Mga taong hindi totoo,
Na lubos na minamahal ko
Madami man kayo'y
Inyong inyo na ang puso koJeydon,Marky,Azi,at Elijah,
Isama mo na rin sina,
Neo,Charles,Lee at Troy mendoza
Hindi lang sila,
Ang minamahal kong talaga,
Dahil kung bibilangin natin,
Mga daliri'y hindi na sasapat paAt kung tatanungin mo kung bakit?
Ganito kasi yan saglit,Unang-una,
Ako'y lubos nilang napapasaya,
Sayang sa reyalidad ay,
Masasabi kong mas hihigit paPangalawa,
Ako nila'y pinakikilig,
Na hinding hindi ko pagsisisihang maging hilig,
Dahil kumpara sa reality,
Kilig ay may sakit na kapalitPangatlo,
Presensya nila ang kumukumpleto,
Sa boring na araw ko,
Dahil sayang dulot nila'y
Dala ko hanggang panaginip toPang-apat,
Uy! Meron pang pang-apat?
Ay oo nga pala,
Katulad ng pagmamahal ko sa kanila,
Humigit pa sa sapatPang-lima,
Araw ko'y kumukumpleto na,
Mabasa ko lang ang mga istoryang,
Kinabibilangan nilaHumigit pa dyan ang dahilan,
Kung bakit ko sila bininigyang pagmamahal,
Dahil na rin siguro sa s pipiliin kong,
Mahalin ang isang taong hindi totoo,
Kesa magmahal ng totoong taong sasaktan lang naman akoMas sumasaya ko,
Sa piling ng mga fictional characters ng buhay ko,
Dahil pagmamahal ng isang wattpader,
Ay balang araw,
Siguradong kusang hihilingin mo.