5

348 16 1
                                    

Naglalakad kami ngayon ni Elle papunta sa next class namin.

"So ibig sabihin kaya sumali sa eclipse band si Rhynee kasi may gusto sya kay Sean?" tanong ni Elle

"Yup and mahal nya na daw"
sagot ko

"Ayy sayang bet ko pa naman sya para sayo haha"

"Sira di ko type yon mukhang baliw haha"

Napadaan naman kami sa isang kumpulan ng mga tao parang may pinagkakaguluhan sila.

"Anong meron?" Tanong ni Elle sa isang babae

Kahit kailan talaga tsismosa tong bestfriend ko.

"Ahh beauty contest dito sa university tradition na kasi yearly may ganitong event searching for University Queen"sagot nung kausap nya

"Oh my gee Rhysa this is it diba pangarap mong maging beauty queen? Ito na ang first step sumali ka na" masayang sabi ni Elle

Ngumiti lang ako sa kanya. Gusto ko nga sumali siguro naman papayagan ako ni mom kasi dito lang naman sa campus namin.

Kinahapunan nagmamadali akong umuwi at pumunta sa kwarto ng parents ko.

"Mom dad!" Tawag ko sa kanila

"Oh bakit?" Tanong ni mom

"Sasali po sana ako sa beauty contest sa school" nakangiti kong sabi kay mommy

"Talaga princess?" Tanong naman ni dad

Mabilis akong tumango kay daddy ng nakangiti.

"No" sabi ni mommy

Nabura ang ngiti ko at may namumuong tubig sa mga mata ko.

"Mom please just this one" pakiusap ko

"Babe let her ngayon lang naman" kausap sa kanya ni dad

"No and it's final"sabi ni mom

"Why mom?" Lumuluha kong tanong

Lumapit sya sakin at pinunasan nya ang luha ko

"Anak naman alam mo naman diba ayoko na ikokompara kayo ng kapatid mo kakatanggap pa lang kay Rhynee sa Eclipse band ayoko namang magka issue agad sa kanya" paliwanag ni mommy

"Mom sa campus lang naman yon hindi na yon mababalitaan ng mga tao. Mom please kahit ito lang" pakiusap ko

"Rhysa!" Madiin at may pagbabanta ang boses ni mommy

"Kahit ito lang mom"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo ayokong maikompara kayong dalawa ng mga tao" naiinis na sabi nya

"Hindi pa ba mommy?"

"Rhysa" tawag sakin ni dad na parang nakikiusap na wag ko patulan si mommy.

"Dad ito lang naman eh maliit na event lang yon"

"I understand princess but your mom said no" sabi ni dad

Ansakit lang na lagi na lang ganito hindi ko magawang gawin ang gusto ko.

"Mom please" muling pakiusap ko

"Rhysa tumigil ka na" matalim na ang tingin sakin ni mommy

"Fine! Never ko namang magagawa ang mga gusto ko"

"At kelan ka pa natutong sumagot ng ganyan?" sigaw sakin ni mom

"Does it matter? Wala ka namang pakialam sakin mom diba?"

"Dahil lang dyan sa beauty contest na yan nagkakaganyan ka na?"

"Mom takot kang ikompara kami ni Rhynee pero you know what matagal na kaming kinokompara sa isa't isa at alam mo ba kung ano ang tawag nila sakin mom? Nobody kasi walang wala daw ako kay Rhynee pero alam nating lahat dito na hindi diba mahalaga kayo sakin kaya tinitiis ko na nilolook down nila ako but mom pinagkakait mo na sakin lahat ng pangarap ko eh!" Lumuluhang sumbat ko sa kanya

Masyadong naging mabilis ang kamay ni mommy at agad itong dumapo sa pisngi ko. Lalo lang akong naiyak dahil pinagbuhatan na nya ako ng kamay.

"Mom anong nangyayari bakit sinampal mo si Rhysa?" nagtatakang tanong ni Rhynee na kararating lang

Iniwan ko na sila at pumunta na ako sa kwarto ko at nagsimulang mag impake ng mga damit ko

Twin Love One Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon