Chapter 7

98 3 0
                                    

Selena's POV

Pagkagising ko nakita ko si Ayu na naglilinis ng kwarto ko. "Pssst! Ayu anong ginagawa mo dyan? Nililinis mo?" Tinignan niya naman ako ng halata-ba-look. "Ay hindi. Dinudumihan ko nga eh." Muntik ko ng ihampas sa kanya yung lampshade ko dahil sa pagiging sarcastic niya.

"Eh kung ihampas ko kaya sayo tong lampshade ko?" Nakakagigil. Ang aga aga pinapainit niya ulo ko. "Lakas din naman pala ng loob mong sabihan ako ng eh kung ihampas ko kaya sayo tong lampshade ko. Pasalamat ka nga nililinis ko pa tong mala Haunted house mong kwarto."

Aba. Bastos to ah. At kailan pa naging Haunted house tong kwarto ko? Ang ganda ganda nga nito eh.

Sa sobrang inis ko nilayasan ko siya. Bahala siya. Linisan niya yung kwarto ko hanggang kailan niya gusto. Akala mo naman talaga sasahuran ko siya. Wala din naman siyang mapapala. Nagpagod lang siya.

Pagbaba ko naabutan ko si Sam na nasa sala. Kaya naman pala, Dinalaw siya ng pinakamamahal niyang bestfriend. Sino pa ba? Syempre si Taehyung. Si Taehyung lang naman ang pinakamamahal niyang bestfriend. Paano. Hindi niya kami mahal eh.

Grabe ha. Ang bilis niya namang malaman agad kung saan yung bahay namin.

Ang gwapo pala ni Taehyung no? Ang tangos ng ilong, Red lips siya tapos ang bad boy niya tignan. Tss! But he's not my type.

Gusto ko yung lalakeng marunong mag luto, Yung lalakeng sobrang dali mong makakasundo. Yung lalakeng kung ano yung trip mo trip niya. Responsable at may respeto. O diba! Sobrang simple.

Napansin naman nila na kaganina pa ako nakatayo kaya nginitian nila ako. "Goodmorning Selena." Bati sakin ni Taehyung. Bigla akong nagulat ng banggitin niya ang pangalan ko. Ngumiti na lang ako sa kanya at tulad ng ginawa niya. Binati ko din siya.

Sinabi siguro sa kanya ni Sam yung pangalan ko.

Pumunta ako sa Veranda para mag pahangin. Ito talaga yung pinaka gusto ko sa lahat ng parte ng bahay na to, Bukod sa kwarto ko syempre. Ang sarap kasi ng hangin dito eh. Dito din ako napunta kapag gusto ko ng katahimikan.

Bigla na lang akong may narinig na sigaw kaya napatingin ako sa gilid ko. Sa di kalayuan nakita at narinig ko si Kassy. May kausap siya sa phone niya.

"Dad hindi pwede! Ayokong saktan si Sam! Dad you know that! Ayokong may isang masaktan sa mga kaibigan ko. Kaya pwede ba! Itigil na natin tong kalokohan na to!" Mangiyak ngiyak siya ng putulin niya yung tawag.

Gusto ko sana siyang puntahan kaso baka isipin niya na sinadya kong pakinggan ang lahat.

Umalis agad ako para hindi niya ako makita doon. Pero ano yung sinasabi niyang ayaw niyang masaktan si Sam? Pati yung kalokohan na sinasabi niya? Teka nga, May tinatago na samin si Kassy?

Ayaw ko sanang isipin yon kaso hindi ko mapigilan.

Samantha's POV

Humingi ako kay Ate Bianca ng niluto niyang breakfast namin at ibinigay ko yon kay Taehyung. "O. Mag breakfast ka muna." Inabot ko yon sa kanya pero agad siyang tumanggi.

"Busog pa ako." Sabi niya habang nakangiti. "Ahh. Okay." Nilagay ko yon sa mesa na malapit samin.

Tinawag ko naman yung isa pa naming katulong para ipakuha yon. Si ate Levvy. Yung katulong na naaway ko dati.

"Nakakainis ka." Bigla naman siyang nagtaka kung bakit ko sinabi yon sakanya. "Ha? Bakit naman?" Tanong niya.

"Kasi eh. Ang tagal na nating nag uusap tapos di mo man lang na kwento kung ano yung nangyari doon sayo sa korea." Bigla namang nag bago yung ekspresyon ng mukha niya.

"Umm. Sorry." Tinignan niya naman ako. Oo nga pala! May sakit nga pala ang grandpa niya! Bakit ba hindi ko yon natanong?

"Hmm. Yung grandpa mo? Okay na ba siya?" Tanong ko. Katulad kanina. Wala pa ding ekspresyon yung mukha niya.

May nangyari nga atang masama. Tinignan ko naman siya. Inaantay ko ang magiging sagot niya. Nakahanda na din yung balikat ko kung sakaling umiyak siya.

"Okay naman siya. Magaling na siya." Sabi niya. Akala ko naman may nangyari ng masama. Pero sa mukha niya ngayon. Parang meron talaga eh.

"Taehyung? May problema ka ba?" Tinignan ko siya sa mata niya. "Wala naman." Hindi ako naniniwala sa kanya. Alam kong may problema siya. Hindi niya lang sinasabi.

Hindi ko na lang siya kinulit. Bigla namang pumasok si Selena at tumabi sakin. "Tinatamad akong pumasok."

Oo nga pala! May pasok pa kami! First day pa naman ngayon! Nag check ako sa phone ko ng oras. Aish! Isang oras na lang ma la late na kami!

Umakyat ako sa taas at dumiretso ako sa kwarto ko at agad akong nag bihis, Buti na lang at maaga akong nakaligo. Nag ayos din ako ng kaunti tsaka ako bumaba.

Nakalimutan kong andoon pa pala si Taehyung kaya pagbaba ko agad akong nag sorry sa kanya. "Taehyung, Sabay ka na kaya samin?" Alok ko sakanya.

"Paano ako sasabay? Hindi pa nga ako naka uniform." Sabi niya kaya tinawanan ako ni Ayu. Tsk. Ang babaw talaga ng babaeng to. Nakakawa siya.

"O edi wag! Pakelam ko sayo!" Nakita ko naman si Kassy na nakabihis na. Natigilan siya ng makita niya si Taehyung. "Aalis ka na agad Sam? Wala ka pa ngang dalang bag." Tsk! Oo nga pala!

"Bakit ba kasi sobra kang nagmamadali? Meron pa naman tayong isang oras." Tinignan niya naman ako ng masama kaya tinarayan ko siya.

Umakyat naman sa taas yung tatlo. Nakita ko naman si Taehyung na nakatingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Alis na ako Sam." Pagpapaalam niya.

"Oo na. Ingat ka ha?" Ngumiti naman siya sakin at ganon din ang ginawa ko. "Yeah." Lumabas ako para ipag open siya ng gate. Inantay ko siyang makapasok sa kotse niya hanggang sa makaalis siya.

Sinarado ko ang gate tsaka ako pumasok at pumunta sa taas. Dumiretso ako sa kwarto ko para kunin ang bag ko.

Pagkalabas ko biglang nahulog yung bag ni Kassy na nakapulupot din sa bag ko. "Aish!" Kainis naman! Nagmamadali na nga ako eh! Pagkabalik ko ng bag niya may nahulog na papel.

Ano to? Invitation card? Ioopen ko na sana yon ng may biglang humawak sa likod ko.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now