Kalikasan,
Kalikasan na dapat ay pinapangalagaan,
Kalikasan na dapat nating ingatan,
Kalikasang dapat nating bantayanBakit ba hindi magawa ng iba?
na itapon sa tamang lalagyan ang kanikanilang mga basura?
Simple lang namang gawin to diba?
Pero bakit hindi nila magawa-gawa?Tapon doon,Tapon dito,
ng mga kalat na nanggagaling sa inyo,
Masakit mang tignan ng mga matang ito,
Lungkot na lang ang madalas na nangingibabaw sa isip ko,Luntiang kapaligiran,
na masarap tignan,
Panatilihin nating,
Nasa maayos na kalagayanAsul na katubigan,
Ating pangalagaan,
Dahil ang mga pagkaing inyong natitikman,
Karamiha'y sa dagat ang pinanggagalinganMalinis na kalangitan,
Madumiha'y wag hahayaan,
Pati na ang buong kalupaan,
Patulog nating ingatanPolusyon sa kapaligiran,
Isa rin sa marami nating pinagdaraanan,
Dami ng populasyon ng mga tao,
Di mabilang at siksikanPati na rin ang maduduming usok,
Na dala ng mga pabrika at sasakyan,
Na ating nalalanghap,
At nakapagdudulot pa ng sakit yanMga Busina,Ingay,Sigawan at salitaan,
Kahit saan ma'y madalas kong naririnig yan,
Sabay-sabay na pumapasok,
Sa tenga kong lubos na naiingayanNagkalat na basura,
Sa kapaligiran,
Madalas kong nadadatnan,
Kahit saan man
Mga tubig sa batis,Ilog at lawa,
Kadalasay napupuno ng mga basura,
Pati na ang paligid ng mga karagatan,
Na naiiwan ng mga dito'y turista at naninirahanBilang isang estudyante,
Nais ko sana kayong paalalahanan,
Kapag tuluyang nasira ang ating kapaligiran at kalikasan,
Pagkain,Hanapbuhay,Kapayapaan,Kalinisan, o kahit ang ating buhay man,
Tiyak tayong lahat ay mawawalan.