Chapter Eight

8.3K 170 5
                                    


PAKANTA-kanta si Maxine habang abala siya sa paghihiwa ng mga rekadong gagamitin niya sa pagluluto. Maaga siyang nagising sa araw na iyon dahil gusto niyang ipagluto si Denver kahit simpleng ulam lang. Simula noong gabing nag-usap sila ni Denver ay naging smooth na ang pagsasama nila. Medyo nabawasan na rin ang pagbabangayan nilang dalawa. Hindi na iyon tulad ng dati na araw-araw yata ay nagbabangayan sila. Sa paglipas ng araw ay lalong lumalalim iyong damdaming umusbong sa kanya para sa binata. Mas lalo niya itong nakilala. Mas lalo niya itong minahal. Kaya ngayon gusto niyang ipagluto si Denver. Gusto niyang bumawi sa mga ginagawa nitong kabutihan sa kanya sa dalawang linggong paninirahan niya sa bahay nito. Sa dalawang linggong kasing iyon ay lagi siya nitong pinagluluto. At bilang ganti ay inaasikaso niya ito, pinagsisilbihan. Kung minsan nga siya ang nagpe-prepare ng gamit nito sa pagpasok sa trabaho. Hindi naman ito tumutol sa ginagawa niya kaya naisip niyang gusto nito iyon.

Napangiti si Maxine ng maalala iyong araw na tinuruan siya ni Denver kung paano magluto. Talagang step by step ay tinuruan siya nito. Tinuruan siya nito kung paano ang paraan ng tamang paghiwa, kung paano ang tamang paggisa at kung anu-ano pa na may kinalaman sa pagluluto. Well, kahit paano ay may kunti na siyang nalalaman. Sa katunayan, kaya na niyang magprito ng itlog at ng porkchop. Hindi tulad ng dati nang magprito siya ay palpak. Ang masasabi lang niya ay nag-improve na ng kunti ang cooking skills niya. At least kahit kunti may ipagmamalaki na siya kay Denver. At gagawin niya ang lahat ng makakaya para tuluyan na siyang matutong magluto para mapagsilbihan niya ng mabuti si Denver.

Dahil medyo lutang ang utak ni Maxine sa paglalakbay ng isipan niya. Hindi niya napansin ang hinihiwa niya. Nahiwa tuloy niya ang daliri.

"Aray!" daing niya. Pinisil ni Maxine ang daliring nasugatan. Napangiwi siya ng lumabas ang dugo roon. Napangiwi din siya ng maramdaman ang sakit sa kanyang daliri.

"Anong nangyari sa'yo?" narinig niyang tanong ni Denver. Nakatayo ito sa bungad ng pinto sa kusina. Mabilis naman niyang itinago ang kamay sa kanyang likuran. Nakita niyang nakakunot-noo itong habang nakatingin sa kamay niyang itinago niya sa kanyang likuran. Ayaw ni Maxine na ipaalam kay Denver na nasugatan siya sa paghihiwa dahil ayaw niyang mag-alala ito. At higit sa lahat ayaw niyang ipaalam rito na pati paghihiwa ay pumapalpak siya.

"Wala naman." pagsisinungaling niya. "I was busy preparing our breakfast." pilit niyang ngumiti kahit ang gusto niya ay ngumiwi dahil sa pagsisinungaling niya. Pero hindi pa nakontento si Denver sa sagot niya. Halata kasing diskumpiyado ito.

"May I see your hand?" ani Denver.

"Ha?"

"Patingin ng kamay mo?"

"Oh." aniya saka niya ipinakita rito ang isang kamay niyang walang sugat.

"No, the other one." anito na ang tinutukoy ang kamay niyang hanggang ngayon ay nakatago pa rin sa likod niya.

Nahimas ni Maxine wala sa oras ang kilay niya. Wala talaga siyang lusot kay Denver. Dahil wala siyang choice ay ipinakita niya rito ang kamay na may sugat na ngayon ay puno nang dugo.

Mabilis pa sa alas kwatro na nakalapit si Denver sa gawi niya. Ngayon ay nasa harapan na niya ito.

"What happened? Bakit nagkasugat ka? Are you okay?" sunod-sunod na tanong ni Denver sa kanya. There was a hint of concerned of his voice when he said that.

"I'm o-okay." ngumiti siya. Pilit niyang pinagtatakpan ang hapdi na nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagngiti.

"But I'm not okay." mariing wika nito. Nagulat si Maxine ng maramdaman ang galit sa boses ni Denver.

Bride Wannabe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon