Chapter Three

8.8K 168 0
                                    


Unedited

TAHIMIK lang si Maxine at Denver sa isang tabi habang pinapakinggan nila ang mga ama nila na masayang nagku-kwentuhan. Nasa hapag-kainan silang lahat. Maaga din dumating ang pamilya Gonzalez sa kanilang tahanan.

Hindi sinabi ni Maxine sa mga magulang na alam na niya ang dahilan kung bakit magkakaroon ng salo-salo ang kanilang pamilya. At kung ano ba ang i-a-anunsiyo ng mga ito sa kanila. Gusto kasi niyang ang mga magulang ang kusang magsabi sa kanya tungkol doon. Pero laking dismaya niya ng wala pa ring sinabi ang mga magulang tungkol sa salo-salong iyon. Napatingin siya sa gawi ni Denver ng maramdaman niya ang titig nito sa kanya. Nang magtama ang mata nila ay tinanguan siya nito. Alam niya kung anong klaseng tango iyon. Gusto nitong ipaalala sa kanya ang napag-usapan nila isang araw na ang lumilipas noong pinuntahan siya nito sa opisina niya sa Mugs Coffee shop. Iyong sinabi nito sa kanya na ipinagkasundo sila sa isa't-isa ng mga tatay nila. Napahigpit ang pagkakahawak ni Maxine sa hawak na tinidor ng maalala ang napag-usapan nila ni Denver. Lalo na iyong sinabi nitong hindi daw siya kaakit-akit sa paningin nito. Iyong sinabi nitong masyado siyang plain, madaldal at para siyang amasona. Talagang nilait-lait siya nito sa harap pa niya mismo. Ibayo nga'ng pagtitimpi ang ginawa niya sa sarili sa oras na iyon para lang hindi niya ito masaktan. Mabuti na nga lang ay nagtagumpay siya. Kung hindi...baka nasa kulungan na siya ngayon. At naghihimas ng rehas.

Tumingin siya sa gawi ng ama ng tumikhim ito. Nakita niyang nagtinginan ang dalawang magkaibigan bago ito nagsalita. Tahimik lang naman sa tabi ang mga ina nila ni Denver.

"Denver, Maxine." banggit ng ama sa pangalan nila. "Narito tayo lahat dahil may i-a-anunsiyo kami sa inyo ni Pareng Simeon." pagpapatuloy ng ama niya. Tahimik lang naman sila ni Denver habang nakikinig sa sinasabi ng Ama. Nang sulyapan niya ito ay blanko ang ekspresiyon ng mukha nito habang nakatingin ito sa Ama niya. "Mga bata pa kayo ay may napagkasunduan kami ni Pareng Simeon at iyon ay ipagkasundo kayo." dagdag ng ama niya.

"Ngayon nasa tamang edad na kayo. Gusto naming isakatuparan ang napagkasunduan namin ilang dekada na ang lumulipas. At iyon ay ang makasal kayo sa isa't-isa. Gusto naming kayo ang magkatuluyang dalawa balang araw." sa pagkakataong iyon ang ama naman ni Denver ang nagsalita na si Tito Simeon.

"Ang totoo po Dad. Alam na namin ni Maxine ang tungkol sa napagkasunduan ninyo ni Tito Agusto. Alam na namin ang dahilan kung bakit may salo-salo ang pamilya natin. Kaya hindi na kami masyadong nagulat ni Maxine." sabi ni Denver sa ama nito. Nanatili namang tahimik si Maxine sa isang tabi. "At napag-usapan na rin namin ang tungkol doon. Sa katunayan mayroon na kaming pasya tungkol sa napagkasunduan ninyo." pagpapatuloy ni Denver sabay baling sa kanya. "Hindi ba, Maxine?"

Sa pagkakataong iyon lahat ng mata ay sa kanya nakatuon. "Opo." tanging sagot lang niya.

"So, ano ang pasya niyo Maxine?" tanong ng kanyang ama sa kanya.

"Don't tell me to shut up! Because I can't shut up. Lalo na sa isiping ipapakasal ako sa magulang ko sa babaeng hindi ko gusto. Sa babaeng hindi ko pinagnasaan kahit katiting man lang. I really can't believe this." biglang sumagi sa isipan niya ang mga katagang iyon na binitiwan ni Denver sa kanya noong huling nag-usap sila. Napahigpit lalo ang pagkakahawak niya sa tinidor at kutsarang hawak niya.

Napaigtad si Maxine mula sa kinauupuan ng maramdamang sinipa siya ng marahan ni Denver sa ilalim ng mesa ng hindi pa siya sumasagot.

"You're not my type either. Masyado kang plain, madaldal, at para kang amasona. Kaya hindi ko gugustuhin na makasal tayo sa isa't-isa. As in never!" patuloy na umaalingawngaw sa kanyang isipan ang mga katagang iyon.

Bride Wannabe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon