KABANATA 2

7 1 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalilipas mula ng bumalik siya sa Isla Dela Vega. Kasalukuyan siyang nasa dulo ng Costa Rico at nagpapahinga. Bukas ay magsisimula na muli ang trabaho niya sa resort. Dalawang taon siyang nawala. He stayed in England para asikasuhin ang ilang pag-aari nila doon.

Wala naman kasing ibang pwede niyang asahan kundi ang sarili niya. Wala siyang kapatid kaya lahat ng responsibilidad ay naiwan sa kanya. Gayunpama’y he’s doing very well. He made sure that he’s always updated sa Costa Rico. Ayaw niyang mawala ito sa isang iglap dahil ito lang ang alaala niya sa mommy niya.

Mula sa cabin ay kinuha niya ang kanyang gamit sa pagpipinta. Matagal siyang nawala but then, sa two years na iyon ay malaki na ang iginanda ng lugar. Naalala naman niya ang mommy niya. He painted for her. It is his way of not forgetting the past. Every memory of the past ay parang kahapon lamang nangyari. Masakit pa rin ng mawalan ng nag-iisang tao na pinahalagahan mo ng sobra-sobra.

Naalala niya ang masasayang araw na magkasama sila. She was always a mother to him. Walang ibang sumuporta sa kanya at nag-aruga kundi ang kanyang ina lang. Siya ang nag-iisang babae ng buhay niya.
Nang matapos niya ang canvass ay napangiti siya. Doon sa canvass ay ngiting ngiti ang mom niya. Parang buhay na buhay ang mata nito. Pakiramdam niya any muli itong nabuhay. He touched her face. He misses her. Napangiti siya sa nakikita. Dahil dito sa masterpiece niya ay parang kasama lang niya ang kanyang mom.

Iniwan muna niya ang painting sa stand at pumasok muli ng cabin. Alagang alaga ito dahik ibinilin niyang mabuti ito kay Miggy. Ayaw niyang mabalewala ang lugar na ito dahil ito ang pangarap ng yumao niyang ina.

Kumuha siya ng inumin sa fridge. Medyo natagalan nga lang siya sa loob dahil naalala niya ang report ng pinsan niyang si Miggy. Gusto niya iyong tingnan. Mabuti na lang at nahanap rin niya dahil nakasabay pala ito sa ibang documents na pipirmahan niya. Muli siyang lumabas para kunin ang canvass ngunit kumunot ang noo niya ng may isang tao ang naroroon sa may dinadaluyan ng tubig mula sa bukal paibaba.

Iyon ang mahigpit niyang ibinilin na bawal ang kahit na sinuman maliban kay Miggy at caretaker sa dulo ng resort dahil iyon ang lugar na kung saan siya naroroong mag-isa. Gusto niya ng privacy.

Ngayon lang niya nakita dito sa Costa Rico and babae. Malamang ay baguhan lamang iyon. Tila ba tuwang tuwa ito sa tubig habang nilalaro ng mga kamay nito ang tubig galing sa itaas.

Lalapit siya para kunin ang canvass dahil nasa gilid lamang iyon ng daluyan ng tubig. Baka mahulog kasi iyon at hindi niya gugustuhin.
Mukhang gumawa ng ingay ang paglapit niya dito at nabigla ang babae na kanina lang ay naroon sa paanan at agad naka-alis ito roon.
Nakita siya nito at agad na nagtanong. “S-Sino ka?”, nagulat ito sa tingin niya.

Hindi siya umimik at kukunin lang muna niya ang painting na nasa likuran na nito. Pero bago pa man niya iyon mahawakan ay bumagsak na ang canvass doon mismo sa tubig. Napatakbo siya ng mabilis ngunit basing basa na ang painting.

“What have you done!?”, sigaw niya doon sa babae.

Nabigla ito sa kanya ngunit galit tlaga siya dahil halos dalawang oras niya iyon ginawa at ngayon ay nasayang lang ito.

Hawak niya ang basang canvass at nanghihinang lumapit doon sa babae. “Alam mo ba kung gaano kaimportante sa akin ito huh!? Mas mahal pa ito sa buhay mo!”. Hawak hawak na pala niya iyon sa magkabilang  balikat.

“I-I’m s-sorry, hindi ko naman sinasadya. Hindi ko nakita iyon sa likod ko”, paumanhin ng babae ngunit hindi siya nadala sa sinabi niyon. Nananaig ang galit niya sa mga oras na ito. Halos tumagos ang kuko niya sa balikat ng babae. Masyado naging matindi ang kanyang emosyon. He almost can't control his anger.

Umaray ito at saka lang niya iyon biglang binitawan.

“Umalis ka na dito bago pa ako may magawa sayong masama.”

Napahawak ang babae sa balikat nito at maiiyak na pero wala siyang pakialam dito. “H-Hindi ko talaga sinasadya. Pasensya na.”

Tuluyan ng tumulo ang luha nito sa harap niya na ikinabigla niya. Ayaw niyang makakita ng babaeng umiiyak kaya tumalikod siya.

“Wag na wag ka ng magpapakita sa akin kaya umalis ka na”. Mahina niyang sabi ngunit bawat salita ay may diin.

He heard the woman sob. Napakuyom siya ng palad at siya na ang lumayo. Ayaw niyang makaramdam ng guilt sa ginawa niya. For sure he scared her. Kahit medyo may diatansya na ito mula sa kanyang kinatatayuan ay rinig na rinig pa din niya ang mahihinang hikbi nito.  Hindi na siya lumingon pa at dire-diretsong pumasok sa cabin with his jaw clenched.

*******************

It was already 11:00 in the evening pero hindi pa siya dinadalaw ng antok. Tulog na ang katabi niya, si Khea pero siya ay mulat na mulat pa din.

Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari kanina doon sa dulo ng resort. She wasn’t been afraid of something or someone from Isla Dela Vega before pero iyong kanina ay biglang nagpahina sa kanya.
She was scared at the moment he saw the man’s eyes. Nagulat siya na may tao pala doon. Tila ba tigre ang mata nito sa galit. Hindi naman niya alam na mayroon palang canvass doon na aksidente niyang nabangga kaya natumba.

Nagalit ang lalaki. Hindi man niya iyon kilala ngunit bigla siyang natakot ng hawakan siya nito sa magkabilang balikat. Magpa hanggang ngayon ay masakit pa rin. Sana lang ay hindi maglamat o kaya mamaga. Niyakap niya ang sarili. She closed her eyes at muli niyang naalala ang mukha nito.

ISLA DELA VEGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon