Maagang natapos ang klase namin kaya napagdesisyonan namin ni Elle na magmall muna kami.
"Samahan mo ako Elle magpapagupit ako" sabi ko kay Elle
"Hala bakit sayang naman hanggang bewang na yang buhok mo eh"
"Exactly hanggang bewang na masyado ng mahaba at isa pa magkasing haba kami ni Rhynee"
"Are you tired of being Rhynee look a like?"
"I'm not besides hindi na maalis yon ayoko lang na nalilito ang mga tao"
Nagpunta kami sa isang salon para magpagupit. Pagdating namin doon ay natulala sakin yong bakla kaya inunahan ko na sya
"I'm not Rhynee I'm Rhysa"
"Ay sarree naman te"
"Cut my hair hanggang balikat pakikulayan na din ng brown at curl mo yong dulo" utos ko sa kanya
Ginawa naman ng bakla ang sinabi ko.
"Oh my Gee Rhysa!! so gorgeous bagay na bagay sayo ano ba yan ayoko na tumabi sayo magmumukha akong alalay" reklamo ni Elle
"Haha ano ka ba di naman"
Matapos naming magbayad ay nag uli na muna kami sa mall window shopping lang. Dahil tamad naman ako mamili ng madaming damit kadalasan si mommy at Rhynee lang bumibili ng damit ko.
"Rhysa cr muna ako" paalam nya
"Sige iintayin kita dito sa labas"
Pumasok na sya sa loob. Makalipas ang ilang minuto wala pa rin si Elle kahit kelan talaga napakatagal nung magcr. Papasok na sana ako ng may humigit sakin sa may gilid.
"Will you stop following me!" galit na sabi nya sakin at tinanggal nya ang shades nya nanlilisik ang mata nya. Siguro kung ibang tao lang ang makakakita sa kanya siguradong maiihi sa takot.
"Teka lang mister sino ka ba?" tanong ko
"Playing innocent huh"
"Ano bang sinasabi mo?"
"Tanggap ka na sa Eclipse so madalas mo na akong makikita so stop following me like a crazy stalker! And what's with the new look? Hindi porket nalaman mong mahilig ako sa maiksi ang buhok ay magpapagupit ka na!"
Gwapo sana to kaso parang baliw assuming pa.
"Rhysa?" tawag sakin ni Elle na kakalabas lang
"Tagal mo naman" reklamo ko sa kanya.
Napatingin si Elle sa lalaking baliw.
"Wait Sean? Sean Caleb Villanueva?"
"Kilala mo pala tong baliw na to Elle" sabi ko kay Elle
"Ano hindi mo ba sya kilala? Member sya ng Eclipse at anak sya ng bestfriend ng mommy mo remember tita Sydney?"paliwanag ni Elle
"Ah member ka pala ng gustong salihang banda ng kakambal ko" sabi ko sa kanya at ngumiti ng nang aasar.
Hmmp edi napahiya ka Mr. Baliw"Kambal?" tanong nya
"Yep si Rhynee Sevilla kambal ko sya by the way my name is Rhysa Celine Sevilla Saavedra and please next time wag mo na akong pagkamalang si Rhynee" sabi ko sa kanya bago sya kindatan at umalis na kami ni Elle.
BINABASA MO ANG
Twin Love One Man
Genç KurguDalawang taong magkarugtong ang buhay iisa ang pinagmulan pero pati ba naman tinitibok ng puso ay iisa? Rhynee Claire Sevilla Saavedra laging naiibigay ang gusto dahil sa atensyon ng kanyang ina handa nya kayang ipaubaya ang lalaking mahal nya sa ka...