KABANATA 5

5 1 0
                                    

He can't sleep. It is already 1:00 in the morning pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Alam niyang nakakatakot siya kapag nagalit pero ni minsan hindi pa siya nanakit ng babae. Pero kay Isabelle, bakit? Nagsisisi siya.


He was feeling guilty sa nakita niya. Magang maga ang mga braso nito and to say the fact na pinapahirapan pa niya ang babae dahil sa pagsuway nito sa rules ng kompanya at higit sa lahat ay ang pagkasira ng obra niya na higit niyang iniingatan.

Nang makita niya kung paano ito matakot sa kanya ay hindi niya maintindihan ang sarili. Malamang ay habag lamang ito. Ang mga mata nito na animo'y nagmamakaawa sa takot ay umuukilkil sa kanyang balintatanaw ngayon.

Hindi niya alam kung paano pa iyon itatakwil sa kanyang isipan kung konsyensya ang kanyang kalaban. Pero hindi maaari na basta na lamang niya babalewalain ang nangyari. Ayaw na ayaw niyang kahit sino man ay gagawa ng katarantaduhan sa kanyang kompanya. He never tolerated anyone even before. Ang mali ay mali. Disiplina ang kailangan niya mula sa mga empleyado upang mapasunod niya ito ng tama.

And, not that woman would ruin his principles. Kagaya ng iba ay empleyado lang din ito kaya, rule is a rule and no one is exempted. Not even that woman.

Naipikit niya ang kanyang mata ngunit muli na naman lumitaw ang mukha nito kaya siya napabalikwas at napa upo. Maguumaga na at nawala ng tuluyan ang kanyang antok na lalo niyang ikinabwisit. Naiinis siya sa sarili niya ng hindi niya maintindihan.

************************

Maaga siyang nakapasok sa opisina kahit na medyo masakit ang kanyang sentido. Kailangan niya dahil malaki ang kanyang responsibilidad. Ayaw na ayaw niya din ang pumapalta because he can’t miss anything in the office. He had a lot to work on dahil sa development ng Costa Rico. Gusto niyang mas maging successful ang takbo ng kanyang company.


He wants fame and success kaya hindi maaaring sa kanyang empleyado lamang iasa ang lahat. Masyadong marami na rin ang inaasikaso ni Miggy kaya hindi pwedeng pati ito ay iatang pa rin sa kanya. He can’t be efficient if that’s the case.


Papasok na sana siya ng main building ng makita ang tambak ng mga naka plastic na basura sa likod nito. Medyo nag-init ang ulo niya dahil dapat ay kanina pa ito nadala sa tambakan. Ayaw na ayaw niya ng kalat at higit sa lahat nakakakita ng sandamakmak na basura.


Napabilis ang kanyang naging pag-akyat sa opisina ngunit bago pa man siya makarating sa pintuan ay nakasalubong na niya si Miggy na ngiting ngiti. Mukhang magandang maganda ang mood ng pinsan niyang bakla samantalang siya ay lalong nag-iinit ang kanyang ulo.

“Good morning Ric! Kumusta ang gising mo?”

Nangunot lalo ang noo niya dahil sa tanong nito. Hindi niya na lang ito pinansin at diretsong pumasok sa opisina. Nakita niya ang isang patong na forlder sa gilid ng lamesa at kinuha ito. Binasa niya ang unang pahina ngunit agad ding ibinagsak sa kanyang lamesa na agad naman nakita at nabigla si Miggy na kapapasok lang din ng kanyang opisina.


“Teka nga ano bang problema mo Ric? Kay aga aga ang init agad ng ulo mo. Nakakasira ng ganda alam mo ba ‘yun?” bunganga sa kanya ng pinsan niya habang patuloy ito sa pagsunod sa kanya.


Hindi niya ito masisisi, paano ba naman init ng ulo agad ang bungad niya rito. Hindi niya alam if it was because of headache dahil sa hindi siya nakatulog or the garbage na nakita niya kanina sa likod ng building kaya siya nanggagalit sa mga janitor.


Anyway, whatever it is, he was already annoyed.

“Bakit ba kasi hindi pa ipahakot sa garbage truck ang mga basurang nandoon? Ang kalat kalat!” sabay upo sa swivel chair.

“Teka nga, ulyanin ka na ba? Hindi ba’t ikaw ang nag utos doon sa driver na maghakot muna ng bamboo set? It’s your fault, don’t blame anyone, even me Ric!” pandidilat nito sa kanya.


He raised his two hands tanda ng pagsuko. How forgetful he was. Hindi niya ugali ang ganoon.


“By the way, until when will you be so hard with her? Kawawa naman yung tao, Janitress at Secretary kapag umaga at kapag gabi naman yaya? I think it’s enough Ric. Magaling naman yan sa trabaho, maaasahan at isa pa, mabait. Why so hard to consider a little?”


Miggy was staring outside the window’s office, so he did too. Nakita niya si Isabelle na buhat buhat ang garbage can na may kalakihan. Alam niya mabigat din ito para sa isang babae pero wala siyang pakialam.

She deserves it.

Iyan ang nararapat sa kanya sa pagsuway niya sa policy ng kompanya at pagsira sa canvass niya.


“Consider a little? Kaya ba niya nagawang sumuway sa policy ng Costa Rico because this company was too considerate?” bwelta niya kay Miggy.

“Yes, this company is too considerate kaya maraming empleyado ang tumatagal dito. You heard her side. Come on Ric, what you’re doing with Isabelle is more than a reprimand.”


“She deserves it.”


May diin ang kanyang sinabi pero pabulong lamang ito. Halos hirap lumabas sa lalamunan niya ng mga salitang iyon at hindi niya alam kung bakit, lalo na ng matanaw niya mula sa bintana ang pagkahulog at pagtilapon muli ng laman ng garbage can. Bigla siyang napabuhat sa kinauupuan.


“Where are you going Ric?” tanong ni Miggy na hindi man lang niya nilingon.


Napahawak si Isa sa braso niya. Matatapos na sana siya ng bigla niyang mabitawan at tumilapon ang hawak niyang basurahan. Mabigat kasi ito kaya hindi niya nakayanan. Sobrang nakakangalay sa maga niyang braso. Kukunin na sana niya ang garbage can ng biglang magsalita mula sa likod niya, ang kanyang boss.

“Let the janitor do that.” utos nito sa kanya. Nakita niya ang kunot na kunot na noo nito. Mukhang mainit na naman ang ulo ng boss niya. Agad siyang umiwas ng tingin dito ng magkasalubong ang mga mata nila. Lumapit ang may edad ng janitor at inasikaso nito ang nawasak niya.

“Pasensya na ‘ho kayo Mang Manuel, ‘di ko po sinasadyang malaglag ‘yan”. Hingi niya ng paumanhin sa matanda na kasalukuyang may dalang walis at dust pan.

“Naku iha, wala ka dapat ihingi ng pasensya, bakit ba kasi pinilit mo itong buhatin eh mabigat. Hindi mo talaga ito kakayanin. Sige na, ako na riyan.”

“Sige ho, salamat po.” Ng balingan niya ang kanyang masungit na boss sa may pinto ay wala na ito.

Napabuga siya ng hangin. Buong maghapon na naman niya makakasama ang boss niya na hindi man lang marunong ngumiti. Palagi itong galit sa mundo at seryoso. Hindi pa naman siya komportable sa loob ng opisina. Halos palagi siyang natataranta kapag naririnig ang boses nito.

ISLA DELA VEGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon