na niya kaagad ay ang kumain mag-isa pero hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ni Logan.

"I want to eat with you. Let's go." Bitbit parin nito ang envelope na dinala niya.

Dahil wala narin naman siyang magagawa, sumama nalang siya rito. Pero parang mali ang tinatahak nilang daan, hindi ito ang daan sa canteen. Kundi patungo itong parking.

"I don't want to eat inside nor near the building, ayokong may kumalat nanaman na chismis." Imporma nito sa kanya.

"O-okay."

Pagkatapat sa isang Audi, ay hindi na niya inabala si Logan para pagbuksan siya, binuksan niya ang pinto sa likuran para sa sarili.

"Dito ka sa harap, hindi mo ako driver." Masungit na sabi nito.

Nahihiyang lumipat siya ng upuan. Ang buong byahe ay nakaka-matay, para bang hindi niya makuhang huminga dahil kay Logan.

"Where do you want to eat?" Tanong nito sa kanya.

"I-ikaw nalang b-bahala, may baon naman a-ako." Iniiwasan niya kasi ang gumastos ng malaki, at baka wala na siyang maipadala sa magulang.

"Okay." Bumalik sa pagiging tamik ang atmospera sa loob ng sasakyan.

Huminto ang sasakyan sa isang food park, tingin niya ay hindi pa ito bukas dahil sa karatolang, close. Pero tuloy parin si Logan sa pagpasok.

Nagtataka siya kung bakit walang sumita at may inabot pang menu ang waiter kay Logan, aabutan sana siya pero inilingan lang niya ito, una sa lahat ay wala siyang pera.

"Two pairs of package three, and extra three plates of tempura." Swabeng wika nito sa waiter.

Nakapatong ang kanyang mga kamay sa hita habang nakasukbit naman ang bag sa balikat, nililingon lingon niya ang paligid. Habang ang katapat naman ay inilabas ang mga papel sa loob ng envelope.

Wala pang ilang minuto ay dumating na ang order ni Logan. Siya naman ay inakmang ilalabas na ang baon. "Ito ang kakainin mo." Ang lahat ng nakahain ay parang natikman na niya noon. Parang ito ang kanyang mga paborito pero hindi, una sa lahat, wala siyang perang pambili ng mga ganitong pagkain.

"Wala po ang akong pambayad, Sir. Ito nalang po." Hindi niya alam pero parang tukso ang mga tempura na nakahain.

"No. I will be the one who's paying here." Napayuko siya sa hiya.

Tahimik ang kain niya, kaunti lang naman kasi ang kaya ng sikmura niya. "So... tell me about yourself." Na-angat siya.

"I'm Maria Celestine Ilagan, 23 years old, nakatira sa mahirap na lugar.... squatter ganon.. tapos ang magulang ko ay nasa probinsya, yung perang kinikita ko, yun yung ipinadadala ko." Tuloy-tuloy na sabi ni Celestine.

"About your monthly salary, anong sabi ng HR?" Sunod na tanong nito.

"12,000 per fifteen days daw po." Tumango-tango si Logan. Para kay Celestine, malaking tulong na ito dahil halos ito na ang kita niya sa dalawang buwan kung sa Bar lang siya.

"I will be out of the city this next three days, you will go with me." Wika nito habang pinupunasan ang bibig.

Naisip agad ni Celestine ang naiwang trabaho sa bar. Ngunit hindi pa siya nakakasagot ay may idinagdag ito, "Don't leave me again."

CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon