KABANATA 6

5 1 0
                                    

Naghugas muna siya ng kamay at nag-ayos ng konti sa wash room at pagkatapos ay dumiretso na siya sa opisina ng boss niya. Nakaupo ito doon. Nakatingin sa pintuan pagpasok niya, tila ba may hinihintay itong bisita. Sa pagkakaalala naman niya ay wala itong appointment ngayon.

Dumiretso siya sa mesa. She checked her boss’ schedule to make sure na wala talaga itong business meetings. Wala nga talaga.

She sat uncomfortably to start her day work. She’s going to open the computer ng pinigilan siya ng boss niya.

“Bakit po sir?”

“May pupuntahan tayo”, sabi nito while he was standing in front of her table and holding her hand na nakahawak din sa AVR. Nang mapansin niya iyon ay agad niyang inalis ang kamay niya doon. Para kasi siyang napaso.

“Po?” tanong niya muli.

“Bingi ka ba?” namimilog ang mata nito kaya siya biglang napatayo.

“Hindi ho sir.”

“Good” tumalikod na ito sa kanya at kinuha ang coat nito mula sa likod ng swivel chair. Siya naman ay kinuha ang bag at sumunod sa boss niya. Tinungo nila ang parking lot na kung saan nakagarahe ang kotse ito. Binuksan nito ang pinto ng kotse, habang hinihintay siyang makalapit.


Nakatayo lang siya sa gilid ng magarang kotse nito ng muli itong magsalita.


“Ano pang hinihintay mo? Nangangalay na ang kamay ko dito”, napadako ang tingin niya sa kamay nitong marahang nakahawak sa kulay itim na kotse at muli itong tumingin sa kanya. Inip itong napabuga ng hangin kaya naman kahit nahihiya siya ay sumakay na rin kaysa sumigaw pa ito.


Napahawak siya sa magkabilang braso niya dahil sa sobrang lamig sa loob. Napansin ito ng kasama niya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagbago ang reaksyon nito. Galit. Tumahimik na lang siya sa buong biyahe nila.

Nilalamig na siya, hindi siya sanay sa sobrang lamig at isa pa kumikirot ang braso niya, malamang ay dala ito ng napakababang temperatura. Nahihiya naman siyang magsabi sa boss niya dahil sa biglang pagbago ng reaksyon nito kanina.

Nakatingin lang siya sa labas. Makulimlim ang langit. Mukhang uulan. Napatingin siya sa katabi niya. Ang boss niya ay tutok na tutok ang mata sa daanan, konti na lang ang nasasalubong nilang sasakyan. Malayo na ang narating nila at wala siyang ideya kung saan sila papunta.


Ngayon lang niya napansin na hindi lang pala may hitsura ang boss niya kundi sobrang gwapo nito. Hindi na siya magtataka kung bakit karamihang empleyadong babae sa resort ay napapatili kapag nakikita ang boss nila, maski na nga si Khea ay sobrang fan nito.

Kaya lang sobrang seryoso naman nito sa lahat ng oras. Ni hindi pa nga niya ito nakitang ngumiti. Sa totoo lang natatakot siya rito at kinakabahan sa tuwing nalalapit sa kanya. Siguro nga’y dala ito ng nangyari sa may cabin. Ayaw na ulit niyang mangyari iyon.


Muli siyang napahawak sa braso niya. Ang mga mata niya ay tila bolang apoy tuwing nagagalit. Curious tuloy siya sa pagkatao nito at bakit ganito siya sa lahat ng oras. Gwapo nga ito pero sobrang sungit naman. Sigurado siyang mahirap itong pakisamahan. Paano kayang nakakatiis dito ang kanyang asawa?

Nabigla siya ng magsalita ito, “May mali ba sa mukha ko?” Paano nitong nalaman na nakatingin siya samantalang ni hindi man lang ito lumilingon.

“H-Hah…w-wala po sir”, nauutal siya lalo.


“So, nakatingin ka talaga sakin?” biglang tanong nito sa kanya. Tumigil ang minamaneho nito. He was now staring at her.


“No Sir! A-Am not s-staring at you!” napataas ang boses niya at namimilog ang mata sa kanyang pagkapahiya. Sunod-sunod ang kanyang naging pag-iling. Hinding hindi niya aaminin na nakatingin nga talaga siya rito.


Kumakabog ang dibdib niya, kung kanina ay nilalamig siya ngayon ay pakiramdam niya ay tutulo ang pawis mula sa kanyang noo.


He was just staring at her and, eventually he laugh?


Ang boss niya tumatawa? Mukha ba siyang nakakatawa? At take note hindi lang basta tawa. He was laughing harder. Mas lalo siyang nakaramdam ng pagkapahiya. Pakiramdam tuloy niya ay binuhusan siya ng mainit na tubig! Parang sumisingaw ng init ang tenga at pisngi niya.


Magsasalita pa sana siya kaso hindi niya ma-compose ang sarili niya. Ipinaandar na din nito ang kotse at itinuon niya ang mata sa labas ng bintana na hindi man lang tumitingin sa gawing kaliwa niya. Ayaw niyang mahuling nakatingin siya ng pangalawang beses. Ayaw na niyang madagdagan pa ang kanyang pagkapahiya kanina.

Pumasok ang kotse nito sa isang tila maliit na rancho. Mayroong bahay doon. Isang malaking bahay. Anong ginagawa nila dito? Business meeting ng boss niya? Meron bang meeting place na ganito para sa mga negosyante? Malayo na ito mula sa Costa Rico. At bakit pa siya isinama nito? Kunsabagay she’s is his secretary now. Hindi na naman siguro siya kailangan sa meeting.


“We’re here”, basag sa katahimikan ng Boss niya.


Binuksan niya ang pinto ng kotse at may isang may edad ng babae ang sumalubong sa kanila.


“Oh Ric, how are you? I miss you so much. Akala ko nakalimutan mo na talaga ako. Magtatampo na sana ako.” Yumakap ang babae sa boss niya, ganun din ito. Siya naman ay tahimik lang na nakamasid sa dalawa.


“I’m fine tita. I told you, bibisita ako”, muli nakangiti ang boss niya.


“Doon mo na sa garahe ipasok ang kotse mo, ‘wag dito sa labas, masyadong malayo sa bahay”, alok nito.

“Okay lang po tita, dito na lang ‘ho.”


“O siya sige kung yan ang gusto mo. Masaya ako at pinuntahan mo din ako.”


Tita niya pala ang babae, parang gusto na niyang umuwi. Bakit ba kasi isinama pa siya dito. Hindi naman ito kasama sa punishment niya eh. Pwede din siyang magpaiwan sa kotse na lang, ayaw niyang makadistorbo sa mag-tiyahin.


“Hij halika. Ric, hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?” bumaling ito kay Ric.


“Ah...Tita, this is Isa...I-Isabelle. This is my Tita Milagros, she’s a doctor, my mom’s best friend.” Pakilala ni Ric sa ginang.


“And?” tanong muli ng ginang. Mukhang may hinihintay pa itong kasunod sa pagpapakilala ni Ric sa kasama nitong babae.


Napadako ang tingin ni Ric sa kanya, ganun din siya. Ang ginang naman palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Magsasalita na sana si Ric ng biglang magsalita si Isa.

“Ahm...Dra. magandang araw po, empleyado po ako ni Sir Ric”, iniabot ang kamay ng dalaga sa ginang.

“Nice meeting you hija. Akala ko pa naman…” binitin ng babae ang sasabihin na ikina tingin ni Isa kay Ric.

“Ganoon din po ako Dra.”

“Anyway, let’s get inside…doon tayo magkwentuhan.” aya ng tita ni Ric sa salas.


Maganda ang korte ng bahay. Elegante at sobrang linis. Halatang alaga ito. Modern Spanish Era ang disenyo nito. Kakaiba ito kung titingnan dahil sa kombinasyon ng mga kulay at bagay na ginamit sa designs.

“Ah…sandali lang huh, magpapaluto ako ng paborito mong kare-kare”, excited na saad nito.

“Tita, ‘wag na ‘ho, maaabala pa kayo masyado.”, pigil ni Ric.

“No, hindi ka’yo nakakaabala. Kahit kailan Ric, alam mong welcome na welcome ka rito sa bahay…kaya magkwentuhan muna ka’yo riyan.”

ISLA DELA VEGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon