Samantha's POV
Naglakad kami papunta sa Principal's Office, syempre maglalakad kami alangan namang lumipad kami papuntang Principal's Office.
Nagulat ako ng may makita akong kalansay na naglilinis ng hagdan malapit sa Principal's Office. "Grabe kawawa naman si Kuya, sobrang Malnourished." Sabi ni Kassy kaya hinampas ko siya. "Kuya M! Ingat ka po baka ma slide kayo!" Sigaw ni Ayu.
Bigla namang nagtaka yung Kalansay. "Ha? Sinong kuya M?" Tanong niya kaya patagong tumawa si Selena. "Ahh, Yun po ba? Ang Malnourished niyo kasi hehe." Sabi ni Ayu. "Tara na nga!" Sabi ko tsaka ko sila nag paalam don sa kalansay.
"Bye kuya M!" Sigaw ni Ayu at Kassy tsaka sila nagtawanan. Natawa na lang din ako dahil sa ginawang kalokohan ng dalawa.
Hinila ko sila papasok ng Principal's Office. "Mag E-enroll kayo?" Tanong nung Principal. "Halata po ba?" Tanong ko kaya tumawa siya. "Baguhan pa lang ba kayo dito?" Tanong nung Principal. "Opo." sagot ko.
Maganda siya, mabait at masayahin, maloko din siya kasi madami kaming napagkwentuhan like kung saan kami School dati galing at kung maayos daw ba yung School. Sinabi namin Oo. Syempre kasi maganda at disiplinado naman yung School. May mga barumbado nga lang na Istudyante minsan.
"Bye the way, My name is Natasha Evereign. Pwede niyo akong tawagin ng Tita Ash o Mrs. Evereign." Sabi niya tsaka siya ngumiti samin. "Pwede po bang Tita Ash na lang?" Tanong ni Ayu kaya nag nod si Tita Ash. "Kayo? Anong pangalan niyo?" Tanong ni Tita Ash. "Sam po, sila naman po si Ayu, Kassy at Selena." Sabi ko habang tinuturo sila isa isa.
"Pwede na po ba kaming umalis?" Tanong ko. "Oo hija, Mag ingat kayo." Sabi niya. "Hindi naman po kami mamamatay hehe." Sabi ni Ayu kaya tinignan ko siya ng masama tsaka kami lumabas ng Principal's Office.
"Wait lang nagugutom ako." Sabi ni Selena. "Oo nga! kain kaya muna tayo sa Canteen?" Tanong ni Kassy. "Aba sige!" Sabi ni Ayu tsaka siya ngumiti. Pano kaya pag andoon yung apat na ipis? Hay, sana naman wala kasi ayoko na ng gulo.
Hindi nga ako nagkamali kasi pagdating namin sa canteen andoon sila. Syempre may kaaway na naman si Chloe. Hindi kasi kumpleto buhay niya pag wala siyang kaaway everyday. Thank you din sakanila kasi nalaman ko yung tunay na definition ng Ipis at lamang dagat isama mo na yung masamang nilalang.
"Ilang beses ko bang sasabihin na kami ang nauna sa table na to?" Tanong ni Chloe doon sa babaeng naka white. "Eh kami nga ang nauna diba? Parang nalingat lang kami sandali biglang may mga lamang dagat na nakaupo sa pwesto namin?" Matapang na sabi nung babae.
"Go girl!" Sabi nung mga babae habang nagsisisigaw. Tinignan naman ni Chloe yun ng masama pero hindi sila nagpatinag patuloy pa din sila sa pagsigaw. "Matapang ka pala no? Ngayon mo ipakita ang katapangan mo." Sabi ni Chloe. Aish! Buti na lang at nasa mood ako ngayon! Pati ba naman kasi table pinag aawayan pa! Ang bababaw!
Kinuha ni Chloe yung juice na iniinom ni Claire pero bago niya pa matuloy yung binabalak niya nahawakan ko na agad yung kamay niya. Kaya imbis na matapon yon
sa babae. Sakanya yon natapon.Nagulat siya kaya umangat yung kamay niya para sampalin ako pero bago niya pa man magawa yon natapunan ko na siya ng pansit sa ulo.
Mas lalo siyang nagalit kaya tuluyan niya na akong sinampal. Nagulat naman siya ng makita niyang nakangisi ako. "Tsk! Ano yan na ba yung pinakamalakas mo?" Tanong ko sakanya. "Wala ka na bang mas ilalakas pa?" Sasampalin niya sana ako ulit pero hinawakan ko agad yung kamay niya tsaka ko yon pinilipit. "Ahhh! Ouch! Stop! Please!"
Sabi niya kaya natawa ako. "Woah! Nag sasabi ka pala ng please? Yan palang yon Chloe." Sabi ko tsaka ko mas pinilipit yung kamay niya. "Ahh! I said stop!" Sigaw niya habang maluhaluha siya.
"Ayus ayusin mo kasi hindi lahat ng tao kaya mo." Sabi ko tsaka ako umalis. Nagulat ako ng biglang niyang hinila yung buhok ko. At mas nagulat ako kasi biglang may dumating na lalake tsaka niya tinanggal yung pagkakahawak ni Chloe sa buhok ko. Tsaka niya ako hinila para makaalis sa lugar na yon. "S-sino ka?" Tanong ko pero di siya sumagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/124222243-288-k904594.jpg)
YOU ARE READING
The Bad Boy's Love
Fiksi RemajaMadalas na mag away. Hindi magkakasundo. Parehas na ayaw magpatalo. Magkakayos. Magiging close. At unti unting mahuhulog sa isa't isa. Pero tama nga ba? Na sila na hanggang huli? Na mabubuo nila ang kanilang sariling love story?