Chapter Ten (Finale)

12.8K 400 31
                                    


Hi! If you have time, kindly visit my youtube channel and subscribe na rin po. Watch niyo na rin po ang mga videos do'n. Thank you!

https://www.youtube.com/watch?v=SdN2OZJDWC8 or simple search Fiona Queen.

"MAHAL KA ni Denver."

Namilog pa rin ang mata ni Maxine ng marinig ang sinabing iyong ng kaibigan ni Denver na si Miguel. Nagulat nga siya pagbaba niya ng hagdan ay bumungad sa kanya ang nagga-gwapuhang kaibigan ni Denver na sina Warren, Miguel at si Yvann. Ito pala ang bisitang sinasabi ng Mommy niya ng tawagin siya nito sa kwarto. Hindi siya umimik sa halip ay nakatitig lang siya sa mga ito. Wala kasi siyang ibang maapuhap na sasabihin.

"Simula pa lang ay alam na namin ang espesyal na nararamdaman sa'yo ni Denver kahit pilit niyang itinatanggi iyon sa'min. Kahit pilit niyang itinatanggi iyon sa sarili niya." si Miguel pa rin ang nagsalita. "Masyaso siyang obvious pagdating sa nararamdaman niya sa'yo. Mantakin mo bang sa gitna ng pinaka-importanteng meeting. Imbes na makinig siya? Ang paghahanap ng contact number ng isang fastfood chain ang inaatupag niya. Nag-aalaala daw siya sa isang babae. Baka hindi pa daw ito nag-a-almusal sa oras na iyon." pagku-kwento ni Miguel. God! Naalala niya iyon. Hindi makapaniwala si Maxine na inuuna talaga ni Denver na hanapin ang contact number ng fastfood chain kaysa importanteng meeting! So, ibig sabihin mahal na siya ni Denver noon pa! May sayang biglang naramdaman ang puso niya dahil sa naririnig niya sa kaibigan mismo ni Denver. Hindi din mapigilan ni Maxine ang mapaluha sa sayang nararamdaman sa oras na iyon. Nagpatuloy si Miguel sa pagku-kwento. "Mayroon pa. Imbes na Autocad ang pagkaabalahan ni Denver. Ang pagre-research sa cellphone nito kung paano lutuin ang paboritong pagkain ng espesyal na babae ang pinagkakaabalahan nito."

"At isa pa." sa pagkakataong iyon ay si Warren ang nagsalita. "Inuuna pa niyang ipagluto ka. Kaysa pumasok sa trabaho at um-attend sa importanteng meeting."

"See our point, Maxine? Mas inuuna ka pa ni Denver kaysa iba. Dahil mahalaga ka sa kanya. Dahil mahal ka niya. Dahil kahit sa kabila man ng pagbabangayan ninyo. Sa kabila ng pagiging aso't pusa niya ay may itinatago ng damdamin sa'yo si Denver. Maaring hindi lang niya iyon masabi sa'yo. Ang mga lalake kasi masyadong mataas ang ego. Kahit may gusto na sa isang babae hindi pa masabi. Ipinaparamdam na lang sa kilos ang damdaming hindi nila masabi. Hindi mo ba iyon nararamdaman kay Denver? Hindi mo ba nararamdaman sa kilos ni Denver na mahal ka niya? O sadyang manhid ka lang at hindi mo iyon nararamdaman?"

Her tears kept on flowing in her eyes. Hindi siya manhid. Alam niyang mahal siya ni Denver. Nararamdaman niya iyon. Ramdam na ramdam ng puso niya ang pagmamahal na ni Denver sa kanya.

"O sadyang hindi mo lang mahal si Denver kung kayat hindi mo pinapansin ang nararamdaman niya para sa'yo Maxine?" si Warren pa rin ang nagsalita.

"That was not true!" Maxine hissed. "Hindi totoo iyan. Because God only knows how much I love him. How much I love Denver. Because I can do anything and everything to make him happy." mariing wika ni Maxine. Bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay totoo. Na para bang ang puso niya ang nagsabi niyon.

"In that case? Bakit ka umatras sa kasunduan? Alam mo bang nagpakalunod si Denver sa alak maibsan lang ang sakit sa puso niya? Alam mo bang humagulhol siya ng iyak dahil sa umatras ka sa kasunduan ng ama ninyo? At sa isiping mawawala ka ng tuluyan sa buhay niya. God only knows din Maxine kung gaano ka kamahal ng kaibigan namin. Ngayon lang din siya namin nakitang umiyak dahil sa isang babae? He was damn afraid of losing you, too. Hindi din namin kasi siya masisisi dahil kapag kami ang nasa sitwasyon niya ganoon din ang gagawin namin." mahabang pahayag ni Warren.

Nakaramdam si Maxine ng paghihina sa kaalamang iyon. Hindi niya sukat akalaing nasaktan niya ang lalaking minamahal sa akala niyang tamang desisyon.

Bride Wannabe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon