finale

238 16 6
                                    

narration; bree

kinakabahan akong maglakad papasok sa kwarto kung saan nandoon si hyungseob. natatakot akong makita siya.



"hoy bree may balak ka bang pumasok?" reklamo sakin ni woojin habang hawak-hawak yung pintong isasara na niya yata. napapitlag ako at mabilis na pumasok sa loob.


"oy dali woojin ilock mo na baka biglang dumating yung halimaw" seryosong sabi ni haknyeon. ako naman itong parang tuod na nakatayo lang at walang balak lumapit kay hyungseob na nakatingin na sa akin. mas lalo akong naiiyak dahil nagagawa niya lang ngitian ako!



"di na yun magpapakita dito haknyeon. muntik na niyang mapatay oh" sabi naman ni jihoon at turo kay seob na nakasandal na sa headboard nung kama.



"anong tinatayo tayo mo dyan? lapit na!" tulak sakin ni jungjung dahilan para sumubsob ako kay hyungseob. potek nandito pala 'tong nga to?



"ayieeeeeeeh" MGA BADING! TIGILAN NIYO NGA AKO.



maya-maya pa ay nakaramdam na ako ngn haplos sa ulo ko napatingala ako sakanya at tanging ngiti lang ni hyungseob ang sumalubong sakin.



paano kaya niya nagagawang maging masaya habang may iniindang sakit?



"dahil sayo." rinig kong sabi niya at ako namang tong natigilan at napahawak sa bibig ko. doon ko lang narealize na malakas pala yung pagkakasabi ko.



"tara guys alis muna tayo" biglang sabi ni euiwoong. mabuti pa nga! hindi naman na namin sila pinagtuunan nang pansin dahil nakarinig narin kami ng paglock ng pinto.


"nakakainis ka!" sigaw ko sakanya saka iniub-ob yung mukha ko sa dibdib niya at doon nalang humagulgol. nakakainis naman talaga siya.



"anong ginawa mo sa sarili mo! bakit kailangang umabot sa ganito?" pero imbis na sumagot siya hinagod niya lang yung likod ko at marahan akong pinapatahan.



"tama ka. kasalanan ko kung bakit nandito ngayon"



"hoy! hindi kita sinisisi. ang sakin lang naman bakit kailangan mong isugal ang buhay mo p-para... sakin" halatang gulat si hyungseob sa sinabi ko.



alam ko. alam ko ang lahat.


"bakit kailangan mong sumama kay arue para maging safe ako? alam mo kung ano ang kaya niyang gawin hyungseob. alam mo yung condition niya. bakit kailangang ganun ang gawin mo kung marami namang ibang paraan at mas magiging maayos kung pinaalam mo sa akin."



bago kami makabalik ni euiwoong dito pagkatapos sabihing gising na si hyungseob nagawa niya pang ituloy yung kwento niya. ang tunay na dahilan kung bakit sumasama si hyungseob kay arue ay dahil sa akin. ayaw niya akong masaktan at wag mag-aalala kaya mas pinili niyang isikreto ang lahat, mas pinili niyang magparaya, mas pinili niyang masaktan ang sarili niya physically at emotionally kaysa ako.



"nag-alala ako sayo hyungseob. hindi mo ba alam na sa ginawa mo mas lalo akong nasaktan at nasasaktan? araw-araw nakikita ko kayo ni arue na masaya. hyungseob, mahal kita at sobra sobra akong nasasaktan." gusto kong hilain yung dextrose niya sa sobrang inis ko sakanya. imbis na icomfort niya ako ngayon bigla bigla nalang siya ngumingiti! ganoon nalang ba talaga ako kafunny?



"ulitin mo nga yung sinabi mo?" seryoso niyang baling sa akin.



"siraulo ka ba ha ang haba-haba nung mga sinabi ko tapos ipapaulit mo sa akin? magsama kayo ni arue!" sabi ko saka ko siya inirapan. panira ng moment.





"uy sorry na. yun lang naman kasi yung naisip kong paraan. saka bree, mahal din kita" ilang segundo ako natahimik, paano niya nasasabi yung salitang yan nang ganun ganun nalang? parang walang kahirap-hirap. ganoon nalang ba siya kashunga para hindi maisip kung ano ang epekto noon sa akin?



"feeling mo funny ka? ha ha ha ang funny. ewan ko sayo hyungseob aalis na ako. napadaan lang talaga ako dito—mahal kita bree."



"ano ba wag ka ngang magjoke sinabi eh!"



"mahal kita."


"AHN HYUNGSEOB!"


"MAHAL KITA KIM BAEREE!"


hindi ko pa nababawi yung sarili ko dahil sa isinigaw ni hyungseob nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan at iniluwa noon ang 99liners pati mga yuehua tropapips ni hyungseob.


may dala-dala silang letters na bubuo sa 'i love you baeree' may bouquet na lollipop nasisigurado kong lollipop yun! makakain. at mas lalong hindi nakaligtas sa paningin ko yung pizza na hawak-hawak ni jihoon.



pasimple namang lumapit si jihoon sa amin at iniabot niya kay hyungseob yung pizza. anong pakulo to? di ako nainform!


"so uhm bree?" basag ni hyungseob sa katahimikan. mula sa pagkakatingin sa mga kaibigan niya ibinaling ko ang atensyon sa kanya. maya-maya pa ay dahan-dahanniyang binuksan yung kahon ng pizza. hawaiian yung flavor niya—my all time most favorite pizza... pero may isang bagay na mas lalong nakakuha ng pansin ko.



"can i court you?" sabi ni hyungseob. napakagat naman ako sa labi ko sa sobrang bigla hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha mula sa mga mata ko.



walang niisang nagtangkang mag-ingay na para banag hinihintay nila ang susunod kong gagawin. ilang saglit lang marahan akong tumango saka niyakap si hyungseob ng mahigpit. at doon nalang ako nagsimulang makarinig ng mga mabibigat at malalalim buntong hininga.


HINDI SILA HUMINGA?!!?




"ano justin? guanlin? seonho? navideohan niyo ba ng mabuti?" guanlin? seonho? kailan pa sila nandito??


"oo. kuhang-kuha teka isesave ko na baka madelete pa" maski iyong pag-uusap nila ay hindi nakatakas sa pandinig ko.




"ahn hyungseob, i...shhh i love you more kim baeree"




-
pro-juice 101 #10 series
start: 170614
end: 180602

mental block | ahn hyungseobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon