KABANATA 1

10 1 0
                                    

Lahat ng tao sa Costa Rico ay busy sa pag-aayos ng buong resort. Ayon sa kanilang boss ay darating daw ang kanilang big boss, ang may-ari ng halos kalahati ng buong Isla De La Vega na kinatatayuan ng isang malaking resort.

Kada empleyado ay may nakatalagang gagawin. Minsan lang daw umuwi ang may-ari at ang tanging nagpapatakbo ng Costa Rico ay manager nilang si Sir Miggy. Ayon sa kanyang mga katrabaho at kay Khea, ang bading daw nilang manager ay pinsan ng may-ari.

Kung mahigpit daw si Sir Miggy ay halos triple naman ang kahigpitan ng pinsan nito. Ni hindi man lang nga daw nila nakitang ngumiti ito kundi’y palaging seryoso. Hindi daw katulad ni Sir Miggy na mabait naman kahit papaano.

“Oi ikaw Isa bilisan mo na riyan. Kaydami pa nating gagawin”, sigaw sa kanya mula sa labas ni Khea.

“Oo malapit na sandali na lang ito”, tugon niya dito.

“Alam mo ba Isa na excited na ulit ako makita si Sir Ric?” tukoy nito sa big boss daw nila.

“Bakit naman? ‘Di ba ikaw na rin may sabi na hindi iyon marunong ngumiti”, paalala naman niya sa kaibigan.

“Hindi nga talaga. Ang gwapo niya kasi Isa kaya lang hindi man lang binigyan ng judgement ang gift ni Lord sa kanya. Kung pwede lang makipagpalitan ng mukha, kakausapin ko si Leynard ko para kunin ang gwapong gwapong mukha ni Sir Ric.” Sabay nitong hagikgik na napatampal sa braso niya habang kinikilig. Napangiwi na lang siya sa naging reaction nito pero agad naman itong natigil ng makita ang sarili niyang reaksyon na napapangiwi sa kanya.

“Ano ka ba Khea. May hitsura naman si Leynard ah”, tukoy niya sa boyfriend nito na katrabaho lang naman nila.

“Ah basta! Pero mas gusto ko pa rin ang Leynard ko 'no, mahal ko kaya iyon! Tara na nga ang bagal mo talagang kumilos kahit na kailan”, reklamo na naman nito sa kanya. Napailing na lang siya dito at sumunod na.

Sa paghahandang iyon para bukas ay paniguradong mahaba habang pahinga ang kailangan mamaya pagkatapos at alam na niya kung saan siya pupunta mag isa.

Tulad ng inaasahan ng kanilang manager ay magiging maganda ang kalalabasan ng kooperasyon ng kada empleyado. Ayos na lahat. Ready na talaga para bukas. Kahit kung siya ang tatanungin ay masasabi niyang mahusay ang management  ng Costa Rico. Isa itong malaking resort na kadalasang nandito ay mayayamang tao at dayuhan na nagmula pa sa iba’t ibang bansa. Lahat ng facilities ay pawang mamahalin kaya naman pati ang pagstay naman dito ay sobrang mahal.

May mga events din na ginaganap sa resort gaya ng weddings, business conferences, debuts, cocktail parties at maraming pang iba. Lahat ng empleyado na may pasok sa oras ng event ay masaya dahil malaki-laking tip din nakukuha nila. Palibhasa’y pawang matataas ang estado sa buhay ng customers ng resort.

Ang mga empleyado ay libre ang tirahan. Mayroon silang sariling quarters. Iba ang sa babae at lalaki. Kung sa pagkain ay sila na lang ang nag-aambag ambag para makatipid. Ang maganda kasi sa Isla De La Vega ay dinaig pa daw ang isang bayan dahil kumpleto na lahat. Mayroon itong sariling simbahan, health center, market at iba pa na magpapagaan sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga nakatira roon.
Napakalawak ng sakop ng Costa Rico dahil hindi lamang ito isang basta resort. Mayroon itong sariling park, ranch, napakalawak na garden at forest na matatagpuan sa itaas na bahagi ng Isla.

Halos treinta ang caretaker ng isla na pag-aari ng mga De La Vega ayon sa kwento pa ni Khea. Kada isa ay may mga lugar na pinangangalagaan para mas lalong gumanda ito. Ang mga caretakers ay pwedeng magtanim ng mga ikabubuhay sa likod bahay basta hindi lang papabayaan.

Maganda daw ang pakikitungo ng may-ari sa mga caretakers kaya naman walang problema pagdating sa responsabilidad. Ang mga anak pa daw ng mga ito ay maaring magtrabaho sa resort kaysa sa ibang bayan pa.

Maswerte ang pamilya ni Khea dahil ang mga magulang at lolo’t lola nito ay matagal ng caretaker ng mga De La Vega. Siya naman ay nakikitira lamang kila Khea. Halos mag-iisang taon na din siyang nandirito sa isla.
Ang kwento ng lolo ni Khea ay nakita daw siya nito doon sa dalampasigan na kung saan ay lugar na binabantayan nito. Natagpuan siya ng matanda ng walang malay. Nagkaroon kasi siya ng amnesia sa hindi malamang dahilan. Mula noon ay kinupkop na siya ng pamilya Barola.
Hindi pa rin niya maalala kung sino talaga siya. Wala namang naghanap sa kanya kaya nakapagdesisyon ang mga ito na pangalanan siyang Isabelle Barola. Nang lumaon nga at kaya na niyang magtrabo ay nagdesisyon siyang pumasok din sa resort na pinagtatrabauhan ni Khea.
Halos kasing edad lang niya ito at kahit pa nga’y hindi sila sabay na lumaki ay close na close na sila nito. Para na silang magkapatid kung magturingan. Wala kasi itong kapatid kaya siguro madali siya nito naging close.

Ala singko na ng hapon siya nakalabas. Umuwi siya agad para magbihis dahil nakaplano na kung saan siya pupunta. Paalala sa kanya ng Lola Mameng nila ay ‘wag na ‘wag daw siya pupunta doon sa bandang dulo ng resort dahil ipinagbabawal daw iyon sa mga empleyado ng resort. Wala namang mga customers ang pumupunta roon dahil masyado na iyong malayo. Sa kung ano ang dahilan, ang tanging sagot lang ng ginang ay ayaw daw ng big boss.

Dahil sa sadyang matigas siguro ang ulo niya ay sumuway pa din siya sa babala. Ilang beses siyang pumupunta ng mag-isa doon. Napakaganda kasi niyon. May isang cabin sa gitna na napapalibutan ng malalaking kahoy at mga bulaklak. Ang ganda talaga ng lugar. She was dreaming of that place. Sana ay magkaroon din siya ng ganoon. Masyado iyong tahimik. Higit sa lahat ang gustong gusto niyang puntahan ay ang daluyan ng tubig-tabang na nagmumula sa itaas na bahagi ng bundok. Bukal ang tawag doon sa pagkakaalam niya. Para itong isang falls kung titingnan. Dumadaloy ito papunta doon sa may garden hanggang doon sa dagat. May maliit na daluyan kasi doon.

Susulitin na niya ang araw ngayon na dalawin itong lugar. Tutal ay bukas nandiyan na ang amo nila at panigurado’y hindi na niya magagawang dumalaw pa muli at mamasyal dito.

Ngunit wala siyang ideya na hindi lang pala siya nag-iisa sa mala-paraisong lugar na iyon.

ISLA DELA VEGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon