Chapter five

9.5K 185 1
                                    


Unedited

"WOW!" namamanghang bulalas ni Maxine ng ilibot niya ang mata sa loob ng bahay ni Denver pagkapasok na pagkapasok nila sa loob. Maganda kasi ang pagkakadesinyo sa bahay nito. Sa labas na nga lang ay nagandahan siya. What more pa kaya sa loob ng bahay? Kung ira-rate niya ang bahay nito ay baka lagpas sa sampu ang ibibigay niya. Because Denver house was indeed beautiful. The whole interior of the house was beautiful. Kulang na nga lang ay lumuwa ang mata siya sa sobrang pagkamangha sa nakikita niya. Talagang pinag-isipan at binusisi ng maigi ang pagdi-disenyo niyon. Loob man at labas ng bahay. "Bakit hindi mo sinabi na ganito pala kaganda at kalaki ang bahay mo?" tanong niya kay Denver ng sulyapan niya ito. Hindi ito sumagot sa tanong niya. Kaya muli siyang nagpatuloy sa pagtatanong. "Pang-ilan ako sa babae na nakaapak rito sa bahay mo?" out of the blue na tanong niya.

"Wala akong dinadalang babae rito." sagot nito.

"Oh really?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Don't presume too much, lady. Hindi ko gustong may ibang babaeng pumupunta sa bahay ko." anito, habang ibinababa nito ang dala nitong mga gamit niya.

"Oh really?"

Hindi nito pinansin ang pag-aasar niya bagkus ay umupo ito sa couch sa may sala at minamasahe ang mga braso.

"May balak ka bang tumira rito habang buhay, ha, Maxine?" tanong nito kapagdaka habang patuloy nitong minamasahe ang braso nito.

"Hmm...bakit mo naman naitanong?" natanong niya kahit alam naman niya kung ano ang ibig sabihin nito.

Hindi sumagot si Denver. Sinulyapan lang nito ang dalawang maletang dala niya na bitbit nito kanina. "Kasi base sa dala mong gamit. Imbes na pang-isang buwan parang pang-isang taon ang mga iyan. Or rather panghabang-buhay pa. Dinala mo na yata ang lahat ng laman ng cabinet mo? Parang balak munang tumira rito ah."

Ngumisi si Maxine. "Masyado ka namang exaggerated, Denver. Wala pa ngang kalahati sa mga gamit ko sa bahay ang dala ko ngayon. Siyempre kailangan maging handa parati 'no?"

"May swimming pool din ako. May dala ka bang two piece?"

Pinigilan ni Maxine ang sarili na sulyapan ng matalim si Denver sa sinabi nito. "Of course! May dala ako. Lagi nga akong handa, remember?"

Ngumisi ito. "Okay." anito saka tumayo. Kinuha muli nito ang mga gamit niya na inilapag nito sa sahig kanina. "Follow me, Maxine. And I'll show you your room."


---------------

KAHIT hindi masyadong nakatulog si Maxine kagabi ay maaga pa rin siyang nagising. Ganoon naman talaga siya. Kahit puyat o hindi basta tumunog ang cellphone niya na laging naka-alarm sa oras ng alas sais ay bumabagon na siya. High school pa lang siya ay routine na niya iyon. Ang gumising ng maaga. At ang lagi niyang pinupuntahan ay ang kusina. Hindi para kumain ng breakfast ng maaga o magtimpla at uminom ng gatas o kape. Kundi para panuorin si Manang Carmen sa pagluluto nito. Biniyayaan siguro siya ng angking kagandahan, talento sa ibang bagay. Pero hindi siya biniyayaan sa angking galing sa pagluluto. Na kahit anong gawin niya. Kahit anong tiyaga niya sa pagmamasid at pakikinig sa mga turo ni Manang Carmen tungkol sa pagluluto ay wala pa ring silbi iyon. Lagi pa rin palpak ang mga niluluto niya. Ilang beses siyang sumubok. Ilang beses siyang nagluto. Pero sa ilang beses na iyon ay wala pa ring nangyayari. Kung hindi maaalat ang mga niluto niya. At matabang naman iyon. Kung hindi hilaw ay sunog naman. Hanggang sa sumuko siya. Masyado na siyang trying hard sa pagluluto hindi naman nag-i-improve. Kaya nagti-tiyaga na lang siya panuorin si Manang Carmen sa paraan ng pagluluto nito.

Bride Wannabe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon