PEKENG GANDA

362 3 1
                                        

Yung mga babaeng wagas kung makapaglagay ng kolorete sa mukha?

Yung mga babaeng Make-Up lang ang nagdadala?

Yun nga ba talaga ang ibig sabihin ng tunay na kagandahan para sa kanila?

Kasi kung ako ang tatanungin,

Hindi na...

Pag wala kang Make-up di ka maganda,
Pag wala kang make-up Pangit ka,
Pag wala kang make-up cheap ka
Pag wala kang make-up Mahirap ka

Sa make-up na lang ba talaga binabase ang kagandahan ng iba?

Hindi ba pwedeng sabihing simple lang sya?

Yung hindi nya na kailangan pang maglagay ng Make-up para lang sabihan sya ng maganda?

Kasi hindi nya naman hinihiling ang kasikatan

Ng hindi sa natural na bagay nagmumula

Ansakit lang isipin na ang iba,

Ay hindi na nakukuntento sa anuman

Kailangan pa nilang magdagdag ng kung ano ano para lang sa kasikatan

Isa pa yang mga kasuotan na yan!

Pag ang palda mo ay abot binti manang ka

Pag ikaw balot na balot di ka papansin ng iba

Pag ikaw di lumalabas ng bahay mahiyain ka

Pero yung iba?

Pag nagsuot ka ng maikling palda sasabihin ng iba 'Miss Konting taas pa'

Pag ikaw nagsuot ng maikling shorts sasabihin ng iba 'Ay! Sexy naman pala.'

Yan ba yung gusto nyo?

Ang bastusin ng kung sinu-sino?

Para lang makuha yang,

Hinihiling na kasikatan nyo?

Hindi dapat yan ang paulit-ulit na Senaryo

Hindi dapat yan ang Pinag uusapan nyo

Kasi hindi lang ako ang nag-iisip nito

Hindi dapat to nangyayari sa mundo

Mga kababaihang hindi nakukuntento,

Na nagkalat sa paligid ko

Na hindi gustong nakikita ng mga matang ito

Ngunit ano nga bang magagawa ko?

Buhay nyo naman ang hawak nyo

Kayo lang naman ang may alam ng daan na tatahakin nyo,

Kayo lang naman ang may gusto nito

Nalulungkot man ako

Wala akong magagawa

Kundi ang maging simpleng tao.

(Ps:'Nyo' means yung gumagawa nung mga ganyang bagay.Hindi ko nilalahat,Kaya sana.Kayo,Sana maging simpleng tao rin kayo tulad ko. Iloveyou all!)

POEMS/SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now