WALANG kasidlan ang sayang nararamdaman si Maxine sa mga sumunod na araw. Paanong hindi siya sasaya? Tagos na tagos kasi sa puso niya ang ginagawang pag-aasikaso ni Denver sa kanya. He looked like a loving husband who pampered his wife. Asikasong-asikaso kasi siya ni Denver sa pananatili niya sa bahay nito. Ito pa nga ang nagluluto sa kakaininin niya.
She felt being loved and cared. Lalong nakadagdag iyong pagmamahal na nararamdaman ni Maxine kay Denver dahil ipinaparamdam nito sa kanya na espesyal siya para rito. Sa ginagawang nitong pag-aasikaso, sa pag-alala nito. Sa paraan nito ng paghalik at pagyakap sa kanya. Nararamdaman ng puso niya na pareho sila ng nararamdaman dahil sa ipinapakita at ipinaparamdam ni Denver. Ngayon ay sinusuklian niya ang mga ginagawa nito. Gusto kasi niyang ipakita at iparamdam sa binata na mahal niya ito kahit sa simpleng paraan lang na kaya niya. Gusto niyang ipakita kay Denver na mahal niya ito. Kaya lahat ng klaseng pag-aasikaso ay ginagawa niya sa binata.
Abala silang dalawa ni Denver sa pagluluto ngayon dahil may inaasahang bisita si Denver. Si Denver ang bahala sa pagluluto at pagtitimpla. Siya naman ang bahala sa paghiwa ng mga kakailanganin nilang sangkap sa niluluto nila. Darating kasi ang mga kaibigan at pawang mga kasamahan din nito sa trabaho. Kilala naman ni Maxine ang mga kaibigan ng binata. Na-meet na niya ang mga ito ng minsang pumunta ang mga ito sa Mugs coffee shop.
Pigil-pigil ni Maxine ang huwag mapasinghap ng maramdaman niya ang presensiya ni Denver sa kanyang likuran. Pigil-pigil din niya ang sariling huwag itong lingunin. Naramdaman niya ang paghawak ni Denver sa kamay niyang nakahawak sa kutsilyo mula sa likuran niya.
"Mag-focus ka sa hinihiwa mo. Baka ang daliri mo na naman ang mahiwa mo." wika ni Denver sa tapat ng tainga niya. Tumaas yata ang lahat ng balahibo niya ng maramdaman ang mainit na hininga nito na humaplos sa sensitibong bahagi ng tainga niya. At ang binata din ang nagmaniobra sa kamay niya sa paghihiwa ng mga sangkap na nakalapag sa chopping board. Nakangiting hinahayaan lang naman ni Maxine si Denver sa ginagawa dahil nagugustuhan naman niya iyon. Nagugustuhan niya ang init na nanggagaling sa kanyang likuran sa pagkakadikit ng katawan nila. At init na nanggagaling din sa kamay nito na nakahawak sa kamay niya.
"Naka-focus naman ako ah." nakangiting sagot niya sa binata kahit hindi nito iyon nakikita. Huminto si Denver at kinuha nito ang kutsilyong hawak at ibinaba nito iyon sa mesa. Iniharap din siya ni Denver.
"O, o, anong gagawin mo?" tanong niya kay Denver ng lumalapit ito sa kanya. Gustuhin naman niyang umatras pero hindi niya magawa dahil ang likod niya ay nakasandal na sa dining table. Itinukod pa ni Denver ang mga kamay sa mesa. Para tuloy siya nito naikulong sa mga bisig nito. Kumakabog na naman ng malakas ang dibdib niya. At tanging si Denver lang ang nakakapagpakabog ng ganoon sa kanyang puso. Hindi naman na siya nagtataka kung bakit ganoon ang kabog ng dibdib. Siyempre, may espesyal na nararamdaman ang puso niya para sa binata kaya natural na iyon ang maramdaman niya. Hiniling ni Maxine na sana hindi na lang maputol ang magandang sandaling iyon sa pagitan nilang dalawa ni Denver. Pero hindi dininig ang hiling niya dahil nakarinig sila ng sunod-sunod na pag-doorbell.
Kahit hindi niya gusto ay wala siyang nagawa kundi itulak palayo si Denver. "Mga kaibigan mo na siguro ang mga iyan." aniya kay Denver.
Lihim siyang napangiti nang makita niya itong napasimangot. "Mga istorbo talaga ang mga ito." mahinang wika nito pero umabot naman iyon sa kanyang pandinig. Hindi tuloy napigilan ni Maxine ang kiligin sa sinabi nito.
"Puntahan mo na sila. Ako muna ang bahala rito." sabi niya.
"Are you sure?" tanong nito. Parang ayaw pa siyang iwan ni Denver roon.
BINABASA MO ANG
Bride Wannabe (Completed)
Romance"Ang sarili kong puso ang nagdikta na mahalin kita..."