Chapter seven

8.5K 187 2
                                    


Hi to @Gemsgei na laging nagbo-vote sa story ko. Thank you sa 'yo!


NAKAPALUMBABA si Maxine habang nakaupo siya sa baitang ng hagdan. Gabi. At madilim na madilim ang buong paligid. Hindi kasi niya binuksan ang ilaw. Gusto niya ang madilim na paligid habang siya'y mataman na nag-iisip. Hindi kasi dalawin ng antok si Maxine dahil sa gumugulo sa isipan niya. At sa pagbabago ng nararamdaman niya para sa binata. When Denver kissed her for the second time. Everything was change. Her feeling was also change. May umusbong kasi sa puso niya na kahit kailan ay hindi niya inaasahan na mangyayari. And that is falling in love with Denver. Hindi kasi siya estupida para hindi malaman kung ano ang nararamdaman niya. Kung ano ang nararamdaman ng puso niya para kay Denver. Ganitong-ganito kasi iyong nararamdaman ng bidang babae sa bidang lalake sa kwentong madalas na basahin niya. Ang pagbilis ng pintig ng puso, ang tila koryenteng nanulay sa buong sistema niya, ang madalas na pagsagi sa isipan niya kay Denver sa pagtulog man at paggising niya. Lahat ng iyon ay nararamdaman niya para rito. Lalong lalo na iyong halik na pinagsaluhan nilang dalawa noon na halos hindi nagpatulog sa kanya ng ilang araw. Ngayon, masasagot na ni Maxine iyong mga katanungan sa sarili sa kakaibang nararamdaman. Dahil sa paglipas ng mga araw na nakakasama niya si Denver ay minahal na niya ito. Minahal na ito ng puso niya.

Biglang naputol ang pagmumuni-muni niya ng biglang lumiwanag ang buong paligid.

"What are you doing here at this time, Maxine?" narinig niyang tanong mula sa likuran niya. Mariin na napapikit si Maxine. Heto na naman kasi iyong bilis ng tibok ng puso niya marinig lang ang boses ng binata. "Bakit gising ka pa?"

Bumaling siya sa kanyang likuran. Nakita niyang nakatayo si Denver sa itaas kung saan nakapwesto ang main switch ng ilaw. Naka sandong puti at naka-boxer short lang binata. Oh, god! He looks so...yummy!

"Nag-iiisip lang ako." sagot niya. Iniwas na niya ang tingin rito baka kung saan na naman lumakbay ang kanyang imahinasyon. Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya itong dahang-dahan naglakad palapit sa kanya.

"Nag-iisip ng ano?" tanong nito ng makaupo ito sa pangalawang baitang.

Kung ano ang gagawin ko sa kaalamang mahal na kita. "Nang anu-ano lang." na sabi na lang niya.

Tumawa ito. "Ikaw talaga." anito, saka hinilamos ang kamay nito sa mukha niya.

"Heh!" angil ni Maxine sabay tabig sa kamay nito.

Tumawa muli ito.

"But seriously, ano ang iniisip mo?" tanong ng binata kapagdaka sa kanya.

"Wala nga eh, bakit ba ang kulit mo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Makulit ka rin eh." anito,

"He-he." tanging nasabi na lang niya.

Saglit na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Isinandal naman ni Maxine ang likod sa gilid ng hagdan saka inilagay ang mga kamay sa tuhod.

"Denver?"

"Yes?" anito, ginaya din ng binata ang posisyon niya.

"Hmm...gusto ng mga magulang natin na makilala natin ang isa't-isa. Bago ang kasal. Kaya naisipan nilang pagsamahin tayo sa iisang bubong. Alam naman kasi nila na para tayong mga aso't pusa na laging nagbabangayan." umpisa ni Maxine. "Do you think this is the right time to..." Maxine paused for a while. "Give us a chance to know each other. You know?"

Bride Wannabe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon