NATATANDAAN MO PA BA?

236 1 3
                                    

Natatandaan mo pa ba?
Ang mga pinagsamahan nating dalawa?
Noong mga panahong,
May matatawag pa kong tayo

Natatadaan mo pa ba?
Ang sabay nating pagtawa,
Sa mga panahong,
Sati'y nangingibabaw pa ang saya

Natatandaan mo pa ba?
Ang mga pangakong,
Binitawan nating dalawa,
Kasabay ng,
Pag-iibigan natin diba?

Natatandaan mo pa ba?
Yung mga pangarap na sabay nating binuo,
Para sa kinabukasan nating Dalawa,
Sabay pa nga natin yung aabutin diba?

Natatandaan mo pa ba?
Yung mga nakalipas na panahong,
Walang sawa kang nagsasabing 'Mahal kita'
Na sintamis ng pagmamahalan natin sa isa't isa

Natatandaan mo pa ba?
Ang sabay nating pagtingin,
Sa langit na puno ng kumikinang na mga bituin,
Pati ang pag abot sa mga ito ay Minsan nanais ko na rin

Natatandaan mo pa ba?
Ang hindi natin pagpansin,
Sa mga sinasabi ng iba,
Na ilang sandali lang,
Mag bebreak din tayong dalawa,
Yan na lang lagi ang bukambibig nila,
Mga bitter nga kasi diba?

Ngunit bakit nga ba tayo humantong sa ganitong sitwasyon?
Yung mga panahong sobrang kinatatakutan ko,
Ang paglaho na lang basta na parang bula,
Ng dati nating masayang Relasyon

Hindi ko lang maisip na,
Basta na lang tayong masisirang dalawa,
Sa masakit na kadahilanang,
Mahal mo pa rin sya

Mahal mo pa rin yung taong,
Nasa nakaraan mo na,
Iniwan ka na nga,
Pero pinili mo pa ring balikan sya

Ano nga bang magandang magagawa ko?
Ang tanggapin na lang ang lahat ng ito?
Ang kalimutan na lang ang lahat ngayon?
At isiping magiging ok din ako?

Wag kang mag-alala,
Hahayaan ko na lang kayong dalawa,
Hindi naman kasi ako yung may kasalanan nito diba?
Siguro nga yung dating tayo yung masasabi kong,

Pinagtagpo lang pero hindi itinadhana...

POEMS/SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now