Chapter 6

106 4 0
                                    

Samantha's POV

Nagulat ako ng hilahin niya ako paalis sa lugar na yon. Nakita ko naman yung mukha niya kaya kinabahan ako. Totoo ba tong mga nakikita ko? Gising ba talaga ako?

"T-taehyung?" Tanong ko sa lalakeng humila sakin. Wala naman akong natanggap na sagot kaya inulit ko yung tanong ko sa kanya. "Taehyung? Ikaw ba yan?" Tanong ko ulit pero di na naman siya sumagot. Tumalikod lang siya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.

"Taehyung sagutin mo naman y-"
humarap siya sakin with his blank face. "Bakit? Halata ba?" Tanong niya kaya bigla akong napa iyak. "Taehyung." Sabi ko habang naiyak.

"Tsk. Ang arte mo naman. Bakit ba umiiyak ka?" Tanong niya tsaka niya tinapik tapik yung balikat ko. "Tears of joy." Sabi ko habang naiyak sa dibdib niya.

"Wag ka ng umiyak. May alam akong magandang lugar dito sa loob ng University." Sabi niya habang  nakangiti. "Taehyung, wait lang." Sabi ko habang hila hila niya ako.

Pumunta kami sa Garden ng University. "Paano mo nalaman yung lugar na to?" Tanong ko sa kanya. "Nag ikot ikot lang ako kaganina, Tapos nadaanan ko to." Sagot niya "Bakit ka nga pala andito?" Tanong ko ulit.

"Dito na kasi ako mag aaral." Sabi niya kaya nagulat ako."Ha? Dito ka na mag aaral?" Tanong ko sakanya habang pinupunsan ko yung mga luha ko. "Oo." Sagot niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Bakit pala may gulo doon sa canteen kanina?"

"Tsk. Pano. Andoon yung mga ipis eh." Sagot ko sakanya. "Kaya pala kasama ka sa gulo nila." Mapang asar niyang sabi.

"What? Ibig sabihin ipis din ako? Duh. Kelan pa ako naging ipis ha?" Tanong ko. "Matagal na. Simula nung pinanganak ka."

Yan yung na miss ko sakanya. Yung pang aasar niya. Bukod don sa pagiging bad boy niya. Hindi na talaga siguro mawawala yon sakanya.

"O? Natahimik ka ata?" Naiinis na ako dito ah. Sige. Subukan niya ako. "First of all, hindi ako ipis. Second, saan ka nakakita ng ipis na maputi at nagsasalita? Third, umuwi ka lang ba dito para painitin yung ulo ko?" Nanggigigil kong tanong sakanya.

"Una sa lahat, ipis ka. Pangalawa, wag mo akong tanungin kung saan ako nakakita ng ipis na maputi at nagsasalita kasi first time ko lang din maka encounter ng ganon. Pangatlo, umuwi ako dito kasi nga dito ako mag aaral. At syempre. Dahil na din sa na miss kita."

"Psh! Akala ko umuwi ka dito para sirain buhay ko." Sabi ko kaya tumawa siya.

Natigil naman siya sa pagtawa ng biglang may dumating. Sino pa nga ba? Edi yung mga kaibigan ko. 

"Sam tara n-" hindi natapos ni Ayu yung sinasabi niya ng makita niya si Taehyung. "Sino yan? Yan ba yung Taehyung na sinasabi mo?" Tanong niya kaya nag nod ako. "Hi." Bati ni Taehyung sakanya.

"Hello. Nice to meet you. Ako nga pala si Ayu." Sabi niya habang nakangiti.

"Hmm." Sabi naman ni Taehyung. At dahil hindi pa sila magkakilala. Ipapakilala ko sila sa isa't isa. "Kaibigan ko nga pala Taehyung. Sana maging close kayo."

Nakita ko naman si Kassy na papalapit na tumatakbo papunta samin. Nag stop siya at halatang nagulat siya ng makita niya si Taehyung. Ganon din si Taehyung kaya palipat lipat yung tingin ko sa kanilang dalawa.

"Kaibigan mo siya?" Tanong ni Kassy habang naka turo kay Taehyung. May kakaiba kay Kassy ah. Usually kasi pag may iba akong kasama, Tinitignan niya yon mula ulo mukhang paa. Tsaka ang itinatanong niya, Sino yung kasama ko. Pero ngayon iba.

Yung tanong niya. Kung kaibigan ko daw ba tong si Taehyung.

Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinarayan ko siya. "Yeah." Tinignan niya ulit si Taehyung at parang gulat na gulat pa din siya.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now