narration; contains lowercase texts
bree
parang tangang ngingiti-ngiti si hyungseob doon sa isang sulok habang kami naman nitong si euiwoong ay abala sa pagkacut ng papers.
muli ko siyang binigyan ng pansin, nakangiti nga ang loko! konti nalang iisipin kong nababaliw na 'yan eh. malapit ko na siyang dalhin sa mental.
"tss" rinig kong sabi nitong katabi ko. sino pa ba? edi si lee euiwoong.
"hyungseob"
"huy hyungseob" ulit ko pa bago siya tuluyang humarap sa akin. lutang yata to. lutang na nakangiti
"anong nangyayari sayo? okay ka lang? para kang tanga dyan" inilapag ko na yung gunting doon sa table. kanina pa naman kami nag-gugupit at konti nalang ang natitira. kaya na 'yang tapusin ni euiwoong. yung mga mamalayo ang bahay nga naming kagrupo umuwi na.
"wala masaya lang ako" bakas sa aura niyang masaya talaga siya. halatang-halata naman.
"sus. dahil na naman ba yan kay arue?" umiling naman siya. "ewan ko. kapag masaya ba kailangan may dahilan?"
"oo naman!"
"hindi ko talaga alam pero parang nagkakaideya ako kung bakit ako masaya"
"bakit na pala?" tanong ko. parang nagdadalawang isip talaga siyang magsabi dahil sa pagtingin niya kay euiwoong.
"ichachat ko nalang sayo mamaya." tinignan niya uli si euiwoong bago lumapit samin para tumulong uli.
![](https://img.wattpad.com/cover/112202243-288-k422580.jpg)
BINABASA MO ANG
mental block | ahn hyungseob
Fanfic[COMPLETED] ❝wag mo ako iblock ah? ayoko pa mapunta sa mental❞ « hyungseob x reader » -•x•-•x•- pro-juice 101 #10 series start: 170614 end: 180602