KABANATA 3

8 1 0
                                        

“Galit si Sir Miggy”, sabi ng isang katrabaho nila, si Alyssa.

“Tinatanong niya kung sino daw sa atin ang pumunta doon sa ipinagbabawal na lugar sa mga empleyado”, patuloy pa rin ni Alyssa.

Bigla siyang kinabahan. Malamang ay nagsumbong na ang taong iyon sa Manager ng resort. Hindi pa naman siya napagalitan dati ng boss niya dahil maganda naman ang performance niya pero ngayon ay malabong mangyari na purihin siya.
Ang bawal ay bawal at ang hindi niya pagsunod ang nagpahamak at magpapahamak pa sa kanya.

Papasok na sana siya sa opisina ng may lumabas, si Isaac. Waiter ito na pinsan ni Khea.

“Isa saan ka pa pupunta? Ang sabi ni Sir Miggy proceed na daw tayo doon sa function hall at nandiyan na daw si Sir Ric”, saad nito habang nasa kamay ang isang tray.

“Sandali lang kausapin ko lang si Sir Miggy”. Pagtataboy niya sana dito kaya lang nawalan siya ng pag-asa sa nalaman niya.

“Wala na si Sir Miggy diyan, pumunta na doon sa hall kaya tara na. Sunod na lang pala ako sa’yo dahil ibalik ko lang itong isang tray.” Akay sana nito sa kanya kaya lang dahik sa hawak nito ay tinalikuran na siya nito. Bigla siyang nanghina at sobrang kaba ang kanyang naramdaman dahil sa mga susunod na mangyayari na siya naman ang may sala.

Ngunit nangyari na. Kailangan niyang tatagan ang kanyang loob dahil ginawa niya ang bawala. She has to face the consequences for not following the company's policy. Pero sana ay pakinggan pa rin siya ng Diyos kahit na nagkamali siya.

Dumiretso siya sa hall. Naroroon na ang lahat. Pumasok siya at dumiretso sa bandang gitna ng karamihan. Lahat ay maingay. Kung anu-anong usapan ang ginagawa ng grupo na hindi naman niya maintindihan dahil may gumugulo sa kanyang isip.

Ang iba ay nagtatanong kung sino daw ang empleyado na hinahanap ni Sir Miggy. Iyon ang kahuli-hulinang bagay na ayaw niyang marinig.

“I think nandito na lahat so we can start for our short program this morning”, panimula ni Sir Miggy habang hawak ang microphone.

“Good morning ladies and gentlemen! I’m sure everybody knows why you are all gathered here. But, I would like to tell you that it’s not only about welcoming Mr. Ric Alejandro Dela Vega, our big boss is the very purpose, because this morning, he’s going to tell us the new plans for Costa Rico.”

Masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga empleyado sa manager ng resort. She must be celebrating with Costa Rico but she cannot help to applause hands. Para siyang lalong kinabahan.

“My dear ladies and gentlemen, let us welcome again for the second time our big boss, Mr. Ric Dela Vega”, announced ni Sir Miggy at lumingon ang lahat ng empleyado maliban sa kanya mula sa entrance ng hall na nasa likuran nila.

Bumukas ang pinto ng hall then they clapped their hands for the big boss. Sinundan niya ang tingin ng bawat isa. Tanging sa taong naglalakad lamang papunta sa stage nakatuon ang mata nila. Kasalukuyan itong nakatalikod mula sa crowd kaya hindi niya gaanong makita ang mukha nito.
Sumenyas si Sir Miggy sa kanila then everybody says “Welcome back Sir Ric!” Muling nagpalakpakan naman ang mga empleyado kabilang siya. Iniabot ni Sir Miggy ang microphone a nagulat siya sa pagharap ng pinagabutan niyon.

Parang gusto na niyang himatayin sa mga oras na ito. The man she messed up with is exactly her boss. Sana ay lamunin na siya ng resort sa mga oras na iyon. Ito ang huling gusto niyang isipin, na ang lalaking iyon ay ang kanyang boss.

“Thank you for the warm welcome and good morning! At last I’m back again to stay here at Costa Rico. It’s been more than two years already since I leave this place.” Lumingon ito sa paligid na animo’y kinikilala ang mga mukha.

ISLA DELA VEGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon