PROLOGUE

11 2 0
                                    

Magkayakap silang natutulog ni Joshua ng parehas silang magising sa ingay sa labas. Kasalukuyan silang nasa barko para bumiyahe patungo sa Maynila papunta doon sa pamilya ng kanyang minamahal na nobyo.
  

Babangon sana siya para usisain kung ano ang mayroon ngunit pinigilan siya ni Joshua kaya inihigang muli.

“Hon, hayaan mo na sila. Dito ka lang sa tabi ko..”, at pinaghahalikan nga siya nito sa pisngi pati sa leeg. Nakikiliti siya sa ginagawa nito kaya muntik na siyang mapasigaw.

Pinipigilan niya ito ngunit wala iyon epekto. Palibhasay ngayon lang sila nagkasama ng ganito makalipas ang tatlong taon na pag-stay sa Saudi nito.

“Ikaw huh, umaabuso ka na niyan..”, tudyo niya dito ngunit ngumiti lang sa kanya at pumaibabaw ito ngunit bigla namang na out of balance dahil sa parang tumagilid ang kinalalagyan nila. Nahulog ang kasintahan sa baba kasabay niyon ay ang malakas na paghiyawan ng mga naroroon.

Pareho silang kinabahan. Pareho din silang napatakbo sa may pinto at nabigla sa nasaksihan. Tumagilid ang barkong sinasakyan nila.

“Wag niyong tatanggalin ang life jackets niyo!”, sigaw ng isang opisyal. Magkawak kamay nilang tinakbo ang loob kung saan sila naroon kanina para kunin ang life jacket.

Muling gumalaw ang barko. Mas lalong naghiyawan ang mga tao. Ang iba ay naririnig na niyang umiyak.

“Hon, isuot mo ‘to”, agad na inilagay sa kanya at inayos ni Joshua ang jacket.

Hindi pa man iyon tuluyang naayos ay hinablot niya ang isa pa para isuot sa nobyo ngunit bigla niya iyong nabitawan ng muling gumalaw ang kinatatayuan nila.

“Oh my God! Joshua ang life jacket isuot mo!!”, pautos niyang sigaw dito.

Pareho nilang pilit inaabot iyon ngunit bumalandra sa may tabi nila ang isang cabinet. Mabuti na lang at nakaiwas siya.

“Honey, nasaktan ka ba?”

Alalang tanong nito sa kanya.

“Hindi…ang life jacket mo”, saad niya ng tuluyan na niya itong maabot. Pagkasuot niyon ay gumapang sila pareho sa may pinto.

Nauna siyang lumabas habang nakasunod naman ito sa kanya. Ngayon lang niya napansin na malakas pala ang ulan sa labas.

“Halika na Josh!” hawak niya sa kamay nito ngunit bigla itong napasigaw ng mas lalong tumagilid ang barkong sinasakyan nila.

“Arrrayyyyy”, halos maiyak siya sa nakita niyang paa ng nobyo dahil naipit ito sa pagitan ng pinto.

“Diyos ko! Sandali ipipihit ko paitaas ang pinto Josh!” naiiyak at tarantang sabi niya.

“No honey, wala ng oras, sumama ka na sa kanila”, pakiusap nito sa nahihirapang kasintahan. Bakas sa mukha nito ang sakit na nararamdaman.

Pilit niyang ginagalaw ang pinto ngunit naglaglagan na ang mga luha niya ng hindi man lamang ito nagagalaw. Buong pwersa na niya itong ginagalaw ngunit wala man lang nangyari.

“Hindi! Hindi kita iiwan dito Josh. Makakaalis ka pa dito. Magkasama tayo. Hindi ako papayag na hindi kita makasama.”

Naghanap siya ng matigas na bagay na maari niyang magamit ngunit wala man siyang makita. Napapikit siya at nanalangin na iligtas sila pareho ng lalaking mahal niya ngunit nawala ang atensyon niya ng magsalita ang kasintahan.

“Hon, mahal na mahal kita. Please, umalis ka na.”

Napaluha ito siguro'y sa sakit na nararamdaman. Napahagulgol siya sa pakiusap nito. Hinding hindi niya gagawin. Matagal siyang naghintay sa pagbabalik nito at hindi ang trahedyang ito ang maghihiwalay sa kanila.

“No!”

Hsyterical na tugon niya sa pakiusap ng binata. May dumating na officer ng barko sa kanila at pilit nitong tinutulungan ang kanyang nobyo ngunit muling gumalaw ang barko.

Parepareho silang napaupo dahil doon maliban sa kanyang nobyo na nakadapa pa rin mula sa pagkakaipit nito.

“Pakiusap iaalis niyo siya dito!”

Sigaw nito sa isang opisyal at agad namang tumalima. Sunod sunod ang kanyang naging pag-iling sa kagustuhan nito.

Tiningnan niya ito sa mga mata upang ipaalam na nasasaktan siya sa gusto nito ngunit agad ding nag-iwas. Gusto na niyang magpapadyak ng hawakan siya ng opisyal.

“Ma’am kailangan na nating umalis dito wala ng oras”, hatak sa kanya ng lalaki.

Agad siyang nagpumiglas para mabitawan.

“Pakawalan mo ko. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko siya kasama!”

Ngunit tila ba walang narinig ito at pilit siyang binuhat nitong inialis doon.

“Kailangan na nating tumalon ngayon din!” nagmamadaling utos ng lalaki sa kanya. Halos hindi na din niya ito marinig sa lakas ng ulan na bumabagsak.

“Ayoko!”

Pilit niyang pagpupumiglas mula rito ngunit wala siyang magawa dahil wala na rin epekto ang ginagawa niya. Hanggang sa unti-unti na siyang nanghihina. Basang basa na siya ng ulan. Paos na din siya sa kakasigaw ngunit hindi na niya nakita si Josh.

Ang nararamdaman niya ngayon ay masakit na masakit ang ulo niya. Malamang ay muli siyang tumama sa isang matigas na bagay kanina.

Namalayan na lamang niyang nasa tubig dagat na pala siya. Hindi niya alam kung papaano nangyari iyon.

Tanging naririnig niya ay ang mga iyak at hagulgol ng nasa paligid niya. Wala siyang maaninag. Masyadong madilim. Tinawag niya ng paulit ulit ang pangalan ng nobyo niya ngunit walang ng sumagot. Humagulgol siya katulad ng mga naririnig niya.

Unti-unti na siyang nanlalamig at higit sa lahat ilang sandali pa niyon ay tuluyan na siyang pinanawan ng ulirat.

ISLA DELA VEGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon