Chapter 2

268 6 1
                                    

Ayumi's POV

Sobrang tibay naman pala nitong si Sam! Kahit anong pilit kong kalimutan niya na si Taehyung hindi pa din siya tumitigil at pinag pipilitang dadating pa si Taehyung at babalikan siya, Tsk! Bahala siya, Siya rin naman yung mahihirapan at aasa na dadating pa si  Taehyung.

"Ayu bingi ka ba? I said let's go!" Sigaw ni Kassy "Saan ba tayo pupunta?!" Pasigaw na tanong ko kasi naiinis na ako. "Sa mall." Sagot niya kaya tumakbo ako sa kotse at biglang sumakay.

"Asan na yung driver?" Tanong ko. "Wala." Sagot naman ni Kassy "Oo nga no? Asan ka yung driver?" Tanong naman ni Selena.

"May sakit daw si Kuya sabi ni Mom" Sabi ni Sam. "Sinong mag dra drive?" tanong ko. "Ikaw." Sagot ulit ni Sam. "Bakit ako?" Tanong ko. "Ok lang yan mukha ka namang driver." Sarcastic na sabi ni Sam kaya nainis ako.

"Bakit kasi ako? Buhay pa naman si Kassy at Selena ha?" Sabi ko kaya tinignan ako ng masama ni Sam. "Pwede bang mag drive ka na lang?" Seryosong tanong ni Sam.

Humanda sakin yung driver na yon! Ako tuloy mag dra drive ng kotse dahil sakanya! Andami niyang alam,  makita ko lang yung pagmumukha niya mamaya pag uwi namin.

Sinipa ko yung paa ni Kassy at tinignan ko siya ng masama, na gets niya naman kaagad yon kaya nag salita siya. "I'm so tired." Sabi niya kaya tinignan ko agad si Selena na nasa tabi ko lang, umakto naman siya na parang akala mo may kausap sa phone niya. "Hello Dad paalis na po kami, Mag sho-shopping lang po kami nila Sam." Sabi niya tapos ang dami niya pang binanggit na akala mo may kausap talaga siya.

Lakas naman ng loob ng mga tong mang dedma, Psh! Mag dra drive na nga lang ako nakakainis! Wala na akong gana mag shopping mamaya kasi wala nakong poise.

Nag park kami ng kotse tsaka kami sumunod kay Selena, tumigil siya kaya nagsitigil din kami.

Pabagsak kong sinarado yung pintuan ng kotse ni Sam. "Pasok na kayo, anong gusto niyo kaladkarin ko kayo papasok ka loob ng mall?" Tanong ni Selena kaya tinignan ko siya ng masama. "Ikaw, yung mukha mo mukhang kinaladkad." Sabi ni Sam tsaka niya nilagpasan si Selena.

Pagkapasok namin ng mall dumeretso kaagad kami sa Women's Clothes, Thank you naman! Medyo nawawala na yung badmood ko, Nakita ko na kasi yung dress na pina gusto ko. Nakakainis lang kasi lagi silang out of stock nung dress.

Tumakbo ako para kunin yun pero biglang may humawak sa dress na yon. "Excuse me, Akin po yung dress na yan." Sabi ko don sa babae. "At bakit? Nabili mo na ba?" Yanong niya sakin " Hindi pa, bibilhin ko pa lang." Sagot ko sakanya. "So ibig sabihin this dress is not yours." Lumayas siya dala dala yung damit sasabunutan ko sana siya pero nagulat ako ng hilahin siya ni Sam pabalik.

"Akin na yan." Sabi ni Sam don sa babae. "Edi kunin mo." Sabi naman sakanya ng babae, humanda siya pag na beast mode tong si Sam tatawanan ko talaga siya pag kinaladkad siya ni Sam palabas.

"Pwede bang ibigay mo na lang?" Tanong ni Sam. "Bakit ba kasi hindi na lang kayo humanap ng ibang dress? Ako nga kasi ang nauna dito." Sabi niya.

Sa sobrang galit ni Sam hinablot niya yung dress don sa babae, hindi pa siya nakuntento, sinipa niya pa yung babae.

"Sabi ko kasi ibigay mo na lang." Sabi ni Sam sakanya. "Ria!" Sigaw nung mga kaibigan niya. "Anong nangyari?" Tanong nung babaeng naka white. "I'm okay." Sagot niya "Tumilapon ka tapos sasabihin mo ok ka lang? Anong kalokohan yon Ria?" Tanong naman sakanya ng babaeng naka pink.

"Hoy ikaw! Anong pangalan mo?" Tanong sakin nung babaeng naka black. "Ayu." Sagot ko sakanya "Yung mga kaibigan mo?" Tss! Feeling close naman tong babae na to. "Umm, sila ba? Si Sam, Kassy at Selena." Sabi ko habang tinuturo ko sila Sam. "My name is Chloe, sila naman si Ria, Claire at Mina." Sabi niya habang tinuturo niya yung mga kaibigan niya.

"Tss, ang panget naman ng mga pangalan nila." Sabi ni Sam. "Wag nga kayong masyadong feeling close, tignan niyo nga yung ginawa niyo kay Ria." Sabi ni Mina, Tsk! Kami pa pala yung Feeling close ngayon? "Kasalanan niya yon." Sagot ni Sam.

"What did you just say?" Tanong ni Mina. "Kung hindi sana siya nangelam edi dapat hanggang ngayon maayos pa ang lagay niya." Sabi naman ni Selena "Kausap kita?" Tanong sakanya ni Mina. "Ano bang tawag mo sa ginagawa natin ngayon? Hindi ba to pag uusap?" Sarcastic na tanong sa kanya ni Selena.

"Tara na, mapapaaway na naman tayo eh!" Sabi ko. "Tsk! Ang hina mo naman Ayu, kayo tong nauna tapos biglang lalayasan niyo na lang kami ng ganon." Sabi ni Chloe sakin. "Ano? Ako mahina? Tsk! Kung alam mo lang." Sabi ko sakanya. "Wag mo na lang patulan." Bulong ni Kassy kaya tumigil na ako.

"Okay." Sabi ko tsaka namin sila nilagpasan. "Aray!" Sigaw ni Selena kaya napatingin ako sakanya. "Dahan dahan ka nga mag lakad Kassy." Psh! Kala ko naman kung anong nangyari sakanya.

Oo nga pala! May nakalimutan ako! "Sam diba mag E-enroll pa tayo?" Mukha naman silang nagulat sa sinabi ko. "Ayu? May nangyari bang masama sayo?" Tanong sakin ni Sam. "Wala." Sagot ko naman. "Baka naman naalog yang utak mo." Sabi naman ni Selena. "Ha? Bakit ba?" Tanong ko.

"Ayu ikaw ba talaga yan?" Tanong pa ni Kassy. "Oo! Porket ba nagtatanong ako ng tungkol sa Enrollment ganyan na agad yung pinagsasasabi ninyo?" Sabi ko sa kanila, bigla naman silang natahimik. "I'm not joking, I'm serious hindi sa lahat ng oras nag loloko ako." Sabi ko sa kanila.

"Okay." Sagot naman ni Sam "Nakakainis! Hindi tuloy tayo nakapag shopping dahil sa mga lamang dagat na yon!" Pag iiba ng usapan nila Selena. "Oo naman! Mukha pa nga lang nila beast mode na beast mode nako eh!" Sabi ni Sam. "Tsaka bakit kasi kailangan pa nilang pumalag eh alam naman nilang wala silang magagawa para makuha yubg dress na yon." Sabi ni Kassy

"Buti na lang hindi niyo na kinuha yung dress, wala na rin namang kwenta yon kasi nahawakan na ni Ria." Sabi ko tapos nag nod sila.

Pumunta naman kami ng parking tsaka namin kinuha yung kotse, pagkapunta namin don andoon din sila Chloe, Tsk! Gusto na naman ba nila ng away? O baka naman sinusundan lang nila kami?

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now