Maaga akong gumising dahil balak kong isurprise ai Elle.
Pupunta ako sa opisina nya. Naligo na ako at nagbihis bago bumaba."Hey mom dad Rhynee good morning!"
"Kain ka na" yaya ni mommy
"Ay pupunta po kasi ako kay Elle ngayon eh balak ko po sanang bumili na lang para sabay kami"
"Wag na ipagbabalot na lang kita marami akong niluto"
Ngumiti naman ako tumango mas mabuti pa ngang luto na lang ni mommy para tipid haha.
Pagdating ko sa opisina ni Elle ay lumapit ako sa secretary nya.
"May appointment po kayo ma'am?"
"Hmm wala eh may kausap ba sya?"
"Wala naman po itatanong ko po ba kung pwede kayong pumasok?"
"Wag na balak ko syang isurprise"
"Pero ma'am"
"I am Rhysa Celine Saavedra and here's my id"
"Ah kayo po pala ang bestfriend nya sige po pasok kayo"
Nginitian ko naman sya bago pumasok sa opisina ni Elle.
"Breakfast delivery" bungad ko kay Elle
"Omo!!! Rhysa!!!"
Nagmamadali syang tumakbo at yumakap sakin.
"Haha namiss kita" sabi ko sa kanya.
"Namiss din kita gaga ka di ka nagsabi na nakabalik kana pala at saka ano yan? Nagpaitim pero bagay ha haha"
"Haha nagdala akong breakfast para satin"
"Sakto gutom na ako haha"
Nagkwentuhan kami ni Elle habang kumakain tungkol sa mga nangyari sa isa't isa.
"Kamusta naman kayo ni Caleb mo?"
"Haha para ka namang si Rhynee eh inaasar ako kay Caleb wala namang kaming communication nun"
"Ngek akala ko pa naman may something kayo noon"
"Haha akala mo lang yon"
"Sus umamin ka may gusto ka sa kanya noon"
"Kahit ngayon naman hahaha"
"Omg!!!! Talaga?"
"Oo lahat ng concert nila pinupuntahan ko doon nga lang ako sa dulo hindi ako nagpapakita haha"
"Haha baliw ka di mo manoang ako sinasabihan"
Tinawanan ko lang sya. Matapos kaming kumain ay pumunta kaming mall katulad ng lagi naming ginagawa noon namimili nanunuod ng sine at naglalaro.
Nang hapon na ay naghiwalay na kami at umuwi na.
Pagdating ko sa bahay ay narinig ko ang ingay parang may ibang mga tao.
Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga kabanda ni Rhynee.Natuod ako sa kinatatayuan ko ng magtama ang mata namin ni Caleb. Hindi ko mabasa ang tingin nya sakin at nasaktan naman ako ng iiwas nya na ang tingin nya na parang baliwala lang na nakita nya ako.
BINABASA MO ANG
Twin Love One Man
Fiksi RemajaDalawang taong magkarugtong ang buhay iisa ang pinagmulan pero pati ba naman tinitibok ng puso ay iisa? Rhynee Claire Sevilla Saavedra laging naiibigay ang gusto dahil sa atensyon ng kanyang ina handa nya kayang ipaubaya ang lalaking mahal nya sa ka...