Umaga na ng makauwi siya sa bahay nila Khea. Masaya siya nitong sinalubong ngunit nagmadali itong ipasok siya sa kwarto nila.
"San kayo nanggaling ni Sir Ric!? Ang dami mong dapat ikuwento sa'kin. Grabe ka Isa, kunyari galit 'yun naman pala type mo si Sir Ric! Ano, may nangyari ba?" tatawa-tawang tanong nito sa kanya.
"Wala! Ano ka ba?!" ang dumi ng isip mo", saway niya sa bestfriend na tsismosa. Ito talaga, kung hindi lang niya ito kaibigan ay paniguradong kanina pa niya ito nasapak.
"'Wag kang sinungaling Isa, isusumbong kita kina Lola sige ka. Pasalamat ka hindi ko sinabi ang totoo kay Lola ng hinahanap ka kanina. Mabuti na lang at namalengke silang dalawa, kakaalis lang." Pang gu-guilty nito na effective naman. Nang makita nito ang kanyang reaksyon ay talaga namang nakangising aso ito. Naisahan na naman tuloy siya nito.
"Okay sige walang nangyari sa'min at lalong lalo na walang mangyayari. At pwede ba Khea, hindi ko type ang boss natin. Na-trapped lang kami ng ulan 'dun sa clinic ng Tita niya", paliwanag niya. Totoo naman talaga na hindi niya type iyong lalaking iyon.
Ang sama-sama kaya ng ugali. Talaga lang Isabelle ha? Eh ano ang tawag sa pagpapagamot sa'yo? Tsk! Dapat naman talaga niyang ipagamot ang braso niya dahil siya ang dahilan ng pamamaga nito.Hayss, kasalanan naman talaga niya. Kung hindi lang kasi siya masyadong matigas ang ulo ay hindi mangyayari ang ganito.
"Wah...ipinakilala ka na sa family miya?! Kinikilig ako...ang sweet naman ni Sir Ric, buti ka pa naunahan mo pa ako. Ang boyfie ko until now hindi pa ako ipinapakilala sa family niya." Nakita pa niya ang biglang paglungkot ng mukha nito. Alam naman niya na hanggang ngayon ay hindi pa, hindi niya rin alam ang tunay na dahilan kung bakit ayaw pa rin ng nobyo nito.
"Ano ka ba naman. Doctor 'yung tita niya. At hindi niya ako ipinakilala na girlfriend kundi empleyado. Ok!? Ipinagamot lang niya ako." Pagpapaliwanag naman niya rito. Mukhang kailangan na niyang sabihin ang buong kwento sa kaibigan.
"Ipinagamot? Bakit anong nangyari sa'yo Bessie? Maysakit ka ba?" nagaalalang tanong ng bestfriend niya na sinipat pa ang noo niya. "Buti na lang at magaling ka na." Pagpapatuloy pa nito. "In fairness, nag-alala din pala sa'yo si Sir Ric. Tingnan mo nga at pinagamot ka pa." Nakita pa niya na totoong kilig na kilig ito.
Hindi naman niya maililihim pa ang totoong nangyari dahil alam niya na kukulitin lang naman siya nito. Kaya nag desisyon na siyang sabihin na ang buong katotohana na talaga nga namang ikinabigla nito.
Matapos niyang ikuwento ang buong pangyayari ay nasa kanya ang simpatya ng kaibigan pero kalaunan ay hindi ito tumigil sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa big boss nilang si Ric Alejandro Dela Vega.
Ang masasabi lang niya ay parang isang nireregla ang lalaking iyon! Laging may mood swing. Ang bilis magbago ng timpla. Hindi niya ito maintindihan minsan dahil parang laging galit sa mundo. Gustong gusto na niyang matapos ang three months na parusa nito para hindi na siya mag-iisip pa sa kung anong mga isusunod pang ipapagawa sa kanya. He is handsome but he is not a boyfriend or husband material na tinutukoy ni Khea.
BINABASA MO ANG
ISLA DELA VEGA
RomanceDahil sa aksidenteng nangyari ay napadpad si Isabelle sa isang pribadong isla. Ngunit sa pagkapadpad niya doon ay nawalan naman siya ng alaala. Makikilala niya ang isang Ric dela Vega na punong-puno ng awtoridad. He made her stay with the island fu...