Sa bawat oras,Minuto,Segundong lumilipas,
Tila ba lahat ng ngiti sa aking labi ay mabilis na kumukupas,
Lagi na lamang naghihintay sa huni ng kalungkutan at ng tinatawag nitong pagaspas,
at animong wala ng pakialam pa sa naghihintay na bukasNamumuhay sa kalungkutan,
Nalulunod sa pag-agos ng luhang hindi mapigilan,
at nagtitiis sa ingay ng hikbi at hagulgol na hindi mapatahan tahannamumuo ang sandamakmak na tanong sa kanyang isipan,
Mga problemang dumarating ng hindi man lang nagdadahan-dahan,
bakit ba kailangan nya pa itong maranasan?
na sa murang edad nya'y handa na syang mundo'y ilisanWalang kaibigang umiintindi,
Walang sandalang nasa kanyang tabi,
Walang labing nababahiran ng kahit konting ngiti,
At walang payapang isip ang dumarating araw-gabiTinitiis ang tonetoneladang masasakit na salita,
Mula sa bibig ng inaakalang kaibigan nya,
Hindi magawang magpaliwanag o ano pa,
dahil nauunahan sya ng takot at pangambaTakot na baka mas lalong hindi nila sya maintindihan,
At mas lalo lamang kagalitan at siraan,
Dahil kahit mali ang kanilang mga paratang,
Hindi pa rin magawang sarili'y maipaglabanDuwag,Masyadong paimportante,Laging mali
Lahat ba talaga ng yan kailangan nyang marinig?
isang taong simpleng humihiling ng tunay na makakaintindi,
pero wala...Wala ang inaasahan nyang dapat na nandyan lagi...