Oras at panahon mo,
Minsan na ring nahiling ko,
Bakit nga ba ko nagkakaganito?
Pati oras mo'y pimagnanasaan ko
Magekano nga ba ang oras mo?
Sabihin mo lang at pag-iipunan ko,
Sisikapin kong mabili ito,
Para naman simpleng pangarap ko'y,
Masayat makakamit ko
Oras mong hinihiling,
Panahon mong pinakamimithi,
Pagmamahal mong pinapangarap,
Kaytagal ko ng sinisikap,
Mahirap mang intindihin,
Ang ganitong uri ng damdamin,
Ngunit sana naman kahit ilang sandali,
Pagbigyan mo sana ang aking hiling
Na oras mo'y sandaling nasakin,
At mga panahong nasakin kang piling.
