Prologue

12.6K 203 1
                                    


Hi! If you have time, kindly visit my youtube channel and subscribe na rin po. Watch niyo na rin po ang mga videos do'n. Thank you!

https://www.youtube.com/watch?v=SdN2OZJDWC8 or simple search Fiona Queen.

Unedited

"PARE pustahan tayo?" wika ni Agusto sa kababata at matalik na kaibigan na si Simeon habang ang mga mata ay nakatunghay sa dalawang bata na naghahabulan sa malawak na bakuran. Ang anak niyang si Maxine ay may hawak-hawak na manyika. Samantalang ang anak naman ni Simeon na si Denver ay may hawak-hawak na laruang eroplano. Limang taon si Maxine at nasa anim taon naman si Denver. Sinulyapan naman ni Simeon ang tinitingnan niya.

"Payag ako Pareng Agusto. Isang libo. Mag-a-away ang mga iyan mayamaya." Ani Simeon. Nang sulyapan niya ang kaibigan ay nakangisi na ito habang nakatunghay sa kanya. Alam na siguro nito kung ano ang iniisip niya. Iiling-iling naman siya. Mukhang matatalo siya rito kapag ipinagpatuloy niya ang pustahan na iyon.

"Sige kumpare. Pass muna ako ngayon. Saka na lang ako makikipagpusta." wika niya na ikinahalakhak naman ng kaibigan. Nagbago ang isip niya na makipagpusta rito dahil alam naman niya ang magyayari. Kapag ipinagpatuloy niya ang pustahang iyon ay alam niyang matatalo siya. Sayang pa naman ang isang libo kapag nagkataon. Pambili na lang niya iyon ng manyika ng anak.

"Ayaw mong ituloy ang pustahan natin. Dahil alam mong mata—

Hindi na natapos ni Simeon ang sinasabi ng marinig nila ang palahaw ng anak nitong si Denver. Sapo ng bata ang noo ng sulyapan nila ito at base sa nakikita nilang dalawa ay alam nilang kung ano ang nangyari. Alam nilang binato ito ni Maxine ng Manyika sapagkat nasa paanan na ni Denver ang naturang laruan na hawak-hawak kanina ni Maxine. Wala sa kanilang dalawa ang lumapit para awatin at aluin ang mga ito. Sanay na kasi silang dalawa d'on. Parang sirang plaka lang iyon. Paulit-ulit na nangyayari.

"Tama ka kumpare. Ayokong ituloy dahil alam ko naman na matatalo ako." nakangiting wika niya. Para kasing aso at pusa ang mga anak nila. Una ay magkasundo ang dalawa pero mayamaya ay nag-aaway na ang mga ito. Tulad ng nangyayari ngayon.

"Kalalaki mong tao ay iyakin ka." anang limang taong gulang na si Maxine kay Denver.

"Hindi ako iyakin. Binato mo kasi ako ng Manyika mo eh, masakit kaya iyon." pagtatanggol naman ni Denver sa sarili.

Lumabi ang anim na taong gulang na si Maxine. "Naiinis ako sa'yo eh, ayaw mong pahiram sa'kin iyong laruang eroplano mo. Ang damot-damot mo pa." patuloy na wika ni Maxine. Habang patuloy na nakikinig sa argumento ng dalawang bata ay nagkatinginan silang magkakaibigan. Parang naiisip nito kung ano ang iniisip niya sa oras na iyon base sa kislap ng mata nito.

"I know what is in your head?" aniya kaya Simeon.

"And what is it? A zombie?" biro nito sa kanya. "But seriously, Agusto. I know what is in your head too." nangingiting wika nito.

"So?"

"Okay. Pumapayag ako."

He smiled with triumph. "When the right age, and the right time. My daughter and your son will get married." nakangiting anunsiyo niya rito.

"Sure." anito, saka nito kinuha ang baso na nakalapag sa mesa. "Toast with that, my future Kumpadre."

"For my future, Kumpadre." wika naman niya bago nila pinag-umpog ang mga baso na hawak nilang dalawa. Nakangiting sumimsim siya sa laman ng baso habang nakatingin siya sa dalawang bata na hanggang ngayon ay hindi pa tapos sa pag-aargumento.



Bride Wannabe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon