Chapter 8

213 5 0
                                    

Samantha's POV

Nagulat ako ng may biglang humawak sa likod ko, At mas lalo akong nagulat ng makita ko kung sino yon.

Sino pa ba? Edi yung may ari ng bag. "That's mine, right?" Nagmadali naman ako na ibalik yung invatation card sa loob ng bag niya pero hinawakan niya yung kamay ko at kinuha niya yung invitation card.

"Tss! Kaya pala nawawala yung bag ko. Naiwan ko pala dito." Ipinasok niya naman yung invitation card sa loob ng bag niya.

"Ano yung nakasulat sa loob ng invitation card?" Pangengealam ko. "Ahh, Hindi ko din alam eh. Hindi ko pa kasi na oopen. Kakabigay lang din kasi nito ni Mom, Basta ang sabi niya ito daw yung para sa Birthday ng anak ng kaibigan niya."

"Hmm, Okay. Tara na?" Aya ko. "Sige." Bumaba na kami at bumungad samin yung akala mong stress na stress na pagmumukha ni Ayu. "Ang tagal niyo alam niyo yon?" Tanong ni Ayu.

"Hindi eh. Pero dahil sinabi mo na alam na namin." Mapang asar na sagot sa kanya ni Kassy.

"Ha. Ha. Ha." Mapang asar na tawa ni Ayu. "Tawa na lang ako baka kasi umiyak ka pag walang tumawa sa joke mo."

Tsk. Feeling ko nag sasayang lang ako sa kanila ng oras. Ano bang pakelam ko kung mag sabunutan sila dyan. Basta pag may pagkain sa ref namin masaya na ako. At wala na akong pake sa paligid ko basta kumakain ako.

"Tss. Porket magaling ka ng mag joke ganyan ka na? Tsk. Sabagay mukha mo palang katawa tawa na." Tawang tawa ako sa sinabi ni Kassy.

"Pakelam ko?" Gigil na gigil si Ayu at parang kahit anong oras pwede na siyang sumabog. "Tumigil na nga kayo! Pag ako nanggigil sa inyo susunugin ko talaga kayo." Pagputol ni Selena ng kaligayahan ko.

"O? Ano? Dyan na lang kayo? Tara na nga! Pag tayo na late tayo humanda kayo saking tatlo."

"Aba. Bakit nasali ako dyan? Ikaw nga tong may kasalanan sakin eh. Pinutol mo ang kaligayahan ko." Naiinis kong sabi sa kanya. Bakit? Totoo naman ha? Ang saya saya ko dito tapos eepal siya.

"Tsk." Tinignan ko siya ng masama kaya nilayasan niya ako. Lumabas na lang din ako kasama yung dalawa.

Sumakay na sila ng kotse tsaka sila nag siksikan. Tsk. Anong trip nitong mga to? Nainis ako kasi pati ako naiipit na.

Sa sobrang inis ko lumipat ako sa front seat at doon na lang umupo. Bahala sila mag siksikan dyan.

Nakita ko naman si Selena na nakatingin sakin na para bang nagmamakaawa yung palit-tayo-pwesto-look.

Pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya dyan. Buti nga sa kanya. Baka nakalimutan niyang kinain niya yung mahiwaga kong spaghetti.

Tsaka. Ano bang problema nitong babae na to at sinisiksik niya si Selena? Ano? Ganon na ba siya kalaki kaya hindi siya magkasya? Silang dalawa lang naman ang nakaupo sa likod tapos hindi pa sila magkasya?

Eh kung sipain ko kaya silang dalawa palabas ng kotse? Tsk. Nagsasayang lang sila ng oras nila sa pagsisiksikan.

Pagkadating namin sa University agad akong tumakbo. Sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan ko na na may tatlo pa pala akong kasama.

Buti na lang at hindi pa pala kami late. Nilapag ko lang yung bag ko sa upuan ko tsaka ako umalis para balikan yung tatlo sa parking lot.

Hinanap ko sila dahil may free time pa naman, Tss. Pagkalabas na pagkalabas ko ng room agad na bumungad sakin yung mga estudyanteng nagkukumpulan.

Ano na naman ba yung mga pinagkaka abalahan ng mga estudyante dito? Pagkapunta ko doon nakita ko si Ayu. Tsk. Isa din pala siya sa mga nakikipagkumpulan dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now