Nakahiga lang ako habang nakatitig sa ceiling ng kwarto ko hindi ko malimutan ang pag iwas ng tingin sakin ni Caleb.
Haaay sabagay ako lang naman yong may gusto sa kanya ano nga ba namang pakialam nya sakin.Noong nasa probinsya ako pag nabalitaan ko na may concert sya pumupunta talaga ako hindi man ako makalapit ang mahalaga napanood ko sya.
Narinig kong may kumatok sa kwarto ko kaya naman tumayo para buksan ang pinto.
"C..aleb?"
Bigla nya akong niyakap kaya naman nagulat ako.
"I missed you so much Celine""Na..miss din k..ita" nauutal na sagot ko
Lalong humigpit ang yakap nya sakin.
"Matagal na ang lumipas pero gusto parin kita"
"Ha?"
Humiwalay sya sa yakap at tinitigan ako sa mga mata ko.
"Bakit naman kasi aalis ka lang dinala mo pa ang puso ko lagi tuloy akong pumupunta sa probinsya para lang makita kita"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
"Anong sinasabi mo? Pumupunta ka ng probinsya?""Oo naman hindi ba nasabi sayo ng daddy mo?" Nakangiting sabi nya sakin
"Hindi"
"Now you know" nakangising sabi nya.
Naalala ko naman ang ginawa nya kaninang pagbaliwala sakin kaya tinulak ko sya palayo.
"Aww bakit ka nanulak?"
"Ewan ko sayo hindi mo kaya ako pinansin kanina!"
"Haha sorry na nagtatampo kasi ako sayo nakauwi ka na pala di ka manlang nagpakita sakin o kaya kay mommy"
Napaisip naman ako oo nga pala dapat pumunta ako kay tita Sydney.
"Sorry naman" nakasimangot na sagot ko kay Caleb
Lumapit naman ulit sya sakin at yumakap.
"Hmm namiss talaga kita"Gumanti ako ng yakap sa kanya.
"Namiss din kita"Humiwalay sya ng yakap at dahan dahang nilapit ang mukha nya sa akin kaya naman napapikit ako.
Sa pagdampi ng kanyang labi sa labi ko ay nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam sa akin para bang may mga nagwawala sa tyan ko.
Bawat galaw ng labi nya ay ibang kiliti ang dinudulot sakin.Matapos ang ilang segundo pa ay bumitaw na sya.
"Will you be my girlfriend?""Tss! Dapat tinanong mo muna ako bago mo ako hinalikan!" Sigaw ko sa kanya
"Haha pero hindi ka naman pumalag"
"Kahit na dahil dyan ligawan mo muna ako!"
"What? Nahalikan na kita dapat girlfriend na kita"
"No ligawan mo ako!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto ko.
"Celine!" Sigaw nya habang kumakatok sa labas ng kwarto ko.
"Tsee!"
Masaya ako sobrang saya sa wakas okay na ang lahat.
-END
BINABASA MO ANG
Twin Love One Man
Fiksi RemajaDalawang taong magkarugtong ang buhay iisa ang pinagmulan pero pati ba naman tinitibok ng puso ay iisa? Rhynee Claire Sevilla Saavedra laging naiibigay ang gusto dahil sa atensyon ng kanyang ina handa nya kayang ipaubaya ang lalaking mahal nya sa ka...