055

515 26 8
                                        

narration; bree

dumaan yung mga nakalipas na araw at unti unti ko nang nagets yung gustong ipahiwatig ni hyungseob noong nakaraan. kaya pala.





simula nung araw na 'yon hindi na niya ako pinansin pa at sa araw-araw na makikita ko siya wala siyang ibang kasama kung hindi si arue. masaya silang dalawa.


"ano na naman 'yang mukhang 'yan bree?" tanong sakin ni woong, siya itong palagi kong kasama nitong mga nagdaang araw saka yung 99 squad except for seob.


"ako na naman nakita mo eh, tingnan mo nga 'yang dalawa parang pinagsakluban ng langit at lupa yung mga itsura. sila naman punahin mo." baling ko dun sa dalawang nakabusangot. ewan ko ba dyan kay jihoon at woojin pagdating nila dito sa cafeteria ganyan na yung itsura nila.



"ikaw lang naman nakikita niyang si woong nagtataka ka pa." wala sa sariling sabi ni haknyeon habang kumakain ng sandwich niya. nakatanggap naman siya ng pamatay na tingin mula kay euiwoong dahil sa sinabi niya. medyo nag-uusap na kami ni euiwoong ngayon hindi kagaya dati, siguro dahil nakakairita narin yung kapag may iniiwasan kang tao.


"badtrip talaga eh" nakuha pang humalukipkip ni woojin pagkatapos niyang magsalita. so badtrip nga talaga siya? hindi kaya nag-away 'tong dalawang 'to kung sino yung mas better maging leader ng pink sausages?





"dahil ba 'yan dun sa babaeng kasama mo sa picture?" tanong ni haknyeon sa kanya.





"wag mo na nga banggitin naiirita lang ako. magbabayad talaga yung babaeng 'yon sa ginawa niya. tss." naintriga ako bigla gusto ko sanang tanungin kung ano yung pinag-uusapan nila kaso biglang tumayo si woojin at nagpaalam na maglilibot-libot muna daw siya sa campus bago pumasok. sumama rin naman sa kanya si jihoon para daw makaamoy siya ng fresh na hangin.





nasa city kami tapos fresh na hangin hanap ni qaq0-- hay nako ayoko nalang nga mag-salita.





"una narin ako sainyo, bye woong enjoy" nanlaki nalang yung mata ko nang iwanan rin kami ni haknyeon. bastos na bata 'yon. "una narin ako" maikli kong sabi nakatayo na ako at handang magmartsa paalis nang bigla niya akong hinila paharap sakanya. pinilit kong alisin yung kamay niya sabay tumalikod nang bigla akong nanlumo. parang naging jelly yung mga tuhod ko at gusto ko nalang matunaw bigla.








"ano? masaya ka bang tumalikod sakin?" sabi niya mula sa likuran ko. alam kong may iba pang kahulugan yung sinabi niya pero ang tumatak lang sa utak ko ngayon ay yung nakikita ng dalawa kong mata.





"masaya. pero yung ngayon, sobrang sakit pala."











-

hello so ayun kung mapapansin niyo may hint dyan para sa upcoming pink sausages ff ko na malalagay sa wanna won series along with "never" (lai guanlin ff) hahaha pero magkaibang chatfic po sila.

mental block | ahn hyungseobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon