Iyak lang ako ng iyak habang nakaupo sa labas ng emergency room hindi ko alam kung anong nangyari bakit nagkaganoon si Rhynee. Wala akong matandaan na may sakit sya kaya bakit nangyari yon.
"Anong ginawa mo!" Sigaw ng bagong dating na si mommy habang nasa likod nya na nakaalalay si daddy
"Hindi ko po alam hindi ko alam ang nangyari"
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay mommy. Ilang sampal pa ba ang matatanggap ko bago matapos ang araw na to?.
Napayuko na lang ako habang umiiyak parin."Sinabi ko na sayo diba wag kang sasali sa kahit anong contest! Pero anong ginawa mo sumali ka parin tingnan mo kung anong nangyari! Hindi kita mapapatawad pag may nangyaring masama sa kapatid mo!" Sumbat nya sakin habang tinutulak tulak nya ako natigil lang sya ng lumabas ang doctor.
"Okay na po ang pasyente ililipat na sya sa isang room pahinga lang ngayon at pwede na syang lumabas bukas and please don't stress her hindi maganda kung mauulit pa to" yon lang at iniwan na kami ng doctor
"Did you hear that Rhysa? Stay away from the things that might hurt Rhynee" huling sabi sakin ni mommy bago sya pumunta kay Rhynee.
Naramdaman ko ang yakap ni dad hinaplos nya ang likod habang yakap yakap ako.
"I'm sorry princess please understand your mom""I'm sorry dad hindi ko alam" iyak ko kay dad
Hindi na ako nagpakita kay Rhynee bago umalis ng hospital dahil ayoko ng sumama pa ang loob nya humingi na rin ako ng tulong kay dad para makaalis na ako. Walang magandang maidudulot kay Rhynee kung makikita nya pa ako at kahit ayoko syang masaktan ay maaaring masaktan ko sya ng hindi sinasadya lalayo na rin ako kay Caleb dahil yon ang tama.
Umuwi ako sa apartment at kinuha ang mga importanting bagay bago dumiretso sa school para kunin ang records ko.
"What the hell Rhysa you're leaving me!" Sigaw sakin ni Elle
"I'm sorry pero kailangan ko tong gawin ayoko ng masaktan pa si Rhynee"
Niyakap nya ako ng mahigpit habang umiiyak sya sa balikat ko.
"Why do life is so unfair to you?" Reklamo nya pa
"Wag ka ngang magdrama dahil susunod ka sakin diba?"
"Ha? Oo nga no haha susunod ako sayo intayin mo ako wag kang hahanap ng ibang bestfriend sasapakin kita"
Natawa naman ako sa kanya dahil late nya pang narealize na pwede naman syang sumunod sakin.
BINABASA MO ANG
Twin Love One Man
Teen FictionDalawang taong magkarugtong ang buhay iisa ang pinagmulan pero pati ba naman tinitibok ng puso ay iisa? Rhynee Claire Sevilla Saavedra laging naiibigay ang gusto dahil sa atensyon ng kanyang ina handa nya kayang ipaubaya ang lalaking mahal nya sa ka...