Chapter One

43 2 5
                                    

Sa isang malamig na umaga sa buwan ng Disyembre, nagising ng maaga ang History nerd na si George Sparks. Though siya ay isang purong pinoy, (Matangkad, Kayumanggi ang kulay ng balat, at nakatayo ang buhok, at medyo makapal ang balbas), nag-mula kasi sa lolo niya ang pangalan niyang Sparks. Magaling siya sa History, kahit sa simpleng History ng University nila ay alam niya.

By the way, nagising siya ng maaga para mag-review sa iba niya pang subjects. After thirty minutes, nag bukas siya ng Facebook para sa tumingin ng ibang post. Well, as usual, naka-Like siya sa page ng History Channel at iba pang may kinalaman sa History--like: Panzer pages, Leonard Davinci's Monaliza, WWII Lost Films, etc.

Tiningnan niya ang relo niya, 5 am, Hayy!, sabi ni Geroge sa isip niya, Bakit kasi kailangang tatlong subjects ang kailangang iexam sa isang araw?! Pero para kay George di bali na. Hindi man siya ganun katalinong mag-aaral, sadyang History lang talaga ang forte niya kaya nga AB History ang kinuha niyang course. Naligo na siya para maghanda sa klase niya ngayon.


Si George lang mag-isa sa condo niya. Wala na ang nanay niya dahil sa isang aksidente nung bata pa siya, at ayaw niya nang mapapag-usapan ang tungkol dito kahit kailan. Konti lang ang kaibigan niya sa University, si Gerald na malapit lang ang dorm sa Condo niya at kumukuha ng kursong Political Science, at si Jefferson na taga Fairview at kumukuha din ng kaparehong course. Kung sa pera wala siyang gaanong problema, dahil pinapadalhan siya every month ng tatay niyang nasa Germany.

Ang Tatay niya ay si Adolf Sparks, isang Electrical Engineer na nasa Germany. Kadalasan kumikita siya sa pagiging Engineer niya, pero mas mas madalas na kumikita siya sa mga sinusulat niyang nobela. Katulad ni George, mahilig din sa History ang dad niya. Karamihan ng isinusulat nito ay puro mystery tungkol sa hystory (Ayus diba?). Minsan ipinabasa niya kay George ang draft ng isang nobela nito na pinamagatan niyang The Tomb of Greatest Leader kung saan isinulat niya ang isang misteryo kung saan makikita ang tunay na lokasyon ng libingan ni Adolf Hitler.


Lumabas na si George ng banyo, nag sipilyo siya at nagsuot na ng uniform niya. At lumakad palabas ng Condo.
Pag-dating niya sa University maraming pulis sa may Lepanto Gate at may mga taong nagkatipon at mga estudyanteng nakinood din sa ginagawa ng mga pulis. Nakita niya ang kaklase niya sa Physics Subject na si Mark, at patakbo itong pumunta sa kinatatayuan ni George.

"George!" Tawag ni Mark sa kanya. "George, Wala na daw tayong exam sa Physics."

"Huh?!" nagulat na reaksyon ni George, ikaw ba naman ang gumising ng maaga para mag-review, tapos di pala matutuloy, it's a huge upset. Pero mas ikinagulat ni George ang mga sumunod na ikinwento ni Mark sa kanya.

"Si Prof Manuel natagpuang patay sa loob ng Lab kaninang umaga lang."

"Sino naman ang papatay sa kanya? Wala naman siyang kaaway."

"Yun nga ang nakapagtataka," sagot ni Mark. "Mukang hindi away ang pinag mulan."

"Panong hindi away?"

"Ang sabi kasi," bulong ni Mark kay George. "Gumagana yung CCTV pero bigla itong namatay pag pasok nung kung sinomang pumatay sa kanya. At walang nakitang marka sa katawan niya na pinahirapan siya."

"So, pagnanakaw ang dahilan ng pagpatay sa kanya?" tanong ni George.

"Hindi din." mabilis na sagot ni Mark. "tinanong ng S.O.C.O., yung mga personel ng Lab, wala naman daw nawala. Pati yung Timer na gagamitin sa countdown sa Christmas Tree Lighting bukas ng gabi, nandun parin."

"Kung ganun," napa-isip ng malalim si George sa motibo. "si Prof talaga ang target? Pero bakit kaya?"

"Hay Nako--" kung anuman ang sasabihin ni Mark, pinutol ito ng isang teacher na humawak sa balikat nilang dalawa.

"Excuse me," sabi ng teacher. Nakasuot siya ng pulang polo shirt, na naka tuck-in sa pants niya. Si Prof John, ang teacher ni George sa History major niya.

"Prof John? Bakit po?" tanong ng dalawa.

"Pwede ba kitang isama sa scene George?"

"Ahh--Ahh, sige po." sagot niya.

"Maiwan ka na muna dyan Mark, at mag-review ka sa subject ko."

Pumasok si Prof John at si George sa Campus. Isinama si George, dahil mayroon daw gustong ipakita sa kanya, at baka alam niya ang sagot sa misteryong iniwan ng Killer.
Bakit hindi nalang totoong detective ang tinawag niya? sabi ni George sa isip niya, I'm not Sherlock Holmes!

"Tungkol san po ba Sir?" Tanong ni George, "At bakit po ako ang pinatawag niyo?"

"Ikaw ang dalubhasa sa Topic," sagot ng Prof. "Oo, pinatay ang Professor niyo sa Physics 4 sa hindi malamang dahilan, pero nag iwan ng sulat ang killer isang sulat na parang tula at tila nagbibigay ng banta sa Event bukas."

"Bukas . . ." Pinilit alalahanin ni George kung anong activity meron sa knabukasan, "Ang Tree Lighting--"

"--Bukas ng gabi." dugtong ng Prof. "Kapag hindi nalutas ang kaso hanggang mamayang uwian, mapipilitan tayong hindi ituloy ang event. Yan ang decision ni Prof Rod kung sakaling walang progress sa kaso."

"Pero sir?" Sagot ni George na parang nabigla sa decision ni Prof Rod (Ang nakalinyang magiging susunod na University President dahil sa utos ng Tatay nitong si Mr. Chua). "Kapag hindi natin itinuloy ang event, first time in the History ito, hindi kaya pumutok sa media ang nangyaring ito."

Tila walang pakialam si Prof John, at itinuro nalang ang pinto ng Lab, "Ahh--Nandito na pala tayo, halika." sabi niya, na parang hindi niya narinig ang tanong ni George. Pero di bali na, lahat naman yata ng nasa University ay na-tense sa bangkay na nakita. "George, wag kang mabibigla sa makikita mo. . ." Pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya, nagulat siya at nakaupo na si George na tila pinag-aaralan ang bangkay ng Professor.

"So iniwan niya ang papel na ito?" Tanong ni George, "Wala naman nakakabahala . . ." hanggang sa mabasa niya ang buong tula. "Maliban lang sa huling linya."

"I-Decipher mo." utos ni Prof John.

"Huh?" Nabigla si George sa utos ng Prof. "Eh sir, halos wala nga pong kinalaman sa History ito eh, dapat Filipino expert ang tinawag niyo."

"Basahin mo ng buo." utos ulit ng Prof.

At binasa nga ni George, at ang nakasulat ay:

Apat na ginagalang lalapastanganin,
Isang malakas na kapangyariha'y papatayin,
Tanda ng mga Gusali dapat bantayan,
Bombang 'di makita ngutnit tinitingnan na ng karamihan.
~Slave


At halos napatigil hindi lang si Prof at George, kundi pati ang mga SOCO na nasa loob ng Lab.

"Sige po, wala lang ito." Sa wakas binasag na ni Prof John ang katahimikan sa Lab. "Tuloy lang."

Hindi parin makapag-salita si George, mukang mas na-trauma pa siya sa nabasa niyang tula kaysa sa bangkay na nakita niya.

"Kaya ikaw ang tinawag ko," paliwanag ni Prof John, "codes, riddles, puzzles, et cetera, alam kong makakaya mong lutasin yan."

"Para sa Pamantasan at mga Mag-aaral nito," sabi ni George, "sa abot ng aking makakaya, lulutasin ko ang kaso."

"Dapat lang," sabi ng Prof, "Kung hindi, hindi natin itutuloy ang event."

The Hidden GoblinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon