* Sean Caleb *
Nagising akong masakit ang likod aish! Bakit naman kasi dito pa ako nakatulog.
Napangiti ako ng makita ang unan at kumot kahit pala baliw yong si Celine may puso pa din.Bumangon na ako at tinignan ang oras sa phone ko 12:00 midnight na. Lumapit ako sa pinto ng kwarto ni Celine at binuksan yon oyy wag kayong mag isip ng kung ano hindi ko yon type titignan ko lang kung tulog na ba sya
Pagkabukas ko ay wala akong nakitang tao nasaan na yon? Baliw talaga yon gabing gabi na eh.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si mom.
"Hello Sean bakit?"
"Mom may number ka ba ni Celine?" tanong ko
"Sinong Celine?"
"Si Rhysa"
"Ah oo meron bakit?"
"Send mo nga sakin mom she's not yet home"
"What? How did you know?"
"Chill mom nakatulog kasi ako sa apartment nya"
"Anoooo??!! Sean umayos ka ha!"
Sigaw sakin ni mom"What? Nakatulog lang naman ako"
"Umayos ka ha at si Rhysa nasa trabaho pa yon umuwi ka na sa condo mo"
Ang oa talaga ni mom akala mo naman kung ano gagawin ko kay Celine.
Nagtatrabaho pala si baliw haaay iintayin ko na lang.Bumalik ako sa upuan na tinulugan ako at humiga na lang ulit. Naglaro lang ako ng games sa phone ko pero 1:30 am na wala parin si Celine saan ba kasi sya nagwowork?
Pumikit na lang ako para matulog muna.Malapit na akong makatulog ng bumukas ang pinto napabangon agad ako.
"Bakit ngayon ka lang 2:15 na" tanong ko sa kanya
"Sorry dad hanggang 2:00 am kasi shift ko haha" biro nya sakin
"Aish! may pasok bukas ah matulog ka na" utos ko sa kanya.
Ngumiti sya sakin at tumango halatang pagod na pagod sya. Malamang di sya sanay magpuyat siguro kung si Rhynee pa sanay yon.
BINABASA MO ANG
Twin Love One Man
Teen FictionDalawang taong magkarugtong ang buhay iisa ang pinagmulan pero pati ba naman tinitibok ng puso ay iisa? Rhynee Claire Sevilla Saavedra laging naiibigay ang gusto dahil sa atensyon ng kanyang ina handa nya kayang ipaubaya ang lalaking mahal nya sa ka...