060

381 18 18
                                    

narration; bree



sinikap kong huwag magpahalata kay mommy nang tuluyang magsink-in sakin 'yung mga pinagsasabi ni euiwoong. ano kayang nangyari para isugod si hyungseob sa ospital? ano na namang katangahan ang ginawa niya?





"mom, pwede bang sa ibang araw nalang tayo pumunta? may—" hindi na natuloy pa yung sasabihin ko nang may tumawag sa kanya, kinuha ko 'yung pagkakataon na 'yon para takasan si mommy. itetext ko nalang siya na may mahalaga lang akong gagawin.






halos hindi ako makahinga nang maayos nang makarating ako sa ospital na tinutukoy ni euiwoong. tama ako ng lugar na pinuntahan, the jeojang hospital kaya pala di na binanggit ni woong yung lugar. matic na! yayamanin si tropa eh. hindi ko pa nababawi yung paghinga ko sa sobrang hingal kakatakbo nang makarating ako sa harapan niya.





"nasaan si hyungseob? anong nangyari?" yan ang unang lumabas sa bibig ko na kahit hirap akong huminga sinikap kong magsalita.



"chill ka muna bree. breathe in breathe—gague anong chill? sa tingin mo ba may panahon ako magchill? NASAAN. SI. HYUNGSEOB." madiin kong sabi sa kanya. buhay ng kaibigan niya nakasalalay dito tapos sasabihan akong chill? gague ba siya. sabagay gague nga siya. we been knew.






napabuntong hininga nalang siya sa inasta ko at marahang nagsalita. "mahal mo na nga talaga" deretso sa mga mata ko ang tingin niya na may bahid ng kainosentehan. kung ganyan ka lang talaga noon woong, kung ganyan ka lang talaga.



pareho kaming natahimik ni euiwoong dahil sa sinabi niya kaya iniwan ko na siya doon at tinabihan si jihoon na kampanteng nakaupo sa sofa dito sa gilid. "ji, ano ba talagang nangyari?" tanong ko sa kanya pero tinignan niya lang ako at nagkibit balikat. bakit nga ba ako sa kanya nagtanong?






maya-maya pa ay dumating si haknyeon na may dala-dalang pagkain. hinarap ko siya nang matapos niyang ipamigay yung burger na binili niya. taray ni koya may pa-angels burger sa unang kagat, tinapay lahat.






pero hindi ko pa man nabubuka yung bibig ko nang magsalita siya. "wag ako bree si euiwoong nalang tanungin mo dahil siya lang rin naman nakakaalam ng bawat detalye" napairap nalang ako sa sinabi niya at padabog na tumayo. kainis. hanggang dito ba naman gumagawa ng sariling dahilan si euiwoong para makipag-usap ako sa kanya.




lumabas ako at dumeretso sa garden nitong ospital. umupo ako sa batong upuan habang pinagmamasdan yung kalangitan. maya-maya lang ay may tumabi sa akin gusto ko siyang paalisin dahil gusto kong mapag-isa pero baka hindi ko naman ito kilala kaya hindi ko nalang nilingon pa.






ano kayang nangyari kay hyungseob?







"salamat." halos matigilan ako nang marinig ang boses niya. bakit 'to nandito?




"salamat dahil sainyo narealize ko kung ano ba talaga ang pagmamahal." pagpapatuloy niya na ikinakunot ng noo ko. nilingon ko siya at doon na nagtama ang mga mata namin.



"wag kang mag-alala bree, the feeling is mutual" anong pinagsasabi nitong si euiwoong? the feeling is mutual? so narealize niyang hate niya rin ako dahil hate ko siya? ganoon ba yon. gusto ko siyang sagutin pero mas pinili kong pakinggan ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. first time niya 'tong mag-open up sa akin kaya hindi ko dapat sirain. at saka wala naman din akong masabi sakanya.




"nakakatawa na halos patayin ko lahat yung mga lalaking nagtatangkang lumapit sayo noon pero sa tingin ko, wala nang mas hihigit pa sa mga ginawa ni hyungseob para sayo. iba ang pagmamahal na ibinigay sayo ni hyungseob bree at nakakasigurado akong walang kapantay iyon." napakunot ako ng noo dahil sa pinagsasabi ni woong. ano na naman bang kalokohan 'to? mahal? mahal ako ni hyungseob? e diba mas pinili niya si arue kaya si arue ang mahal niya at hindi ako! isa lang ako sa mga nauto niya kung meron man akong kasama...






"sa tingin ko kailangan mo nang malaman lahat bree. hindi ginusto ni hyungseob na masaktan ka... kinailangan niya lang piliin si arue para sa kapakanan mo. handa siyang ilagay ang sarili niya sa kapahamakan para mapunta ka lang sa mabuting buhay."





"drop that euiwoong. wala akong naiintindihan pwede bang deretsuhin mo nalang ako! ayoko nang makipaglokohan sainyo niyang kaibigan mo. kitang-kita naman nating lahat na si arue ang gusto niya at hindi ko mapapantayan kung ano man yung nararamdaman niya kay ar--"






"makinig ka nga muna kasi!"





"e ang dami mong intro! hindi mo nalang sabihin yung pinupunto mo gusto mo pa akong pag-isipin. gulong-gulo na nga ako woong hindi ko nga rin alam kung bakit nandito ako ngayon. nakakainis kaya huwag ka nang dumagdag pa"






"okay then." good buti naman madali siyang kausap ngayon. magsasalita na sana siya ulit nang biglang dumating si haknyeon na ngiting-ngiti pa. so don't tell me hindi na matutuloy ang kwento ni koya niyo euiwoong? paepal talaga 'tong si haknyeon e no, kung hindi niya lang ako binigyan ng burger kanina panigurado nabatukan ko na 'to. parang nananadya na kasi siya.






"gising na si hyungseob!" tanging sabi niya at bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ang pangalan ng nag-iisang tao kung bakit kaya kong maging masaya sa kabila ng sakit na pinaramdam niya sa akin.



-

hello hehe may nagbabasa pa ba or naghihintay ng update? sorry talaga super late ud! matagal na 'tong nasa drafts ko pero... hindi ko mapublish dahil hindi ako masatisfy nung una kong natype lol. pero eto na hehe sorry ulit guys enjoy! hindi ko na kayo paghihintayin haha pero hindi ko maipapangakong wala akong papatayin wiho wiho dejoke HAHAHAHA

mental block | ahn hyungseobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon