Samantha's POV
Dali dali akong bumaba at lumabas ng bahay. "Hoy! Sino ka?!" Tanong ko doon sa babae.
Nang makita niya ako agad siyang tumakbo. "Bumalik ka dito!" Sigaw ko tsaka ko siya hinabol.
Nang maabutan ko siya hinila ko kaagad yung buhok niya. "Sino ka?!" Tanong ko sakanya. "Hindi ka sasagot? Anong gusto mo malagas tong buhok mo?" Sabi ko sakanya. "Sam! Tumigil ka nga! Siya yung katulong na sinasabi ni Mom satin!" Sigaw ni Ayu kaya nagulat ako.
"Hoy Ayu! Wag nga ako yung pinaglololoko mo!" Sabi ko tsaka ko diniinan yung paghawak sa buhok nung babae.
"Samantha pwede bang tumigil ka na?" Mahina pero naiinis na sabi ni Ayu. Agad niya namang tinanggal yung pagkakahawak ko sa buhok ng babaeng yon. "Ano bang trip mo ha?!" Tanong niya. "Sorry, malay ko bang iyan yung katulong na sinasabi ni Tita." Sagot ko sakanya.
"S-sorry po Mam S-sam, natakot po kasi ako B-baka po kasi kung ano yung M-magawa niyo sakin." Paghingi ng paumanhin nung babae. "Nah! You don't have to say sorry it's okay, tsaka bakit nag so sorry ka? Eh dapat ako nga ang mag sorry sayo dahil sa ginawa ko." Pinilit kong kumalma para hindi ako mag mukhang sobrang napahiya. "O-okay lang po." Sagot niya.
Hindi ko na kinaya yung Atmosphere kaya pumasok ako sa loob at pumunta ako sa kwarto ko. "Grabe! Ano ba yung ginawa ko?" Bulong ko sa sarili ko. "Hoy Sam! Ano ba yung pumasok dyan sa utak mo at sinabunutan mo yung katulong natin ha?!" Pasigaw na tanong sakin ni Ayu.
"Ayu, alam mo bang pinahiya mo ako ha?!" Naiirita kong tanong sakanya. "I know right." Sabi niya tsaka siya tumawa ng malakas. "Stop laughing!" Sabi ko sakanya. "Sorry hindi ko mapigilan." Sabi niya habang pinipigilan yung pagtawa niya. "I said stop laughing!" Sigaw ko tsaka ko siya binato ng unan.
"Hindi ka titigil?" Tanong ko sakanya tapos binato ko siya ng unan. "Ayaw ko na!" Sigaw niya pero patuloy lang ako sa pagbato ng unan sakanya. "Sinabing tama na!" Sigaw niya kaya tumakbo ako palabas ng kwarto ko.
"Mag swimming ka sa mga unan! Bye!" Pang aasar ko pa bago ako bumaba, pagkababa ko nakita ko si Selena na kausap si tita. "Good morning po Tita." Sabi ko tsaka ako nag beso kay sakanya. "Tita kadadating niyo lang po ba?" Tanong ko.
"Oo." Sagot niya habang nakangiti, bumaba din naman si Ayu at nag bless siya kay Tita pero nagulat siya ng biglang umiwas si Tita sakanya. "Beso na lang Ayu, ayoko kasi ng bless kasi masyadong nakakatanda." Sabi niya kaya natawa si Ayu. "Sorry po." Sabi ni Ayu tsaka siya nag beso kay Tita.
"Tita gusto niyo po ba ng Coffee? Juice or Softdrinks? What do you want?" Tanong ko sakanya. "Coffee na lang Sam." Sagot niya.
"Ok lang ba kayo dito sa bahay? Nasisikipan ba kayo? Pwede kaming humanap ng bago niyong malilipatan sabihin niyo lang." Sabi ni Tita. "What? Kami nasisikipan dito? Eh ang laki nga nito para saming apat." Sabi ni Ayu. "Opo nga po Tita." Sagot ni Kassy.
Inutusan ko si Ate Bianca na magdala ng Coffee kay Tita pero nakita kong may ginagawa siya kaya ako na lang ang nagtimpla ng Coffee ni Tita, pagkatapos kong mag timpla pumunta agad ako sakanila para mainom niya na yung Coffee niya "Tita here's your Coffee na po." Sabi ko, agad naman niyang kinuha yon at ininom.
"Sam, your Mom and Dad is so busy, sa sobrang busy nila hindi ka man lang nila mabisita dito." Sabi ni Tita. "No it's okay po, tsaka I understand naman po." Sabi ko sakanya. "Tsaka next week pupunta sila ng Korea." Sila Dad pupunta ng Korea? "Bakit parang biglaan naman po ata?" Tanong ni Ayu. "Problema sa Business." Sagot ni Tita tsaka niya inubos yung kape na nasa tasa.
"Pinasabi na lang nila sakin kasi sobrang busy nila." Sabi ni Tita. "Okay lang po, sanay naman po ako na lagi silang may problema." Sabi ko kay Tita. "Pasensya ka na ha? Hindi ka man lang nila maasikaso, pabayaan mo na sigurado akong babawi din yung mga yon sayo." Sabi ni Tita tsaka siya ngumiti.
"Sige na, kinamusta ko lang naman kayo dito. Alis na din ako kasi may kailangan pa akong asikasuhin." Sabi ni Tita. "Bye Selena, Ayu, Sam and Kassy." Sabi ni Tita habang nakangiti "Take care Mom." Sabi ni Selena kay Tita.
"Akyat lang ako sa taas ang boring dito." Sabi ni Kassy. "Aalis tayo." Sabi ko. "Maganda yan." Sabi ni Selena habang nakangiti. "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Ayu. "Mag E-enroll tayo." Sabi ko. "Just wait, I'm going to get my bag." Sabi ni Ayu "Go and get it." Sabi ko tsaka ko siya inantay. "Done!" Sigaw niya habang natakbo pababa.
"Let's go." Sabi ni Selena, pagkapasok namin sa kotse biglang nag salita si Ayu. "May driver na ba tayo Sam? Tinatamad ako mag drive." Sabi niya. "Oo meron na." Sagot ko sakanya. "Buti naman at hindi na ako mukhang basura pag dating ko sa University." Sabi ni Ayu. "Ikaw hindi mukhang basura? Eh basura ka naman talaga." Sabi ko sakanya.
Nagulat kami ng biglang bumukas yung pintuan at ng mahulog si Ayu. "Ayumi!" Sigaw ko dahil sa pagkagulat.
Nang makita ko yung hitsura niya hindi ko napigilan na matawa, tinignan niya kami ng masama pero tawa lang kami ng tawa. "Sorry, I can't help it." Sabi ko habang pinipigilan na tumawa.
Agad namang tumayo si Ayu tsaka niya tinignan ng masama yung driver. "Hoy kuya! Gawin mo ng maayos yung trabaho mo ha?! Kabago bago mo baka masesante kita!" Sigaw niya tsaka siya umupo malapit kala Selena. "Mam Sam alis na po ba tayo?" Tanong nung driver "Ay hindi kuya, Dito lang tayo." Sarcastic kong sagot sakanya.
Nakakainis eh! Kailangan pa bang itanong yon? Alangan namang tatambay lang kami dito sa loob ng kotse.
Pagkadating namin sa University bumaba agad kami. "Kuya antayin mo lang po kami dito." Sabi ko sa driver. "Opo Mam." Sagot niya.
Habang naglalakad ako may babaeng naka black na bumangga sakin, Seriously? Dito din nag aaral yung apat na ipis? "Tsk!" sabi ko narinig niya yon kaya napaharap siya sakin "Oh! Sam! Dito kayo mag aaral?" Tanong niya. "Halata ba?" Tanong ko sakanya. "Wala akong pake kasi mas maganda ako sayo." Sabi niya sakin.
"Alam mo Sam nagsasayang lang tayo ng oras dyan kay Chloe eh! Puro naman nonsense ang pinagsasasabi." Sabi ni Selena. "Yung mga pinagsasasabi mo, may matutulong ba yan sa lipunan? Mawawala ba yung mga masasamang nilalang sa mundo katulad mo?" Tanong ko ulit sakanya. "What? So ako pa pala ngayon ang masama sa ating dalawa?" Tanong niya sakin. "Oo naman! Nung nag search nga ako ng masamang nilalang mukha mo ang lumabas." Sabi ko sakanya.
"Well kung may masama man sa inyong dalawa ikaw yon at hindi si Chloe." Sabi ni Ria. "Shut up, I'm not talking to you." Sabi ko sakanya. "Bakit ba ang hilig mong umeksena?" Tanong ni Ayu kay Ria. "Gusto ko eh! Wala kang pake." Sabi niya na parang bata. "Nagmumukha ka kasing papansin." Sabi ni Ayu tsaka siya nag smirk.
"Pati ba naman sa University manggugulo kayo?" Tanong ni Chloe, sakanya galing yon? "Wait lang ha! Kapal mo namang mag sabi na pati sa University manggugulo kami, Sino bang nauna? Sino bang namangga? Ako ba? Gamitin mo yang utak mo ha." Sabi ko sakanya."Ay oo nga pala wala kang utak." Sarcastic kong sabi sakanya.
"Dito ba kayo mag aaral?" Walang kwentang tanong ni Mina. "Natural! Alangan namang andito kami para makiligo." Sabi ni Selena. "So? Does it mean na mag E-enroll kayo dito?" Tanong ni Mina. "Ay hinde! Pano kami makakapag aral dito kung hindi kami mag E-enroll?" Sarcastic na tanong ni Selena.
"Ganyan ba talaga yung mga kaibigan mo?" Tanong ko kay Chloe "Why? May problema ka ba sa mga kaibigan ko?" Tanong niya. "Nakakainis parang hindi tao eh!" Sabi ko sakanya.
"Gusto mo ba ng away Sam?" Tanong ni Chloe. "O! Akala ko ba kami yung nanggugulo?" Tanong ni Kassy "Excuse me? Nakaka-" hindi niya natapos yung sinasabi niya ng lagpasan namin siya. "Wag na lang nating pansinin, wala namang magandang madudulot sa bansa yung pinagsasasabi nila." Sabi ni Ayu.
"Tsk! Nasayang yung 15 minutes and 13 seconds ko dahil sakanila." Sabi ko. "Oo nga masasayang lang yung oras natin sakanila, hindi naman nila deserve kasi wala silang kwenta." Sabi ni Selena.
Hindi pa kami nakakalayo kaya narinig ni Ria yung sinabi ni Selena. "Aba! At ang kapal naman ng mukha mong sabihan kami ng walang kwenta!" Sigaw ni Ria. "Anong sabi mo Ria? Makapal ang mukha namin? Eh diba hiyang hiya nga yung dictionary sa pagmumukha ninyong apat?" Sarcastic na sabi ni Ayu kay Ria. "Tsk!" Huling sabi ni Ria tsaka siya umalis kasama yung mga lamang dagat niyang kaibigan.
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
JugendliteraturMadalas na mag away. Hindi magkakasundo. Parehas na ayaw magpatalo. Magkakayos. Magiging close. At unti unting mahuhulog sa isa't isa. Pero tama nga ba? Na sila na hanggang huli? Na mabubuo nila ang kanilang sariling love story?