Sa ibang bansa ang unang plano ko na lilipatan pero naisip ko na mas mahihirapan ako doon kaya naman sa probinsya na lang ako nagpunta at namuhay mag isa.
Namuhay ako mag isa hanggang sa makagraduate ako ng college. Hindi ko na pinasunod si Elle dahil ayokong mapalayo sya kina tito Eric nagtampo sya noong una pero naintindihan din naman nya kinalaunan.
Noong unang mga araw ay panay ang tawag ni Caleb kaya napilitan akong magpalit ng sim at tanging si dad at Elle lang ang binigyan ko ng number.
During my graduation dumating si daddy para samahan ako pinasabi naman ni mommy na congrats daw at sorry.Sa tagal kong nawalay sa kanila ay marami akong natutunan at kahit minsan hindi ako nagtanim ng galit kay mommy kaya naman masaya ako ngayon dahil tumawag si daddy at sinabing umuwi na daw ako.
Nang makarating ako sa harap ng bahay namin ay napabuntong hininga ako.
Haaay antagal kong nawala namiss kita natawa naman ako sa sarili ko talagang namiss ko yong bahay."Hi dad" bungad ko kay daddy pagkapasok ko sa bahay
"Anak"
Agad nya akong niyakap ng mahigpit."Oh my god what happened to your skin" bungad sakin ni Rhynee
"Haha wala nagbukid ako sa probinsya"
"What? You're kidding right?"
"Nope nagbukid talaga ako"
Pag bakasyon sa probinsya ay nakikisama ako noon sa mga magbubukid mabuti na lamang at mababait ang tao doon.
"Sorry Sissy kung di ako nagalit di ka aalis" lumuluhang sabi ni Rhynee
"Ano ka ba okay lang yon naging masaya naman ang stay ko doon haha"
Niyakap ko si Rhynee dahil talagang namiss ko rin naman sya.
"Tahan na baka kung mapano ka pa haha" biro ko sa kanya"Ikaw talaga haha" natatawang sagot nya.
"Anak" napalingon ako sa tumawag sakin.
"Mom"
Umalis naman muna si daddy at Rhynee para daw makapag usap kami ni mommy.
Lumapit ako kay mommy at yumakap hindi ko na mapigilan ang mga luha ko ng magbagsakan na ito ng tuloy tuloy maging si mommy ay umiiyak na din.
"I'm sorry Rhysa kung palaging si Rhynee ang pinapaboran ko ayokong lang na mawala sya satin pero hindi ko naman akaling ikaw na pala ang nawawala samin"
"Okay lang mom"
"Napakaswerte ko dahil maunawain ka anak I'm sorry talaga"
Nag iyakan kami habang magkayakap.
"Group huggggg" sigaw ni Rhynee na patakbo palapit sa amin
Nagtawanan naman kami habang magkakayakap.
Pagkatapos naming magdrama ay sabay sabay kaming kumain. Bago kami umakyat sa taas ni Rhynee."Kahit umitim ka ng konti bumagay naman sayo sissy"
Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Talaga?""Yup and oo nga pala may boyfriend na ako hihihi"
Napalingon naman ako sa kanya ibig sabihin pala ay naging sila din ni Caleb.
"I'm happy for you so gaano na kayo katagal ni Caleb?"
"Caleb? Hahaha no sissy hindi sya ang boyfriend ko"
"Ha? Ay sino"
"It's Justin Robles"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi that guy is so hot at talagang sikat na sikat yon.
"Oh my!! Ang swerte mo sissy"
"I know right hahaha"
Kitang kita ko na masaya na si Rhynee. Ano na kayang nangyari kay Caleb.
"You miss Caleb?"
"Ha? H..indi ah"
"Aysus nautal pa haha"
"Hindi nga haha" natatawang tanggi ko sa kanya.
"Band mate parin kami so pwede kang sumama sa practice namin para makita mo sya"
"Ayoko haha sige na pupunta na ako sa kwarto ko may pupuntahan pa ako bukas"
"Sino si Caleb? Hahaha"
"Baliw haha si Elle"
Tinawanan lang nya ako. Kamusta na nga kaya si Caleb?
BINABASA MO ANG
Twin Love One Man
Teen FictionDalawang taong magkarugtong ang buhay iisa ang pinagmulan pero pati ba naman tinitibok ng puso ay iisa? Rhynee Claire Sevilla Saavedra laging naiibigay ang gusto dahil sa atensyon ng kanyang ina handa nya kayang ipaubaya ang lalaking mahal nya sa ka...