VII

4.2K 68 6
                                    

By: trulyyours_wp

CHAPTER VII

"Betty..... Sige na samahan mo ako kay Madame, three days lang naman 'tong leave ko eh..." nagmamaktol si Celestine sa harap ni Betty na umiinom ng whiskey.

"Bahala ka dyan, Celestina. Ikaw ang may pakay eh." Pagalit pa nito sa kanya.

"Sasamahan mo lang ako eh." katwiran ni Celestine.

"O siya, tara." Inakay ni Celestine ang kaibigang bakla papuntang dressing room. Matapos kasi ng lunch niya with her strange-acting boss ay di na siya nito pinagtrabaho, pinauwi na siya nito para maka pag-impake na.

"Madame.... kasi ano po eh..." tumingin naman sa kanya ito.

"Ano?"

"Mag li-leave po sana ako?" Nakapikit siya habang sinasabi iyon, natunghayan na niya kasi ang mga katulad na pangyayari sa mga ka-trabaho. At expected niya na ang sunod-sunod na mura.

"ANO?! Bakit ngayon mo lang sinabi Celestine? Sige na umalis kana at mukhang urgent yan, wag ka lang lalayas sa kumpanya ko ng walang paalam." Napangiwi siya.

"H-ho? Sige po, a-alis na ko, hehe." Paglabas ng dressing room ay binatukan siya ni Betty.

"Bakit ka mag li-leave? Buntis ka no?"

"Hindi! Tanga! Kasama ko yung boss ko, out of town! Three days!" Binatok-batukan din nya ito.

"Ahh, so mabubuntis ka palang?" Isa pang batok ang iginawad ni Celestine dito.

"Putcha, manahimik ka bakla!"

Hindi na nga siya pumasok ng araw na iyon at umuwi na para mag-impake. Nang magmadaling araw ay nakarinig siya ng katok sa bahay.

"Celestina! Yung renta mo!" Sinundan pa ito ng mga tawa.

"CELESTINA!!!" Napakamit naman siya ng ulo at bumangon. Tinungo niya ang pintuan at binuksan.

"Bwiset.." iyong lang ang nasambit niya ng mamataan ang kanyang mga kaibigan sa labas ng bahay.

"Mami-miss ka kasi namin..." maarteng wika ni Betty na lasing na.

"Talagang dinala niyo pa si Betty dito ha? Mamaya baka magsuka lang yan dito." Reklamo niya kila Ammie.

"Goodbye party daw ito sabi ni Betty dahil pagbalik mo daw ay buntis kana." Sunod-sunod na tawanan ang umalingawngaw. Napailing na nalang siya, sa isip-isip ay as if naman na patulan ako ng Amo ko.

"Malay mo naman kasi diba? Ma-in love din sayo yon! Pakitaan mo nga ng bikini!" Napatigalgal siya dahil nabasa ni Betty ang nasa isip niya.

"Bahala ka nga dyan Betty, ikaw pa ang hoping sa lovelife ko ah!" Biro niya rito.

"Hmp! Asan na ba ang maleta mo?" Itinuro niya ang isang maleta sa likod ng pinto. "Ito ih, suotin mo yan ha?" Inabot sa kanya ng bakla ang paper bag na may tatak na Victoria Secret.

"Saan ko naman gagagmitin ito?" Naasar niyang tanong.

"Tanga! Dalhin mo lang yan, magagamit mo yan." Binatukan pa siya nito.

Ang naging usapan nila ay sila Betty muna ang titira sa bahay niya habang wala siya, at dahil umaga natin ay nag-asikaso na siya dahil ang call time nila ni Logan ay alas siete ng umaga.

"Ang aga naman teh." Reklamo ni Betty, dahil halos di na sila natulog kaka-kwentuhan.

"Wag ka na mag reklamo, ayusan mo nalang ako." Nakasuot siya ng loose tops at jeans.

"Oh, hayan! Lalo ka pang gumanda. Halika na, at andyan na ang uber." Napatigil siya.

"Uber?! Betty! Wala akong pambayad dyan!" Reklamo niya.

"Si Fafa Logan naman ang sisingilin namin." Biro pa nito.

"Di ako nakikipagbiruan." Matalim niya itong tinitigan.

"Joke lang! Nakilala yan ni Ammie kagabi, jowa na niya ata." Bulong nito sa kanya. "Kaya tara na, libre yan oh."

Sumakay sila sa Vios nito at hinatid siya sa harap ng opisina, sakto naman ay may Jaguar na pumarada sa likod ng sasakyan.

"Hey!" Lahat sila ay napalingon sa likod.

"Ayan ba si fafa Logan? Ang pogiiii!!!" Impit na paglandi ni Betty sa likod niya.

"S-sir?" Kinurot naman siya ni Betty, "bakit ka nauutal?"ginantihan naman niya ito ng kurot.

"Get inside, bilisan mo at male-late na tayo." Tinungo niya ang maleta at kinuha ito, humalik siya sa pisnge ni Betty at Ammie saka nagpaalam.

Pagpasok ng sasakyan ay napansing hindi naka tux ang amo nakasuot ito ng white v-neck at khaki shorts. Naka wayfarers din ito. Putcha! Ang gwapo, masarap kaya to?

"We're going to Bicol, I expected you all the time with me, ayoko ng palayo-layo ka." Ma-awtoridad nitong saad.

Matagal din ang byahe papuntang Albay kung saan naroroon ang Oriental Hotel.

"Welcome po sir," bati ng valet kay Logan. At bilang tugon ay tumango lang siya dito. Tahimik siyang pumasok sa elevator.

"Diyan ang room mo, ito naman ang room ko, kakatok ako kapag alas tres na para sa meeting. Go inside." Hindi niya alam pero marami siyang naaalala kay Logan, parang matagal na silang magkakilala, o matagal na silang may pinagsamahan.

"Sige po." Isinara niya ang pinto at tumalikod siya dito. Agad niyang tinungo ang shower upang makapaglinis ng katawan. Dahil na preskuhan nahiga siya at nakatulog.

ANO BANG SUOT YAN? Nakakaubos ng pasensya at pagtitimpi, kahit simpleng loose tops at jeans, ay halata naman ang hugis ng dibdib niya, ilang araw na nga ba siyang tigang? Simula ng bumalik sa buhay niya si Celestine ay di na siya muling nambabae.

Naiinis lang siya tuwing nakikita ang babae dahil naaalala niya ang ginawa nito sa kanya noon.

Inilabas niya ang MacPro at inayos ang ibang papeles sa kumpanya. Mabilis namang umikot ang oras at namalayang alas tres na.

"MA'AM, ito na po yung dinner niyo." Napabalikwas siya.

"Kuya anong oras na?" Tanong niya sa isang room service.

"Alas sais na po Ma'am," sabi nito.

"Crap!," napasabunot siya. "Kuya yung nasa kabilang kwarto, Umalis ba?"

"Yung kapwa VIP niyo po? Opo, nasa meeting po." Napasabunot siya muli. Putcha naman oh.

"Saan ang meeting nila?"

"Kanina po napansin ko si Sir Montevilla, kumakatok dito kanina, pero sabi niya ngayon, dalhan nalang daw kita ng pagkain. Ito po Ma'am, alis na po ako." Tumalikod na ito at umalis.

Nilapitan naman niya ang pagkain sa tray.

Good day Gorgeous!
Mukhang pagod ka ha? Di kita magising kanina eh, kumain ka nalang muna at antayin mo ko sa may pool side.

-Logan Montevilla

CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon