NAPAPANSIN KAYA?

311 1 0
                                    

Napapansin kaya?
Pag nandyan ka'y labis ang aking tuwa,
At mga matatamis na ngiti'y
Hindi nawawala

Napapansin kaya?
Oh,Paboritong tignan ng aking mga mata,
Maghapong nakatulala,
At hindi nagsasawang titigan ka

Napapansin kaya?
Ang lagi kong paglapit sayo pag nandyan ka,
Ay! Bigla kong naalala,
Marami kang tagahanga,
Kaya Ako'y Hindi mo na nabibigyang pansin pa

Napapansin kaya?
Ang madalas kong pagsama sa kanila,
Na mga kaibigan ko nga pala,
Makita at makasama lang kita

Napapansin kaya?
Ang labis labis kong pagtawa,
Pag ikaw na ang natatanging dahilan,
Ng aking pagiging masaya

Napapansin kaya?
Ang lungkot sa'king mga mata,
Pag nakikita kitang,
Madalas na kasama sya

Napapansin kaya?
Ang inggit na aking nadarama,
Sa'twing napagmamasdan kita,
Na masaya kasama sila

Napapansin kaya?
Ang labis kong pag-aalala,
Kapag nababalitaan kong,
May nangyayaring masama

Napapansin kaya?
Ang selos sa aking mga mata,
Makita ko lang na,
Lagi mo syang kasama

Dapat na nga ba kong maging masaya?
Para sa pag-iibigan nyong dalawa?
Oh dapat na ba kong magtapat ng tunay na nadarama,
Wala namang mawawala diba?

Hayyyss,Siguro tama nga sila,
Pag-asa ko sayo'y wala talaga,
Susubukan kong hayaan na lang tong nadarama,
Titigilan ko na ang kakaasa.

POEMS/SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now