narration; contains lowercase texts
bree
ilang minutong paghihintay nang tumunog yung doorbell namin kaya nagmadali akong binuksan 'yon expecting hyungseob will appear in front of me.
"hi" nakangiting bati niya sakin. hindi ako kaagad nagreact kaya iniangat niya yung dalawang supot na hawak ng magkabilang kamay niya.
anong ginagawa niya dito? what the fck ahn hyungseob.
"ah, oo nga pala ayaw mo akong nakikita." buti alam mo, kaya pwede ba umalis ka na.
pagsasaraduhan ko na sana siya ng gate nang biglang dumating si mommy.
"oh euiwoong nandito ka pala. binibisita mo ba ang anak ko? tuloy ka" derederetsong sabi ni mommy saka napalingon sa akin na ngayon ay nakaharang sa gate. "ikaw naman bree bakit di mo papasukin yang si euiwoong mukhang napagod yan papunta dito sa bahay"
"nako tita nakakahiya naman po, dinaan ko lang naman po itong mcdo sa kanya aalis rin po ako kaagad"
"pumasok ka na euiwoong kung gusto mo dito ka narin magdinner eksakto magluluto ako ng paborito mo" paborito ni euiwoong? oo nga pala. magluluto si mommy ng favorite ko, favorite din kasi ni euiwoong yung food na yun.
sinamaan ko lang si euiwoong ng tingin na pinapahiwatig kong mapapatay ko siya sa oras na pumayag siya sa invitation ng mommy ko.
"salamat nalang po tita, may lakad rin po kasi kami nung kaibigan ko. sa susunod nalang po" hindi nawala sa mga labi niya yung ngiti niya habang nagsasalita. at sa wakas tinantanan narin siya ng mommy ko at sinabihan nalang ako na pumasok kaagad kapag alis ni euiwoong.
"alam kong ayaw mo akong makita pero hindi naman ako nagpunta dito para manggulo. napag-utusan lang din, kaya heto. si seo—hindi ko kailangan niyan euiwoong, ibalik mo nalang yan sakanya okaya kayo nalang ang kumain" putol ko sa kanya. isasara ko na sana yung gate nang iharang niya yung sarili niya.
"hindi mo na alam kung kailan mauulit 'to o kung mangyayari pa ba talaga ulit bree. kaya please tanggapin mo nalang galing naman sa kaibigan ko yan na si hyungseob" saglit akong napaisip sa sinabi niya at di ko na namalayang hawak ko na pala yung dalawang supot at pinapanood na maglakad siya papalayo, kagaya nung ginawa niya noon.

BINABASA MO ANG
mental block | ahn hyungseob
Fanfic[COMPLETED] ❝wag mo ako iblock ah? ayoko pa mapunta sa mental❞ « hyungseob x reader » -•x•-•x•- pro-juice 101 #10 series start: 170614 end: 180602