Unedited
SHOCK was written on Maxine face when Denver claims her lips without permission. And for being shock her eyes grew wide. Nang bumaling kasi siya sa gawi nito ng tawagin nito ang pangalan niya ay ang mukha nito ang sumalubong sa kanya. Her eyes grew wide again when she felt Denver lips starting to move on her lips. Right at the moment, she felt butterfly in her stomach. Samot-saring emosyon din ang nararamdaman niya sa sandaling iyon habang magkahinang ang mga labi nila. At hindi niya alam kung anong emosyon ang yayakapin niya. And she had to admit that Denver was a good kisser. Dahil may kakayahan itong patugunin siya sa halik na ipinagkakaloob nito sa kanya. Kung kanina ay nanlalaki ang mata niya dahil sa pagkabigla. Ngayon ay unti-unti namang pumipikit ang mga mata para namnamin ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Naramdaman niya ang isang kamay nito na pumaikot sa baywang niya. At ang isang kamay naman nito ay pumaikot sa batok niya para pailalimin ang halik na ginagawad nito. Napakapit si Maxine sa balikat ni Denver para kumuha ng suporta ng maramdaman na tila nanlalambot ang mga tuhod niya kahit nakaupo siya. Tila may nagkakarerahan din sa kanyang dibdib sa lakas ng dagundong niyon. Ganunpaman, ay hindi pa rin niya maipagkakaila sa sarili na nagugustuhan niya ang halik na iyon. Tila nasa ibang dimensiyon siya habang nasa bisig siya nito at patuloy pa rin siyang hinahalikan. Gusto sana niyang mag-protesta ng pakawalan nito ang labi niya. Napatitig siya sa mukha ni Denver hanggang sa mapakunot-noo siya ng unti-unting ngumisi ito ng tumingin ito sa harapan nila. Sinundan naman niya kung ano ang tinitingnan nito para lang manlaki ang mata sa gulat kung ano o mas tamang sino iyon? Papalayong pigura kasi ni Gabby ang nakita niya. At nasisiguro niyang nasaksihan nito ang pangyayaring naganap sa kanila ni Denver kani-kanina lang. Gabby was her suitor. Masugid niya itong manliligaw. Mahigit isang taon na itong nanliligaw sa kanya. At sa loob ng isang taon na iyon ay talagang pursigido itong makuha ang matamis na oo niya. Alam din niya sa sarili na seryoso talaga ito. Dahil kahit maraming nagkakarandapa rito. Kahit maraming mga babaeng gustong pumila pansinin lang ni Gabby ang mga ito ay sa kanya pa rin ang atensiyon ng binata. Kahit lagi din umeeksena si Denver para guluhin sila ay wala pa rin epekto iyon rito. Patuloy pa rin ito sa panliligaw. Pero buhat sa nasaksihan nitong kissing scene ay nasisiguro niyang titigil na ito. At kasalanan iyon ng bruho na ngayon ay ngisi-ngisi sa kinauupuan habang ito'y naka-dekwatro!
"We're quits, too."
Matalim ang mata na sinulyapan niya ito. Pero wala pa ring epekto iyon rito dahil nakapaskil pa rin ang nakakalokong ngiti sa labi nito. Isang matalim na tingin ang ginawad niya rito bago siya tumayo para talikuran ito. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalayo ng mapatigil siya. Nakakuyom ang mga kamay na humarap siya kay Denver.
"Forgot something?"
"Yes."
"What is it?" Denver asked.
"This." ani Maxine sabay igkas ng kamao niya patungo sa mukha nito. Sapol ito sa mukha. "Now, we're quits!" Maxine hissed.
And she left Denver with anger.
-----
"SHIT!" mariing wika ni Denver sabay dampi ng kamay sa pumutok na labi niya habang nakatingin siya sa sariling repleksiyon sa maliit na salamin sa loob ng opisina ng kaibigan na si Yvann. Kasama din nila ang kaibigang si Miguel sa loob ng opisina ni Yvann. Idinampi-dampi niya ang kamay sa labi na tila Cold compressor iyon. Hinding-hindi din makakalimutan ni Denver kung sino at kung ano ang dahilan kung bakit nasugatan ang labi niya. Kung bakit namutok iyon. Oo, aaminin niyang may kasalanan din siya kung bakit nangyari iyon sa kanya. Aminado naman siyang medyo out of line iyong ginawa niyang paghalik kay Maxine bilang ganti sa atraso nito sa kanya noong nakaraang araw ng guluhin nito ang date niya kay Samantha. Noong magpanggap itong may relasyon sila at malapit ng ikasal. Isang halik ang naisipan niyang iganti rito ng Makita niya si Gabby ang dakilang manliligaw ni Maxine na nagjo-jogging patungo sa direksiyon nilang dalawa. And without any hesitation—bigla niyang isinagawa ang naisipan na plano para makaganti sa dalaga. Bigla niya itong hinalikan sa labi. And he had to admit to herself that the kissed they share are different. Kakaiba iyon sa lahat ng babaeng nahalikan na niya. Hindi lang niya maipaliwanag sa sarili kung bakit sa tingin niya ay kakaiba iyon. Gayunman, nasisiguro niyang kakaiba talaga ang halik na iyon.
BINABASA MO ANG
Bride Wannabe (Completed)
Romance"Ang sarili kong puso ang nagdikta na mahalin kita..."