TANGA

277 3 0
                                    

Isang salita,
Limang Letra,
Ano nga bang meron sa kanya?
At karamihan sa mga tao'y,
Matatawag na sya

Pagiging tanga sa Pag-ibig,
Yan ang kadalasan nyong hilig,
Hindi man magandang marinig,
Inyo pa ring tinitinig

Sya,Sya na tinatawag nyong paasa,
Ano nga bang meron ang tulad nya?
Bakit sa kanya ka pa nagpapakatanga?
Marami namang iba dyan diba?
Bakit ba kase sya pa?

Sa 'twing makikita mo sya,
Makikita mo syang masaya,
Kasama ng iba,
Lagi mong sinasabing nasasaktan ka

Nasasaktan ka dahil nakikita mo silang magkasama?
Bakit?
Sino ka ba?
Wala namang kayo diba?

Sa'twing hahatulan mo sya,
ng kaso ng pagiging paasa,
Teka? Pinaasa ka nga ba nya?
Ang alam ko ikaw lang tong nagpapakatanga

Sa tuwing ikaw ay laging nag-iisa,
Sa kwarto mong hindi bida ang saya,
Iniisip mo kung bakit sya pa,
Tapos ikaw ngayo'y naluluha na

Mga litrato nyang Nakasave sa Cellphone mo,
Maghapon magdamag mong tinitignan ang mukha nyang maamo,
May pangiti ngiti ka pa pag tinitignan mo ito,
Ano ba kasing ginagawa nyan dyan?
wala namang dulot sa buhay mo yan

Sa pagkukunwaring okay ka lang,
Pati ang paniniwala sa kasinungalingan,
At ang magmahal kahit ikaw ay nasasaktan,
Ay nakukuha mo na ring taglayin sa kadalasan

Tinatawag ka ng tanga ng iyong mga kaibigan,
Ngunit hindi mo pa rin makuhang harapin ang katotohanan,
Katotohanang nagsasabing,
Masyado ng masakit ang yong pinagdaraanan,
Dulot ng mga bagay na wala namang katiyakan

Isip mo'y ilang beses ka ng sinabihan ng 'Tigil na',
Tigil na kase Hindi na to Tama,
Tigil na kase hindi mo na kaya,
At tigil ma kase,Nagmumukha ka ng tanga

Pag-aralan mo munang mahalin ang yong sarili,
Bago ang iba,
Dahil kung ito ay hindi mo kayang gawin,
Tiyak na masasaktan ka.

POEMS/SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now